Chapter 4: Operation Chasing Skirts

5.3K 166 81
  • Dedicated to Lowell Jay I. Depita
                                    

Dedicated to Lowell Jay Depita, RMT!!!!!!!!

2 days siyang nangulit para sa chapter na to.

This is for you!

The photos/videos posted here are not mine. The credits belong to their rightful owner.

Chapter 4: Operation Chasing Skirts

Portia's POV

Ang tagal naman yata maligo ng lalakeng ito. Thirty minutes na siyang nasa banyo ah.

Kinagat ko ang kuko ko. Natetense ako ngayon. This is my first attempt to steer his false affections from me. Kailangan kong makahanap ng babaeng compatible sa kanya.

Honestly, hindi ko akalaing papatulan niya ang plano ko. Siya kasi ang tipo ng lalake na kukunin ang bagay na gusto niya. A go getter. Kaya palaisipan ngayon sa akin ang tumatakbo sa utak niya.

Kinagat ko ulit ang kuko ko. May mas itatagal pa ba siya?

Pagkatapos ng another ten minutes, sinugod ko na siya sa kwarto niya. Kinatok ko ng malakas ang pintuan ng kwarto ni Kuya Cedie.

"Kuya Cedie, hindi ka pwedeng maligo sa bath tub ngayon! Ang rami pa nating pupuntahan!"

Aba!Hindi niya ako pinansin! Binayo ko ulit ang pinto. Kinagat ko ulit ang mga kuko ko only to find out na wala na akong makakagat. Nakagat ko na pala lahat. Daig ko pa ang bagong manicure. Kasabay ng pagkaubos ng kuko ko ang pagkaubos ng pasensiya ko.

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa tapat ng bintana ni Kuya Cedie. Bungalow ang bahay ni Kuya Cedie. Sadyang pinadesenyo niya iyon kay Kuya Stefan kasi gumagamit ng wheel chair ang Mama niya matapos itong maaksidente na ikinamatay ng Papa niya. Madalas kasing bumibisita ang Mama niya sa bahay na to. Palibhasa Mama's boy si Kuya Cedie.

Sumampa ako sa large, half opened french window. Hindi naman iyon kataasan pero dahil sa kapiranggot kong height which is equals to my short legs ,eh parang bata akong inaabot ang langit.

Napabuntong hininga ako ng sa wakas ay nakasampa na ako ng bintana. Napasandal ako sa glass window.

I was catching my breath when someone blew air on my right ear! Napatalon ako sa pagkabigla at nabangga ang ulo ko bakal na frame ng french window. Napapikit ako. Ang sama talaga ng pagkakatama sa ulo ko. Nahilo ako at unti-unti akong nahulog palabas ng bintana.

May biglang humila sa akin pabalik. Strong arms caught me before I hit the floor. He twisted his body so he could take the impact in our fall. Napadilat ako.

"Damn! Kung gusto mo akong silipan, hindi mo kailangan ibuwis ang buhay mo! Maghuhubad na ako sa harapan mo anytime, anywhere!" sermon ni Kuya Cedie.

Wala akong masabi. Isang dangkal lang ang layo ng mga mukha namin. Naamoy ko ang aftershave niya. He smell so good. For a moment parang gusto ko ng malunod sa mga mata niya. Mahahaba ang mga pilik mata nito. Pinkish din ang mga labi. I'll do anything to have those lips. He's so beautiful. Buti pa siya mukhang babae. Eh, ako nga tong babae, mas papasa pang lalake.

"Huwag mo akong tingnan ng ganyan, princess. Hindi ako magdadalawang isip na pikutin ka. Baba ka pa ng kaunti at magiging x-rated na ang romantic scene na ito."

Nahimasmasan ako sa sinabi niya. I realized that I was on top of him! And he is gloriously NAKED!

"Wear your damn clothes on!" sigaw ko sa kanya pero hindi pa rin ako makagalaw sa pagkabigla.

His infamous smile appeared again. "Paano ako makakapagbihis baby doll? Nakadagan ka nga sa akin? Damn, you're so soft."

Dali-dali akong bumangon sa pagkakadagan sa kanya. Tumalikod ako sa kanya. "Magbihis ka na dali!" sigaw ko. Ang init-init ng pisngi ko. Nangangamatis na siguro ako ngayon.

Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2Where stories live. Discover now