Chapter 7: Very Hot Springs

4.2K 149 68
  • Dedicated to Kryslyn Baguinon
                                    

This is dedicated to Kryslyn Genie Lour Baguinon!

Congratulations for passing the Medical Technology Board exams girl!

Enjoy reading!

The photos/videos posted here are not mine. The credits belong to their rightful owner.

Chapter 7: Very Hot Springs

Portia's POV

"Ang sarap sa feeling," napabuntunghininga ako. Kasalukyang nagtatampisaw ako sa isang hotspring. Humiwalay na ako kina Benj nang pauwi na kami. Ayoko kasing sumabay kina Kuya Cedie. Magha-hang out ata ang mga lalake.

Tsk.. Maghahanap na naman ng hooker iyon. Man whore.

Napapikit ako sa ginhawang nararamdaman ko. Nawala ang pangmamanhid ng katawan ko. Nasa heaven na yata ako.

Towel lang ang suot ko at wala ng iba. Men usually wrap their lower parts with a small towel while women use full size towel to cover their bodies.

This is one of the Japanese bathing etiquette. Isa kasi sa mga ritual ng mga Hapones na towel lang ang susuotin sa loob ng bath house. Guests are required to clean their body thoroughly before entering the hot water. May separate na shower stall para sa initial bath kung saan pwede ka magsabon at magbanlaw. Dahil kung hindi mo gagawin iyon, paalisin ka at lilinisin nila ang bath house. Ganoon katindi ang rules and.regulations ng mga Hapones sa hot springs nila.

Heaven. I'm in heaven.

"Have you heard of hadaka no tsukiai? It's the japanese term for naked companionship."

Biglang napadilat ang mga mata ko.

Kuya Cedie!

Bago pa ako makasigaw ay natakpan na nito ang bibig ko. "Huwag ka ngang mag-eskandalo. Nakakahiya." bulong ni Kuya Cedie.

Kinagat ko ang kamay ni nito. "Paano ka nakapasok dito ha?!" Nakatulog ba ako? Bakit hindi ko man lang naramdaman ang pagdating niya. This is supposed to be a private hot bath for Christ's sake!

He shrugged. Nakatapis lang siya ng towel. "I have my ways." Ngumiti siya. "Hmmm.. Hot. Very hot."

Alangan namang cold? Hot spring kaya ito. Then, it dawned to me.

He is ogling me! "Manyak ka!" Binato ko siya ng sabon. "Hayop!" Binato ko rin siya ng shampoo. "Ipakamot mo sa iba iyang kati mo!"

"Quit the shy virgin act Baby doll! Nakita ko na iyan noon pa! Wala ka ng maitatago sa akin! Awww!!!!" Tinamaan siya ng feminine wash bottle ko sa noo niya.

"Sinungaling ka! Mamboboso! Voyeur! Mapagsamantala!"

"Kasama ako ng kuya mo nang pinapalitan ka niya ng diaper ng baby ka pa! May nunal ka pa nga sa-"

Nahulog ang panga ko. "Nakita mo iyon?"

"Oo. Nakita ko iyang nunal mo sa-"

"Don't you dare say it!"

"That was cute by the way." Nagawa pa magbigay ng nakakalokong ngiti.

"Sino pa ang magpapakasal sa akin?" Pakiramdam ko isa akong plucked chicken na nakabalandra sa palengke. I feel so molested!

He gave me a bewildered look.

"Sinong magpapakasal sayo? Tinatanong pa ba iyan? Edi ako! Pakakasalan kita kahit may nunal ka sa--"

"Kuya Cedie!" Pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko! "Bakit mo ba ako sinusundan? Sinira mo ang usapan natin!"

"I want to apologize. I was a jerk, okay?" Sinubukan nitong lumapit.

Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2Where stories live. Discover now