Chapter 6

20 5 0
                                    

CHAPTER 6

Riggs

Lalayo, o lalapit pa. E, kung mangibambansa na lang kaya ako? Hindi naman ako mahahanap ni Aunt Emilia kung hindi na ako magpapakita. Doon, malaya kong magagawa lahat.

"No, Riggs. Hindi mo kayang gawin iyan." Patihayang nakahiga ako sa kama. Bumaling ako sa kanan. "Si Cat, nasa Palazzo. Ano? Hahayaan mo lang siya doon? E, kung may masamang mangyari sa kanya? Konsensiya mo pa?"

Nakusot ko ang isang mata ko, pagkatapos ay tumihaya ako ulit. "Konsensiya? Tangina, Riggs, tandaan mo, may boyfriend siya." I say it as it pops into my mind. Matagal ko nang alam ang bagay na iyon.

Matagal ko na ring tinuruan ang sarili kong 'wag iyong alalahanin. Masakit sa loob. I usually think that Cat hates boys. Sa ganoong paraan, hustong madali para sa aking tanggapin na wala akong pag-asa, na imposible ang salitang "kami".

Kaso, ngayong naalala kong bigla, napabalikwas ako ng higa, natulala. Right. That Caspian guy. Biglang hindi siya nagpakita. What could've happened to him? To them?

The last time I've heard about him was when Uncle Stefano mentioned to me that Caspian was planning to proposed to Cat. Kinuwento iyon ni Uncle dalawang buwan na ang nakakaraan. Hindi ko limot ang araw na iyon. Pinilit ko lang kalimutan na nalaman ko ang tungkol doon.

Umaalingawngaw na ang alarm ng cell phone ko. Alas singko na pala ng umaga. Hindi man lang ako nakatulog kakaisip. Sa huling sinabi sa akin ni Cat kahapon, hindi na ako mapakali. She shouldn't have gone near me. Kaya nga nagmamadali na rin akong umalis noong sabihin niya iyon kahapon.

Madiing pinasadahan ko ng kamay ang mukha ko. Lunes ngayon kaya tumayo na akong pumunta sa desk ko at binuksan ang laptop. Ganitong oras, nai-send na ni Lesly ang report sa email ko. Binuksan ko. Tatlong ulit ko ring binasa. Wala namang pagbabago. Maayos pa rin naman ang nangyayari sa loob ng kumpanya.

Sinalang ko na ang file para ma-print na. Naghanda na rin ako paalis ng bahay. Pagkababa ko, tahimik na. Wala sina Ate at Dad. Tuwing weekdays, maaga silang umaalis pa-Las Piñas, doon sa factory.

I get to the garage. I sigh. Sigh once more before I finally hit the road. Hindi pa ako dederetso sa Palazzo. Dadaan pa ako sa tindahan para sumilip at maihatid na rin itong nagawa kong pieces kagabi.

But then I sigh once again. Hindi na ako natahimik. Bakit nga ba parang biglang nawala si Caspian? They love each other. Imposibleng hahayaan lang ni Caspian na magpunta si Cat sa Tarlac nang mag-isa. Imposible ring hahayaan niyang tumira sa kung saan si Cat. Hell, kung ako ang kasintahan niya, dapat lang na hindi kami magkalayo.

Shit... I immediately erase the thought. Kaso hindi ganoon kadali kaya noong makarating ako sa tindahan, bugnot na bugnot kong binagsak pasara ang pinto ng kotse nang makababa ako. Hindi ko nabati pabalik ang helper namin na tinulungan akong ibaba ang pieces mula sa compartment. Pagkapasok ko sa tindahan, sumambulat si Jepoy na nasa likod ng counter.

Nagdere-deretso lang ako hanggang likuran—sa stock room, at firing room; silid kung saan niluluto ang pieces na ginagawa namin ni Jepoy.

"Ang ganda ng araw sa labas pero ang mukha mo, parang pinagsakluban ng langit at lupa," sita niya sa akin. Nakasunod pala ang loko.

Hindi ako umimik. Binuksan ko na lang iyong kiln.

"O, na-glaze mo na pala?" Hawak na ni Jepoy ang isa sa mga pieces.

"Buryo ako kahapon kaya pinintahan ko na. Wala naman akong gagawing iba." Utos ni Aunt Emilia na hindi ko na kailangan pumunta ng kumpanya. Pagkatapos, sinabayan pa ng pakikipag-usap sa akin ni Cat kahapon. Kaysa naman hustong lunurin ko ang sarili kakaisip, nilubos-lubos ko na ang paggawa ng pieces.

Mantovani Maids: CaterinaWhere stories live. Discover now