Chapter 25 : Courage in a Bottle

2.8K 40 2
                                    

The photos/videos posted here are not mine. The credits belong to their rightful owner.

Chapter 25 : Courage in a Bottle

Portia's POV


"Could it be the Cedie years ago is gone... forever?"

"Gaga! Walang forever !!!" sigaw ni Leavie habang tinungga ang isang shot ng pinagmamalaki niyang oyster shooter. "Walang forever!!!"

"Leavie, tama na iyan!" Inagaw ko ang isa pang shot glass sa harapan nito. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang high stool sa tapat ng isang wet bar kasama ang ex-gf ng lalakeng mahal ko.

I'm so depressed and I needed someone to distract me. I needed someone who'll listen to my problems. Since Leavie is the incarnation of fun, tinawagan ko siya agad nang makaalis ako sa bahay nina Dree kanina. Then, I saw her like this. Hindi lang pala ako ang problemado sa buhay pag-ibig.

"Come on, Baby Doll. Huwag kang killjoy," Leavie slurred. Imbes na agawin niya ang shot glass mula sa kamay ko, lalo niyang siniksik iyon sa bibig ko.

The drink has 4 raw shucked oysters with hot pepper sauce and vodka. It looked so disgusting. Inisang lagok ko ang laman niyon.

Shot.

Gasp.

Suck.

Ahhhh....

"Not bad!" sigaw ko kay Leavie na tumawa rin ng malakas. Pagkatapos niyag tumawa ay sumandal siya sa balikat ko at humagulhol sa ika-.. ilang beses na nga ba?

"Letseng pagmamahal iyan! Sana pinatay niya na lang ako! Ang sakit-sakit!" sigaw ni Leavie.

"Gaga! Huwag mong kopyahin si Xander! Epal ka!"

Tumigil siya sa pag-iyak. "Ay, nanaunuod ka rin ng Forevermore?"

"Sana pinatay na lang ako ni Cedie! Ang sakit-sakit!" ang  tanging tugon ko sa kanya pagkatapos ay inisang lagok ko ulit ang oyster shooter.

Shot.

Gasp.

Suck.

Ahhhh...

Dalawang shot pa lang pero feeling ko humihiwalay na ang kaluluwa ko sa aking katawan.

"Hey,we really shouldn't be doing this, Leavie. Alam mo ba na nakaksira ang too much alcohol sa liver. Tataas ang liver enzymes natin lalo na ang alanine aminotransferase at aspartate aminotransferase. Ay! May isa pa palang enzyme! Alam mo iyon gamma-glutamyl transfe-"

"Shut up Portia!" Nangudngod ako sa counter sa lakas ng hampas sa akin ni Leavie. "Lumalabas ang nerdy side mo dahil sa alak!"

Inagaw na ni Leavie ang isang shot sa kamay ko. Then she started sobbing again. "Letse ang lahat ng mga lalake! They are definitely the weaker sex! Konteng haplos lang  mala-higad na mga babaeeng ahas, bumibigay na! Nasaan na ang forever na pinangako niya?"putol-putol na sabi ni Leavie sa akin. Nag-umpisa na naman ang mood swing niya. Nahuli niya kasing may katext ang asawa niya.

Shot.

Gasp.

Suck.

Ahhhh...

"Magaling lang sa salita! Hindi naman sa gawa! Sabi ni Cedie mahal iya ako pero nakalimutan niya agad iyon sa loob ng tatlong taon!Nakamove on siya pero ako hindi pa!" Oh no, its getting on me HARD. Nawawala na ang inhibisyon ko. Pakiramdam ko ay sinisilaban ako sa init. Kumuha ulit ako ng isang shot.

Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2Where stories live. Discover now