Chapter 13: Panic Mode

2.8K 80 26
                                    

Sorry sa sobrang late na update!!! Na-busy po ako sa work.. Pasensya na talaga!

This is dedicated to MoshieBabes07 :)

The photos/videos posted here are not mine. The credits belong to their rightful owner.

Chapter 13: Panic Mode

Portia's POV

♪♫♪♫♪♫♪
If a picture paints a thousand words,
then why can't I paint you?
The words will never show the you I've come to know.
♪♫♪♫♪♫♪

Napalingon ako sa pinanggalingan ng magandang boses na iyon.

"Wendell?" Napanganga ako.

Wendell!!!

Syet!!!!!!

Ngumiti siya. "Hello my Little Muse."

Napalingon agad ako kay Cedie. Magkasalubong ang dalawang kilay nito. He looked like a jungle cat about to pounce on somebody.

Nagkatinginan ang dalawang lalake. Tila nagsusukatan sila ng lakas. Patagalan ng titigan.

Kalbong pusang gala naman oh! Hari ng Wrong Timing ka talaga Wendell!!

Lumipas ang isang minuto at wala pa ring nagpapatalo sa dalawa.

Anong gagawin ko? Sampalok Juice ko! Ano ng gagawin ko? Mabubuking na ako nito! War freak pa namn si Cedie. Madaldal namn itong si Wendell.

Parang gusto kong mangisay sa trimmed grass fields sa park nito. Doon talaga sa bandang may bermuda grass!

Lupa bumuka ka na! Kainin mo na ako!

Think! Think! Bahala na si Spiderman.

"Wendell!" Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi naman sana ganoon kahigpit. Hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko sa sobrang nerbyos.

Tumawa siya. "Woah, little muse. Hinay-hinay lang. I missed you too."

Missed you too-hin mo ang mukha mo! Kung pwede lang ayaw kitang makita rito! Waaaahhhh... Pinaglalaruan mo ba ako tadhana?

"Porsche?" Thank God!!! Hindi ako magkakamali sa mahinang boses na iyan.

"Oh Caelia, mabuti naman at nandito ka na!" Thank you! Thank you Lord!

"Caelia, I'd like you to meet Cedric Sebastian." Tinuro ko ang naglalagablab na Cedie sa tabi ko. "Cedie, this is Caelia Sevilla. She's your date."

Tinitigan ko si Cedie. Akala ko kakaladkarin niya ako tulad ng dati. Buti na lang hindi. O baka hindi pa kasi mamaya pa. Malay ko ba sa takbo ng isip ng lalakeng may multiple personality disorder na to?

Tumaas ang kilay ni Cedie. "Eh, siya? Hindi mo ba kami ipapakilala sa kanya?"

"I'm Wendell Ferrariz." Nakipagkamay agad si kumag.

Naku, kapag nagtagal pa kami dito mabubuking ako. Baka kung ano pa ang gawin ni Cedie at pagkagosing ko bukas nasa harap na ako ng simbahan, nagpapakasal!

Frozen in place ako ng ilang minuto. Awkward talaga. Wala man lang may nagsalita. Kahit itong si Wendell na dati-rati'y factory ng salita ang bunganga walang masabi.

Awkward.

Bahala na!

"Cedie, maiwan muna namin kayo ha. Get to know each other. May pag-uusapan lang kami ni Wendell. Bye! Bye!"

Kinaladkad si si Wendell papaunta sa pinakamalayong bench. Juice ko, nangyari na ang pinakakinatatakutan ko. Bakit ba kasi ako nagsinungaling?

Hindi ko naman akalaing magkikita sila agad dito. Sobrang nakafocus ako sa lesson ni Cedie. Naku, kung hindi pa kumanta ang kumag na to, hindi ko pa siya nakita. In fairness ang ganda ng boses ha.

Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2Où les histoires vivent. Découvrez maintenant