Flash Back #2: The Best News

2.8K 99 23
  • Dedicated to John Russel Cabanban
                                    

This is dedicated to John Russel Cabanban!

Besh, 2x na ito ha..huwag na sad.. :D

The photos/videos posted here are not mine. The credits belong to their rightful owner.


Flash Back # 2: Best News

Stefan's POV (8 years old Stefan, Summer of '91)

"Cedie, paabot ng pot holder! Bilis nasusunog na ang kamay ko!" sigaw ko sa bestfriend ko.

"Pasensya na, kamahalan. Mahirap po kasing maglakad ng nakapalda, Your Highness" sabi ni bestfriend Cedie sabay abot ng pot holder.

"Tama ka bro, paano kaya natitiis ni mama ang damit na to? Hindi nga ako makabuka na legs sa paldang to. What a nuisance!" Sinipa sipa ko ang laylayan ng palda.

Two days ago lang kami natuli ni bestfriend. Binata na kami! Pwede ng mangbabae! Summer na tapos perfect pa kasi wala kaming baseball practice ngayon.

Ngayon, gusto naming pagsilbihan si Mama. Masama raw kasi ang pakiramdam kaya nagluto kami ng fried bangus. Hindi naman namin alam na makikipaglaban pala kami sa lintik na mantikang ito. Sayang naman ang cute naming mukha kung mapaso ng kumukulong mantika.

"Bubuksan ko na ang takip! Iprepare ang shield!" Shield=Takip ng malaking kaldero!

Pumutok - putok pa ang pritong bangus! "Shit! Shit!" Nilagay ko iyon sa platter.

Mission accomplished! Naglagay narin kami ng kanin at kubyertos sa mesa.

"Ano ba iyang naamoy kong mabaho?" sabi ni Mama na kapapasok lang ng kusina.

"Fried bangus po, Mommy," sabi ni bestfriend sabay bow. Mommy na ang tawag ni Cedie kay Mama. Palagi kasing nanadito sa bahay ang kulokoy na to.

"Ang baho-baho talaga!" reklamo ni Mama. Dumiretso si Mama sa sink. Nasuka siya sa niluto namin.

Crestfallen kaming dalawa ni bestfriend. Pinaghirapan namin iyan sa digmaan kanina.

Humugot ako ng hininga at yumuko. "Bibili na lang po kami ng pagkain kina Manang Diday." Pinaghirapan pa naman namin ni bestfriend iyon. Nakakasama talaga ng loob.

Niyakap ako ni Mama. "Halika dito, Cedie." Lumapit din si bestfriend na halatang nasaktan din. "Hindi naman sa hindi ko nagustuhan ang niluto niyo, boys. Sensitive lang talaga ako."

"Hindi ka naman pihikan dati, Mama ah!" angal ko. Kahit ano namang niluto ko dati kahit sunog at walang lasa kinakain naman niya. Hindi kaya nagsawa na siya sa mga luto ko? "Ma, promise next time I'll do better!"

"Basta huwag isda mga anak ha. Mukhang ayaw ng kapatid niyo ang isda," nakangiting sabi ni Mama.

"Sinong kapatid?" tanong ko.

Then, it dawned to me. Napatitig kami ni Cedie sa isa't isa.

"May kapatid na kami?!" tanong ni Cedie.

Tumawa si Mama. "Oo, tatlong buwan na siya."

Napatalon kami sa saya ni Cedie.

"Ahhhhhh!!!!!" napahiga kami sa sahig. Sinong nagsabi na masakit sa bagong tuli ang pagtalon? Sinungaling kayo! Hindi masakit lang! Sobrang masakit na masakit!

Pinagmasdan ko rin ang nakahandusay kong bestfriend. Hindi nito ininda ang sakit. Gumulong-gulong pa ito sa tuwa.

Si Cedie pa naman ang pinakamasipag magdasal sa chapel araw-araw. Sabi niya kasi imposible siya magkaroon ng kapatid sa mga magulang niya. Hindi ko naman maintingihan kung bakit. Ayaw naman niyang sabihin kung bakit.

"Magiging kuya na tayo, Stefan!" Nagniningning ang mga mata nito.

"Yeah, magiging Kuya na tayo!"

---------#####--------

Media: Young Stefan :)

Hit the star button if you liked this chapter!

The photos/videos posted here are not mine. The credits belong to their rightful owner.

Love lots,

Cambrielle

Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2Where stories live. Discover now