Chapter 17 : Mine

2.9K 66 13
                                    

Note: Before you read this chapter, please read my one-shot : For the First Time. Nasa Works section ko iyon. May mga scenes dito na doon galing. Malilito kayo kapag inuna niyo itong basahin.

This is dedicated to ThatSurferGirl!

Pasensiya na sa super late update. Busy po kasi masyado sa career. :D

The photos/videos posted here are not mine. The credits belong to their rightful owner.

Chapter 17 : Mine

Cedric's POV

I would take Baby Doll out for a romantic dinner down on the waterfront. We will enjoy a nice multi course dinner overlooking the sea in a romantic setting. We would then take a ride to high peak out of town where we could take a moonlit stroll and enjoy a star filled sky .....

Napabuntong hininga ako.

Our dinner date will be so damn perfect..

...kung nanalo ako.

Lecheng buhay naman to oh! Abot kamay ko na sana! Pumalya pa! Kinagat ko ng aking dila habang naaalala ang aking kabiguan.

"Whoo!!!!! Galingan niyo pa! Ang mananalo idedate si Portia hanggang alas diyes ng gabi!" sigaw ni Stefan.

She's mine. I'll win this!

Tenth frame na. Two hundred sixty na ang score ni Wendell. Sa akin ang last bowl.

Huminga ako ng malalim. This is it. Kapag na strike out ko ito, magiging three hundred na ang score ko at ako na ang mananalo. For you, Baby Doll.

Lumingon ako kay Baby Doll bago ko pinakawalan ang bola. Natigilan ako ng biglang halikan ni Tipaklong ang chubby cheeks ng Baby Doll. Sa sobrang pagkabigla ay nabitawan ko ang bola. Gutter ball iyon. Walang point. Walang score. Nanalo si Tipaklong and the rest is history.

Sinapo ko ang aking ulo. Saan na kaya dinala ng tipaklong na iyon si Baby Doll? Kinuyom ko ang aking mga palad. Kung hindi na lang sana ako lumingon, nanalo pa sana ako.Ngayon, kinakain na ako ng selos.

♫♫♫

Kunin mo na ang lahat sa akin
Wag lang ang aking mahal
Ikamamatay ng puso ko
Pag sa aki'y inagaw mo sya

♫♫♫

Napalingon ako sa kumanta. "Wala ka na ba talagang ibang trip gawin, Stefan?" Binigyan ko ang bestfriend ko ng nagbabantang tingin. Kahit na nasa loob kami ng Starbucks, bubugbugin ko talaga ang beastfriend kong to.

"Ayaw mo ng song? Sige palitan natin. " Tumikhim na naman siya.

♫♫♫
'Cause I'm scared to death
Now that I'm losin' you
I'm scared to death
Knowin' I can't get through
I'm scared to death
Living this so lonely life without you
Oh baby, I'm scared to death
♫♫♫

Hinampas ko na talaga ang mesa. Nagsilingunan na ang mga tao. Nilapitan kami ng isa sa mga babaeng crew. "May problema ba Sir?"

Nginitian siya ni Stefan. "Wala iyon. May nakitang lamok ang bestfriend ko. Pinatay niya lang. Everything is perfectly fine," lumabas ulit ang signature smile ni Stefan, ang ngiti na nakakapagpaluhod sa mga babae. Pulang-pula ang mukha ng crew nang makaalis siya sa table namin.

"Come on bro, gusto mo bang ma-ban tayo sa favorite coffee shop ko? Calm down. Joke lang iyon," sabi ni Stefan.

Humalukipkip ako. "News flash Stefan! This is not funny. Anong pumasok sa utak mo at pinayagan mong ma-date ni Wendell ang kapatid mo? Hindi mo siya kilala for Christ's sake!"

Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2Where stories live. Discover now