Kabanata 1

6 3 0
                                    

"Anak... Mag iingat ka dun ahh-"

"Nayyy. Ilang beses niyo na po bang sinabi ngayong araw sa'kin yan?" Tumawa siya sa sinabi ko.

Napatingin ako sa pintuan ng makita si tatay na kakapasok lamang at tinanggal ang kanyang sombrero.

"Anak. Nandiyan na si Mang Esko. Naghihintay sa labas." Nakanguti niyang saad at lumapit sa'kin. Tsaka niya ako yinakap.

"Wag mong kakalimutang kumain,anak... Lagi mong unahin ang kalusugan mo ahh. Papuwiin talaga kita pag nalaman kong pumayat ka na." Pagbibiro niya na siyang tinawanan namin ni nanay.

"E,paano niyo naman po malalaman kung pumayat na ako dun."

"A-ah?" Gulat na biglang tanong ni tatay.

"Wala yun,anak. Nagbibiro lang ang tatay."

"Halika nay, sumali ka sa yakapan namin ni tatay. Ma m-miss ko kayo. Mag iingat din kayo dito. Alam niyo naman pong delikado sa lugar na 'to."

"Wag mo kaming alalahanin. Ikaw dapat ang mag-ingat dun. Kaya na namin dito."

"Yan ang nanay ko. Matapang." Nagsitawanan na muna kami bago kami nagyakapan tatlo.

"O sige na. Naghihintay na si Mang Esko dun."

Kinuha ko na ang dalawang bag na pinaglalagyan ko ng damit patungong manila para magtrabaho at mag-aral.

"Hatid ka na namin-"

"Wag na po,nay. Ayos lang po ako."

"Hayy. O sige na. Kahit kailan talaga,ang tigas ng ulo mong bata ka."

Hinalikan ko na muna sa pisnge ang nanay at tatay bago ako kumaway sakanila ng pasakay na ako ng tricycle.

Papasok na ako ng matanaw ko ang buwan na ang sinag sa kalangitan. Hindi ko alam pero kinakabahan ako bigla ng makita ko ang unti-unting pagpula ng buwan.

Gustong-gusto ko ang buwan. Hindi ko alam,pero napapamahal ako sa kagandahan ng buwan. Bata pa ako,ito na ang paborito kong titigan sa tuwing gabi. Hanggang sa tumuntong na ako sa ganitong edad,mas minahal ko pa lalo ang buwan.

Kinusot ko ang mata ko at baka epekto lang 'to ng walang tulog simula nung nakaraang araw.

Tuluyan na akong nakapasok sa loob at tiningnan sila nanay at tatay at nginitian sila.

"Mahal ka namin,Luna!" Sigaw nila ng umandar na ang tricycle

"Love you,nay tay!" Nag flying kiss pa ako sakanila tsaka ko na ibinaling sa madilim na daan ang tingin ko kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.

Hindi ko gustong umalis sa baryong ito... Hindi ko gustong iwan ang mga taong mahal na mahal ko,si nanay at tatay.

Ngunit dahil kinakailangan ay kailangan kong tapusin ang pag-aaral ko. Kailangan kong magtrabaho para pambayad sa papasukan kong paaralan sa maynila. Kahit na alam kong delikado ang panahon ngayon. Simula ng lumabas ang pulang buwan na kataka-taka. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari tuwing gabi. Dahil hindi ako nina nanay pinayagan ang lumabas sa tuwing bilog na bilog ang buwan na normal lamang ang kulay,lalong-lalo na kapag pula ito.

Mas pinili ko ang iwan sila dahil sa pangarap ko. Para din naman 'to sakanila... Gusto kong baguhin ang buhay naming magpamilya....

Isang iglap,biglang sumama ang pakiramdam ko. Ngayon ko lang to naramdaman-

"L-luna?" Napabaling ang atensyon ko kay Mang Esko ng maramdaman ko ang takot nito. Isang oras na din ang nagdaan at hindi pa kami dumadating sa sakayan ng jeep.

Hindi ako nakahabol sa unang byahe kanina,dahil nagkaproblema sa palayan na pinagtatrabuhan nina nanay at tatay,kaya naiwan ako. At ngayong gabi ang huling byahe ngayong semana. Sa isang semana kasi dito sa'min,ay isang araw lamang may nakakapagbyahe dahil malayo ang sakayan ng mga eroplano galing sa'min. Malayong-malayo ang syudad sa lugar na kung saan ako ngayon.

Blood Of My BelovedWhere stories live. Discover now