Chapter 16: The BEASTfriend

3.1K 67 14
                                    

This is dedicated to my super kulit friend SeriouslyAwkward.

Tada! heto na ang pinakahihintay mo... :D

The photos/videos posted here are not mine. The credits belong to their rightful owner.

Chapter 16: The BEASTfriend

Portia's POV

Ebi tempura..

Chicken Teriyaki Bento..

Namnamnam...

Mango tempura jelly with vanilla ice cream..

Mudslide crepe..

Parang maiiyak ako sa mga pagkaing nasa harapan ko ngayon. My Favorites.

Isusubo ko na ang gyoza.

G Y O Z A...

Say Ahhhhhhhh------

Munch..munch..

Munch?..

Bakit parang may something foreign object ang gyoza ko?

Niluwa ko ang foreign object na iyon.

Bakit may takip ng toyo ang gyoza ko?

Napainom ako bigla sa punch tea ko. Much to my dismay, may nakita akong buong lemon sa baso ko. As in buong lemon.

Tiningnan ko ang yakisoba ko. May nakasahog na isang buong sibuyas. As in buong buo with matching skin pa.

Nilapitan ako ng lalakeng naka-chef uniform. Nakayuko ito kaya hindi ko makita ang mukha niya. Dala-dala niya ang isang tray ng lechon de leche.

Lechon de leche...

Sinubo ko ang takoyaki ko. Halos mabasag ang ngipin ko ng makagat ko ang isang malaking something sa loob niyon.

Isang malaking pinball.

"Mr. Chef, bakit ganito po ang pagkain ko? May takip ng toyo tapos ni hindi man lang na-slice ang lemon ng punch tea ko?" tanong ko habang naka-pout. Peyborit food ko iyon eh.

Nang makita ko ang mukha ng chef ay napa-slowmotion na nanlaki ang aking mga mata.I will recognize that signature smug look anywhere.

Stefan Caiden Clemente. The Kitchen Pestilence.

Nilapag niya ang dala-dala niyang tray sa harapan ko. Laking gulat ng makita kong may suot na Rolex watch ang lechon.

Mukhang kamay ng... Tao?

"Did you like it Baby Sis?"

Oh my God! This is just a nightmare!

Kinuha ni Kuya Stefan ang paa na may Rolex watch at takam na takam na kinagatan iyon. Kitang-kita ko ang pagnamnam niya sa laman nun.

Sinubo niya sa akin ang hawak-hawak niyang paa. "Say ahhh baby sis. Say ahhhh...."

"No!!! No!!!No!!!"

Naririnig ko ang malakas niyang pagtawa. Animo'y sinasapian siya ng demonyo.


Napabalikwas ako ng bangon. Panaginip lang pala ang lahat.

Pinagpawisan ako ng malagkit. Iyan ang napapala ng natutulog ng gutom. Hindi ako nakakain sa nerbiyos sa magiging kaganapan sa Sunday bonding namin kasama si Wendell. Naiisip ko pa lang ang mga magiging eksena.

Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2Where stories live. Discover now