Chapter 4

391 13 0
                                    

Ako ay napatigil sa pagsayaw at nanatiling nakatulala sa lalaking nasa harap ko.

Tangina, masyado atang madami ang nainom ko. 

Sa tagal kong nakatitig sa kanya, hindi ko na malayan na tinatawag pala ako nito.

“Miss, are you okay?”

Shet, ang gwapo ng boses.

Nang madinig ko ang sabi niya, nabalik ako sa reyalidad. Medyo napahiya ako dun ha. Sana di niya nahalata na masyado akong napogian sa kanya.

But basing on the small smirk on his face, napansin niya ito.

Sa hiya na naramdaman ko, bigla nalang akong lumingon at bumalik sa pwesto namin.

Nakakahiya ka, Dianna Amethyst! Parang first time lang makakita ng pogi ah.

Hindi ko naman first time kasi may mga nakikita rin naman akong lalaking figure skaters na may itsura. Kaso iba kasi yung kagwapuhan niya eh!

Chinito na kapag tinitigan ka akala mo malalaman niya lahat ng sikreto mo. Fit pa siya, it was obvious with the way his shirt was clinging to his body and I felt it when we were dancing so close together.

Sayang, hindi ko nahingi pangalan.

Aba Diana Amethyst! Lumalandi ka na ah!

Figure skater na ‘ko pero gusto ko kasi maging well-known talaga. Gusto ko makapagcompete sa big international competitions and win, at makapagshowcase sa iba’t ibang bansa. ‘Yan ang gusto kong gawin habang buhay tapos magtuturo naman ako ng skating sa mga aspiring skaters kagaya ko after I retire from competing.

Matagal ng nakatatak sa isip ko na uunahin ko ang career ko kaysa sa love life kaya hindi talaga ako nagkakagusto sa mga lalaki o babae.

Pero shuta! Grabe pagkatibok ng puso ko nung nakita ko si Mr. Pogi! Crush ko na ata siya mga sis ko!

Nagpatuloy nalang akong uminom since for sure matagal pa next outing namin; susulitin ko na 'to. Umiinom ako ng orange juice, since marami na akong nainom, nang bumalik sa dance floor sila Julia at Soleil.

Kapit-kapit ni Sol si Julia na halatang babagsak na.

“Di!” malakas na sigaw pa ni Julia. Buti naman at maingay kaya hindi naistorbo ang ibang mga tao.

Bago pa ako makareply nagsalita naman si Sol, “I’m gonna take my girl home now. Hatid na rin kita o sabay ka kila Ash?”

Nakita ko sila Ash sa dance floor, lahat sila ay may kasayaw na mga lalaki. “Hindi na, sabay nalang ako sa kanila,” sabi ko since nandito pa naman iba kong kaibigan at baka sakaling makita ko pa si Mr. pogi.

Tumango nalang siya at bago pa silang tuluyang lumabas sinabihan pa niya 'ko na itext sila kapag nakauwi na 'ko habang ang girlfriend niya naman ay patuloy na nag-iingay sa tabi.

Tahimik lang ‘tong si Sol pero mabuting kaibigan din yan. Hindi niya pinapahalata na ika’y espesyal sa kanya.

Mga ilang minuto ang lumipas ay bumalik na ang iba kong kaibigan sa table. “O, nasaan na yung dalawa?” Tanong ni Jas.

“Umuwi na. Alam niyo naman, si Jules ang lakas magaya pero siya rin pala unang babagsak.”

Natawa nalang kami kasi totoo naman. Napansin kong kulang pala kami. “Asan si Ash?”

Napangiti naman yung dalawa at sabay pa magsalita, “nakipagsex!” Tuwang-tuwa naman ang dalawa. Halatang masaya dahil may dilig ang kaibigan.

Kakaiba rin mga kaibigan ko 'no? Pero happy rin ako for Ash. Tagal na nun nagrereklamo na walang dilig, pareparehas silang lahat. Kaya masaya ako isa sa kanila natupad na ang matagal na na hinihiling.

Anong oras na at padami pa rin ng padami mga tao dito sa club. Mas lalo akong nahilo sa pagkasikip dito kaya napag-isipan ko na lumabas muna ng saglit para kumuha ng fresh air.

“Labas muna ako ah. Text n’yo nalang ako pag-aalis na.” Tumango naman sila at nagpatuloy uminom.

Nang makalabas ako, dumiretso ako sa tabi at sinandal ang likod sa pader. Nakita kong may mga taong halos kaedad ko lang na nandoon at naninigarilyo pero hindi ko nalang sila pinansin.

Napapikit nalang ako sa hilo ng maramdaman ko ang isang presensya sa harap ko. Binuka ko ang aking mata at nagulat ako sa bumungad sa akin.

Si Mr. Pogi!

“H-hi,” napautal pa ko.

Girl, nakakahiya ka.

Nakita kong umangat ng onti ang isang side ng kanyang labi at humakbang palapit sa akin. “What’s your name, miss?”

“D-dianna”

His lips lifted up even more once he heard how I stuttered. Nakakakaba kaya kapag may gwapo kang kausap!

After I replied, we just stared at each other. Akalain mo ang creepy pero hindi iyon ang nararamdaman ko. Parang may kumikiliti sa tiyan ko. Bago ko pa matanong ang pangalan niya, nadinig kong may tumawag sa kanya.

“Bro!” Napalingon siya sa tumawag. Nginitian niya muna ako at naglakad papunta sa tumawag sa kanya habang ako naman ay patuloy na nakatingin sa kanya.

I roamed my eyes all over him. I saw the small mole he has on his neck, his sharp nose, his reddish lips, the muscles on his biceps, his veiny hands!

I wasn’t done roaming my eyes all over him when I felt my phone vibrating.

Jasmine na walang Aladdin

sis san k n? babagsak na mga kasama k uwi na tau

Minsan talaga, naaakala ko na tita ko nagtetext sa'kin.

Nalungkot ako dahil aalis na kami. Hindi ko na makikita si Mr. Pogi. Sayang hindi ko pa natatanong pangalan niya. Bahala na, there’s more fishes in the sea naman o kung ano man yung kasabihan.

Besides... win the gold first before landi!

Lumingon ako sa kung saan last ko nakita ang lalaki at napansin kong kausap pa rin niya yung lalaking tumawag sa kanya, mukhang naiinis pa nga siya.

Shet. Ang pogi ng kaibigan niya... Lord naman, sinusubukan mo ba ko today.

Pogi din kaibigan niya pero mas bet ko pa rin si Mr. Pogi!

Sayang... di ko na siya makikita pa.

Sparks Fly (ONGOING)Where stories live. Discover now