20

52 4 0
                                    

TW: Death, Violence, Verbal Harassment.

--


Hindi pa ganoon kalalim ang gabi ay nakalabas na rin ako ng Hospital. Nakahanap si Eros ng paraan para mapabilis ang proseso niyon dahil kung hindi ay magiging malaking problema ako sa lugar na iyon. Bukod sa rason na baka tuluyan akong mawala sa katinuan kapag tumagal pa ako roon ay hindi ko rin maaatim na ilagay sa peligro ang buhay ng mga tao roon.

Kilala ko ang likaw ng bituka ng taong katulad ni Mayores. Mas masahol pa sa hayop kung gaano kaliit kung tignan nila ang buhay ng mga inosente. Alam kong hindi siya mangingiming pasabugin ang establisyemento na iyon sa oras na madiskubre nyang roon ako itinakbo matapos ang gabing iyon.

Tahimik ang byahe naming magpinsan pauwi ng building ko. Bukod sa apat na bastardo ay wala pang nakakaalam na malapit sa akin patungkol sa nangyari. Ria would be delirious and Mamma would be distraught.

"I need to see my gun, Eros. Hand it to me now," I ordered.

He heaved a sigh before getting something from the glove compartment. Nakita ko roon ang itim at gintong baril ko. Kinuha ko iyon mula sa kamay niya. May sasabihin pa siya ngunit hindi ko na hinintay pa iyon at lumabas na. Sukbit ang baril sa akin ay umakyat na ako.

Sinalubong ako ng tahimik at madilim na silid. Naroon pa ang ibang decorations mula noong birthday ni Xanti. Sarado ang naglalakihang kurtina ng unit ko kaya naman hindi umabot sa kalahati ang nasisinagan ng ilaw mula sa corridor. Binuksan ko ang ilaw tsaka walang emosyon na ibinagsak ang katawan sa upuan.

Nang pumasok ako ng kwarto ko ay tumapon ang tingin ko sa kahon na nakapatong mismo sa malambot kong higaan. Dinaluhan ko iyon para kunin kung ano ang laman. Nang makita ay hinaplos ko pa muna iyon bago isiniguro ang lagay sa ilalim ng higaan ko.

Nang maramdaman ang panunuyot ng lalamunan ay lumabas ako para kumuha ng tubig. Ramdam ko pa rin ang kakulangan ko sa pahinga at wastong nutrisyon. Ang bilis ko mapagod. Habang naghihintay mapuno ang baso ay nasa kabilang kamay ko ang telepono ko. Tinawagan ko ang numero ni Kareen. She doesn't call unless I do.

"I have received it," usal ko.

"Bene sapersi, Signorina. I handled the people who delivered it."

By her term, I know already what it means.

Minsan ay sinisisi ko ang sarili ko sa kung ano si Kareen ngayon. It's like I was the one who introduced her violence. Pero sa murang edad, tulad ko, ay isinubo na sa kaniya ang ganitong mundo. She's still young. Napapaisip tuloy ako kung dumaan rin ba sa isip niya na tumakas mula sa kalagayan niya ngayon.

Uminom ako ng tubig bago naglakad papunta sa sofa at buksan ang laptop ko.

"I transmitted the details to your email, Signorina. That should be it. I checked the exact place and most of his men were gathered there. They must be guarding the property."

Tumango ako tsaka binuksan ang isang email na bago roon. Aside from the address, there was attached images of the place. Para akong nakatingin sa brochure sa sobrang idealistic ng lugar. I was scrolling through the email when I felt my phone vibrated on my face. Tinignan ko iyon at nakita ang numero.

"Thank you, Kareen. I'll call you again," paalam ko.

Pinatay ko ang tawag niya tsaka sinagot ang incoming call. Patuloy lang ako sa pagkalikot ng impormasyong inimigay sa akin ni Kareen habang ang telepono ko ay nakadikit sa aking tenga.

"Ria. . ."

"Mia figlia," tinig ng isang babae.

Napatuwid ako ng upo nang marinig ang boses niya. Dumulas ang kamay ko papunta sa akin binti mula sa aking laptop. Napapikit ako nang marinig ko ang banayad na boses na iyon.

Got Me Captive (Got Me #1) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon