42

40 4 0
                                    

"We're being watched. . ."

Halos supalpalin ako ng boses niya nang  maiwan akong tigalgal sa huling katagang sinabi niya. Nabuhay ang katinuan ko pabalik sa reyalidad. Agad na prinoseso ko ang huling sinambit niya.

Napalinga ako sa paligid. Hindi ko na napansin na naging tahimik na ang paligid. Agad akong napasulyap sa orasan ko at halos magtatatlong oras na kaming narito.

Dinapuan ako ng kaba nang manumbalik ang huling sinabi ni Posadaz. Like a snap of a finger, the faces of my kids projected in my mind.

"The children, Posadaz. . ." natataranta kong sabi. "Umuwi na tayo."

Agad akong tumayo at hindi na siya hinintay pa. Ramdam ko ang mga matang nakamasid sa amin. Hindi ko iyon naramdaman kanina. Lakad takbo ang ginawa ko para lang makarating sa sasakyan. Ipinihit ko ang katawan upang tanawin ang lalaking kasama ko.

He's now on his phone talking with someone. Hula ko ay pinapabantayan niya na ang bahay niya kung nasaan mahimbing na natutulog ang mga bata.

Umakyat ang lamig sa buong katawan ko nang maisip ang posibilidad ng mga maaaring mangyari. Halos magsugat ang kamay ko nang kutkutin ko ito sa bahalang narararamdaman.

"I called Caliber and Archer, they're on their way to the house," he informed.

"Let's hurry up. . . Kapag may nangyaring masama sa mga anak ko, P-Posada—"

"Hey," pagpipigil niya tsaka bahagyang dinaluhan ako. "They're gonna be fine. Uuwi na tayo, alright?"

Tumango ako tsaka pumasok sa sasakyan nang buksan niya ang pinto sa shotgun seat. Halos paliparin niya ang sasakyan pauwi.

"Kaninong tauhan ang mga iyon?" tanong ko.

"You wouldn't like my answer," he said.

Kumunot ang noo ko. "What? A- Anong. . ."

Umiling siya. Pinili niyang hindi ako sagutin. Hindi ko alam kung anong uunahin ko, ang galit sa hindi niya pagsagot sa akin o sa pumapatay sa aking pagaalala sa kalagayan ng mga anak ko.

Nang matiwasay kaming makarating sa bahay ay tinakbo ko ang daan paakyat sa kwarto ng mga anak ko. Labis na ginhawa ang naramdaman ko nang makita sila roong mahimbing pa rin na natutulog.

Naupo ako sa isang beanbag na naroon sa kwarto nila tsaka nagstay ng ilang oras roon para bantayan ang dalawa. Halos ayaw ko na silang mawala sa paningin ko.

Percy was in this room when I got here. Lumabas lang siya para iwan kaming magina. He was not shocked by my reaction maybe because Posadaz informed him about what happened.

Naging mabilis ang mga pangyayari. My initial reaction was to worry about the kids. Hindi ko na inisip ang kalagayan namin ni Posadaz kung sakaling nagtagal pa kami roon. Hindi ko rin napagsuspetsyahan ang mga tao sa paligid.

Napasapo ako sa noo ko sa pagkadismaya. I'm so stupid! Hinilot ko ang sintindo ko nang makaramdam ng kirot roon. I bit the insides of my cheeks and alternating my vision to the two kids sleeping beside me.

Nang kumalma ako ay sinigurado kong sarado ang pinto sa kwarto nila at naka-lock ang mga bintana. Bumaba ako ng hagdan at mula pa lang sa taas ay kita ko na ang apat na lalaki sa living room.

I went directly to the kitchen to make some coffee. Nakatitig ako sa kawalan habang hinihintay na kumulo ang tubig.

Kung sino man ang nagutos sa mga taong iyon ay malalaman ko rin. In no time, they will answer me. It's been a long time since I've gone mad. I do hope it was just us that they're hunting because if it involves my kids, the payment's gonna cost a leg and life.

Got Me Captive (Got Me #1) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon