Chapter 20: Hurt

2.7K 59 9
                                    

AUTHOR'S NOTE:

The photos/videos posted here are not mine. The credits belong to their rightful owner.


Chapter 20: Hurt

Portia's POV

"Baby Doll..." Nanlaki ang mga mata ni Cedie nang makita niya ako limang metro mula sa kinatatayuan nila. Nakauwang ang mga mga labi ko sa aking nasaksihan.

"What you saw was nothing, okay?" sabi nito.

"Huwag kang lalapit sa akin."

Malaking mga hakbang ang nilakad niya papunta sa akin.

"Huwag kang lalapit sa akin! Nandidiri ako sayo!"

"Portia, magpapaliwanag ako," pagsusumamo ni Cedie sa akin.

Napatitig ulit ako sa kanyang mgaa mata. Ang magaganda niyang mata ay puno ng emosyong hindi ko maintindihan. Regrets? Siguro. Nagsisisi siyang nalaman ko ang kasinungalingan niya.

Diyos ko, bakit sa kanya pa ako umibig?

"It's not what you think." Sa bawat paghakbang ni Cedie papalapit sa akin ay siyang hakbang ko paatras.

"Portia, please makinig ka. Ikaw lang ang babae sa buhay ko."

Kasinungalingan.

Tears burned at the back of my eyes. "Stop it. Stay where you are."

"I'm telling you the truth!" giit ni Cedie.

"Kung ganoon bakit ka nakikipaghalikan sa babaeng iyan?" I gave a bitter laugh.

He became agitated. "Hindi mo ba nakita? I was pulling away."

"Wow. What a shock! Your body language said plenty!" sarkaastikong tugon ko. Bumalik na naman sa aking isipan ang eksenang nadatnan ko. Gusto kong uumiyak. Gusto kong sumigaw. Gusto ko siyang suntukin dahil pinaasa at pinaibig niya ako. Again.

" Hindi ko siya hinalikan. Siya ang humalik sa akin." Hinawakan niya ang kamay ko.

"You should have said no!" sigaw ko sa kanya. Sa gandang babae ng higad na iyon? Tinatanggihan niya? Kung talagang ako lang dapat nandoon ako sa utak niya bago siya nakipaghalikan sa higad na iyon.

Sabi niya ako lang.Kalokohan! Fool me once, shame on you. Fool me twice, shame on me.

"You are jealous." He stated.

"Of course not!"

"You are." Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi. "Can I just tell you how it turns me on?" Hinaplos niya ang pulso sa aking kamay. Marahas kong tinabig iyon.

"Diyan! Diyan ka magaling! Sa mga kahalayan diyan sa utak mo! Magaling kang magpaikot ng ulo ng mga babae! Sinama mo pa ako sa statistics nila!" Wala akong pakialam na nasa ospital kami. Wala akong pakialam kung may nakakarinig sa akin.

"Hindi ko gagawin iyan sayo. I told you. Hangga't magkasama tayo, ikaw lang ang babae sa buhay ko. Ilang beses ko bang dapat ulitin sayo iyon?" puno na ng iritasyon ang boses ni Cedie.

"Oh, yes I know! Pero hindi tayo magkasama kanina, Cedie. Isang linggo lang. Isang linggo lang pero naka-move on ka na. Isang halik lang ang namagitan sa atin tapos nagsawa ka na agad. I must be so beneath your chosen women that it only took you a week to move on."

"I swear to you. Never did I imagine myself with that female."

"You know what? I don't care." Tinaas ko ang aking mga kamay sa ere. "Hindi mo naman ako nobya at hindi na talaga magiging tayo kaya wala akong karapatag magreklamo."

"No," he said quietly. "You will never be my girlfriend... " Nilabas niya ulit anng kahita mula sa bulsa niya. Binuksan niya iyon. Kinuha ang singsing at walang sabing nilagay sa daliri koi yon. "Because you will be my wife. I love you, Portia."

Hinubad ko ang singsing at binato sa kanya. "Sinungaling ka. Manloloko. Pare-pareho lang ang mga babae sa dilim. I can tolerate her presence. Diba iyan ang press release mo sa kapatid ko noon?"

Bakas ang pagkabigla sa mga mata ni Cedie. "Huwag kang maniwala kay Stef—"

"Narinig ko ang lahat ng sinabi mo Cedie! Lahat-lahat! Memoryadong-memoryado ko iyon." Tumikhim ako at pilit ginaya ang boses niya. "Love? I'm not looking for love, bro. Alam mong hindi ako naniniwala diyan. I'm looking for companionship. Iyong compatible sa akin. Pare-pareho lang naman ang mga babae sa dilim."

"NO. No. Portia—"

"Come on Stef, she adores me. Bata pa lang siya gusto na niya ako. I can tolerate her presence. Nagkakaintindihan kami. Masarap siyang kausap. Malambing pa. I want her. Nakalimutan mo na ba ag sinabi mong iyon?" dugtong ko pa.

Natulala si Cedie sa narinig. Sinuntok ko ang dibdib niya habang umaagos ang aking mga luha. "Alam mo ba kung gaano kasakit iyon? Ginamit mo ang inoseteng pag-ibig ko sayo para mapaikot mo ako sa iyong mga kamay. Ginawa mo akong laruan!"

"Inaamin ko. Sinabi ko ang mga salitang iyon pero noon pa iyon. Iyon ang mga panahon na pilit kong pinapaniwala ang sarili kong nawala na ang pagmamahal ko sayo. Bata ka pa lang minahal na kita Portia. Maraming nangyari kaya akala ko nawala ang nararamdaman ko sayo."

"Then tell me what happened!"

"Hindi ko pwedeng sabihin sayo," bulong ni Cedie.

"Sawa na ako, Cedie. Tama na. I'm so fed up with everything. I had enough of your tricks and lies."

"Mahal kita Portia!" Gusto kong maluha sa emosyong naririnig ko sa boses ni Cedie. Parang gusto kong maniwala pero ayokong umasa. Minsan na akong umasa. Sapat na ang wenty years na katangahan ko.

"Do me a favor and save your explanation for the next girl you're looking to fool." Tinalikuran ko siya. Wala na akong balak na making sa mga paliwanag niya. Sawa na ako. Pagod na ako.

I knew it. It could never be me. I lost my heart to a man so heartless.

Back To You : A Medical Laboratory Scientist Novel 2Where stories live. Discover now