Chapter 23 : Darkness

2.6K 47 9
  • इन्हें समर्पित: ChinitaSai
                                    

Chapter 23 : Darkness

The smell of disinfectant. Hushed tones.

Kahit na nasa kadiliman pa ang aking gunita ay alam kong nasa loob ako ospital. Naririnig ko ang boses nina Papa at Mama.

Ilang oras na ba ang lumipas?

"Baby Girl, bakit hindi ka pa nagigising?" sabi ni Mama.

Gising ako, Ma! Nandi-

Binawi na naman ako ng kadiliman.


Bumalik ulit ang liwanag. Narinig ko ulit ang mga tao sa paligid ko.

"-you're sure she was not stabbed?" Kuya Stefan?

"Yeah."

Cedie!

"Ang sugat mo? Napatingnan mo na ba iyan?" tanong ni Kuya Stefan.

"I'm fine, Stefan. I'll live."

"Thank you for saving my sister. Kung hindi dahil sayo, malamang nasaksak na at narape na ang prinsesa ko."

Darkness.


Light.

"-sorry. Kailangan na kitang iwan, Baby Doll."

Dinala nito ang kamay ko sa pisngi niya.

"Siguro hindi talaga tayo tinadhanang magkatuluyan."

What?

With an internal roar, I tore through the darkness. My lids flopped open. Hindi na malabo ang paligid. Nakita ko si Cedie sa tabi ko.

Napasinghap siya nang makita niyang nakamulat na ang aking mga mata.

"Stay awake I'm calling the doctor." Tumayo siya pero napigilan ko ang kamay niya.

"Come on Cedie, you are the doctor,"tukso ko sa kanya. Nanghihina pa ako pero pinilit kong magmukhang okay. I expected him to smile. Pero walang naging ekspresyon ang mukha ni Cedie. Tila tuod ito. Parang nakikipag-usap ako sa pader.

Unti-unti kong nakita ang kabuuan ng hitsura niya. Hindi siya nakasuklay at nakapag-shave. Namumula rin ang mga mata niya na parang ilang gabi nang hindi natutulog.

Hinaplos ko ang ilalim ng mga mata niya. "Eyebags pa ba ang mga ito? Mukhang maleta na yata ah." Hindi niya pa rin ako kinibo. Nakatitig lang siya sa hitsura ko.

"Cedie!" untag ko sa kanya. "Ngumiti ka naman!"

"How can I?" he asked me with an agonized expression. Sa pagkakataong ito, hinaplos niya ang pisngi ko. Bumaba ang kamay niya sa aking leeg. Napapikit ako sa bawat haplos niya. Bumaba pa ang kamay niya hanggang makaabot ito sa balikat ko.

Napadilat ako nang ilantad niya ang aking balikat. Napatitig ako sa kanyang mukha. Walang bahid ng arousal ang kanyang mga mata. Puot. Galit. Iyon ang masasalamin ko sa mga iyon.

Napayuko ako sa destinasyon ng kanyang paningin. Napasinghap ako.

Kiss marks. Bruises. Lahat galing sa nangharass sa akin.

"I will make it sure that he will rot in jail," he said with a dangerous tone.

Gusto kong mawala ang galit sa kanyang mukha. Gusto kong pawiin ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Pinilit kong bumangon ngunit kumirot ang ulo ko. Hinawakan ko ang masakit na bahagi at nahawakan ko ang benda sa ulo ko. Tumayo siya agad.

Inalalayan niya akong mahiga ulit. "Huwag mong piliting tumayo kung hindi mo pa-" ahindi na niya natapos ang sasabihin dahil yakapin ko siya. Nabigla siya sa aking ginawa. Hindi siya nakagalaw.

Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें