Flash Back # 3: Behind His Smile

2.7K 82 19
                                    

This bonus chapter is dedicated to ArjhayTabios!

BOOM PANES! hahahaha.. >.<

The photos/videos posted here are not mine. The credits belong to their rightful owner.

Media: Young Cedie & Stefan with Baby Portia

------------------------################------------------

Flash Back # 3 : Behind His Smile

Young Cedric's POV (Valentine's Day , '93)

Naririnig ko na namang umiiyak si Mama. Nag-aaway na naman sila ni Papa sa masters bedroom. Niyayakap ako ni Yaya Lalai, ang singkwenta anyos kong yaya. Ganito kami palagi sa bahay kapag nagwawala si Papa.

Nagmamakaawa ang boses ni Mama. 'Fredrick, maniwala ka wala kaming relasyon ni Luis. Hindi ko magagawang magtaksil sayo. Mahal na mahal kita Drick. Nagkabanggaan lang kami Luis kanina. Walang namamagitan sa amin. Maniwala ka sa akin Drick. Mahal--"

"Hinding-hindi ka na makikipagkita sa kahit kaninong lalake Cecilia! Dito ka lang sa bahay! Oras na makita kitang may kasamang lalake, I'll commit murder! Do you understand?! Akin ka! Akin ka lang!" Dumadagundong ang boses ni Papa sa buong kabahayan.

Ilang sandali pa ay lumabas ng bahay si Papa at pinaharurot ang sasakyan niya.

Rinig na rinig ko ang mga hikbi ni Mama.

"Yaya Lalai, bakit ganoon si Papa? Mahal na mahal naman siya ni Mama ah," tanong ko kay Yaya.

"Nagkakaganyan ang Papa mo dahil mahal na mahal niya ang Mama mo, hijo," sagot nito.

"Kung mahal niya si Mama, bakit niya pinapaiyak si Mama?"

"Nagselos lang ang Papa mo.Ganyan talaga ang taong nagmamahal." Inayos ni Yaya ang magulo kong buhok. "Naalala ko ang lolo mo noong kabataan ni Papa mo. Madalas ding nagseselos iyon sa mga umaaligid sa lola mo. Natural lang sa inyong mga lalakeng Sebastian ito. Kahit ang mga Tito mo ganito rin. Binabantayan niyo ang pag-aari niyo. Iba magmahal ang mga Sebastian. Todo kung todo. Kaya nagkakasakitan."

Kung ganoon, nasa dugo na namin ang pagiging possessive?

"Ganito ba talaga dapat ang taong ngamamahalan? Nagkakasakitan? Bakit ang mga magulang ni Stefan hindi nag-aaway? May tiwala sila sa isa't isa. Wala bang tiwala si Papa kay Mama?"

Hindi kayang unawain ng isipan ko ang nagyayari sa pamilya ko. Araw-araw na lang ganito. Hindi ba sila nagsasawa?

"May tiwala naman si Sir Drick kay Maam Cecilia. Wala lang tiwala si Sir Drick sa mga lalakeng nakapaligid sa Mama mo. Napakagandang babae ng Mama mo, Cedie. Maraming nagkakagusto sa kanya."

"Eh sabi ni Mama mahal naman niya si Papa. Diba si Mama pa nga ang nanligaw kay Papa noon? Hindi naman kayang magtaksil ni Mama kay Papa."

Hinalikan ni Yaya Lalai ang noo ko. "Masyado ka pang bata para maunawaan ang mga bagay na ito, Cedie. Maiintindihan mo rin ito balang araw. Dugong Sebastian ang nanalaytay sa mga ugat mo."

Marahil hindi ko pa naiintindihan ang lahat pero isang bagay na natutunan ang batang isipan ko sa paulit-ulit na pangyayaring ito.

Kung ganito lang naman ang mangyayari kung magmamahal ako, hindi na lang ako magmamahal. Hindi ko kailangan ng pagmamahal na iyan. Respeto at tiwala ang magiging pundasyon ng pamilya ko.

Hindi ko hahayaang magkaroon ng ganoong epekto sa akin ang isang babae. Hindi ako magiging katulad ni Papa. Hindi ko sisirain ng pagseselos ang pamilya ko. Hindi dadanasin ng mga magiging anak ko ang dinaranas ko ngayon.

Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2Where stories live. Discover now