30

45 3 0
                                    

I was there flabbergasted. Stunned in my position. My hand latches onto the table to support my weight. Para akong binagsakan ng isang bloke ng yelo. Unable to talk. Unable to produce a movement. Unable to breathe. Para akong nasemento sa kinatatayuan ko. 

His earthly brown eyes weren't on me. It was looking breezily somewhere. To other people. He did not throw a look at me like he did not know me. I was a complete stranger in his eyes. Nadaanan ako ng paningin niya ngunit wala akong nakita roon kundi kahungkagan.

Hindi ko alam kung ano ang uunahing iproseso. Ang katotohanan ba na narito siya ngayon sa harap ko. . . o ang katotohanan na isa siyang Rucci.

Ginapangan ako ng ilang pahina ng hiya sa katawan sa hindi malamang dahilan. I remembered kung gaano ako naging mapangmataas sa buong oras na pananatili ko sa bansang iyon. He's there, letting me have my constant tantrums while he has this secret that is more than mindfucking. Ngayon, hinaharap ko siya dahil sa kahihiyang naging dulot ng ama ko sa pamilya.

"H-How?. . ." wala sa sariling untag ko.

Alam kong ako lang ang nakarinig niyon. Halos sa sariling utak ko na iyon sabihin. 

Pinukulan niya ako ng walang emosyong tingin bago pinasadahan ang kabuuan ko. Walang nagliwanag man lang sa mata niya. Kung iisipin ko ng mabuti ay baka pandidiri at kahihiyan pa ang nakikita niya sa akin. That was the only interaction he gave me, a flinty stare. 

"Good evening, Don Pietro. I'm glad to finally meet the new heir of the Rucci," pagpupugay ng ama ko.

Nakatayo lang ako roon at nakatitig sa kaniya. He's wearing a white tux with black undershirt beneath it. Tanging relo ang aksesorya na mayroon siya dahilan para mas magmukha siyang kagalang-galang ngayon sa harap namin nang hindi na kailangan pa ng nagniningning na bagay sa katawan nito. He looked glowing from here.

"My pleasure, Passimo," he said in a  baritone voice. "Please, have a sit."

Tumama ang tingin niya sa akin at tipid niya akong tinanguan bago naupo sa nilaang upuan sa kaniya. Parang tanga akong sinusundan siya ng tingin. Lahat ng kilos niya ay parang ipinagbabawal.

Hinila ni Eros ang kamay ko para paupuin ako. Wala sa sarili akong napatingin sa kaniya. Nakaawang pa rin ang bibig. Nakaupo na ang mga natitira habang ako ay nakatayo pa rin.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma ang pagdagundong ng dibdib ko. The longer I stare at him, the longer it gets stentorian. Nanumbalik sa akin ang huli naming paguusap. Ang sakit. Pero sa kabila ng isip ko ay nagpapasalamat ako sa pagkakataon, na muli ko siyang makita. 

Iyon lang ay tingin ko'y hindi na siya ang lalaking nagawang ipakiramdam sa akin ang lahat. It was like that side of him were now completely expunged.

Parang umikot ang sikmura ko sa nararamdaman. "S-Sorry, e-excuse me."

Sa kabila ng mabibigat kong hakbang ay nagawa kong lisanin ang hapag. Narinig kong nagpaalam din si Eros sa kanila at sinundan ako. Pakiramdam ko ay anumang oras ay matutumba ako sa pagngarag ng tuhod ko. Nanlabo ang mata ko sa kaba, takot, galit, at. . . sakit.

Nang makalabas ng main door ay agad kong sinuportahan ang sarili sa isang poste ng front porch ng bahay. I clutched my chest as I finally inhaled oxygen. Hinahabol ko ang hininga ko habang ang isang luha ay tumakas mula sa aking mga mata.

Naghalo-halo ang nararamdaman ko kaya naman alam kong hindi lang dahil sa presensya niya kaya ako nahihirapan sa kasalukuyang sitwasyon ko. Pinalala lang niya iyon.

Got Me Captive (Got Me #1) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon