Chapter 8

21 4 0
                                    

CHAPTER 8

Yna

"Your sisters are just like 20-30 meters away from here. Yet, here you are in the corner, just staring at them."

Mula sa direksyon ni Ate Kang, at ni Det na kamakailan lamang biglang dumating dito sa Palazzo, umangat ang mukha ko at nilingunan si Riguel. Napaaga yata ang pagpunta niya samantalang Linggo ngayon; weekdays lang ang paghahatid niya ng report tungkol sa company ni Dad. Hindi pa isama na alas sais pa lamang ng umaga.

"Ang aga mong manligaw. Sa hapon dapat." Ibinalik ko ang atensyon ko sa pako na pinaiinit ko sa bagang natira ni Manang Lupe sa pagpapakulo ng tubig kanina.

"I told you, already: I'm not courting you."

Ngumiwi ako. "Not courting mo mukha mo. Araw-araw kang narito at—" Bumuga ako ng hangin. Malapit-lapit na akong mawalan ng pasensya sa lalaking ito. Sobra kung magpakipot. Sobra rin kung mag-deny. Kaya nga hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko dahil alam kong mag-rarason na naman siyang noon pa man ay araw-araw na siyang pumupunta rito, at kaya siya nagtatagal ay dahil naka-leave siya nang ilang buwan sa isang dahilan na hindi naman niya sinasabi.

Malamang sa malamang ay ako ang dahilan. Ilang ulit ko nang sinabing hindi na niya kailangang manligaw—kasi sinagot ko na siya nang sabihin niya iyon kay Emilia. Ilang ulit na rin niyang tinanong kung bakit.

"Desperado na ako. Kung ayaw mong sagutin kita, ako na lang ang manliligaw, ikaw sasagot nang oo," iyon ang tugon ko palagi sa kanya. Matapos niyon ay titingnan niya lang ako. Magtititigan kami hanggang sa magwo-walk-out na lang siya.

"Ituloy mo kung ano'ng sasabihin mo." Umupo si Riguel sa isa pang bangko malapit sa kinauupuan ko.

"Nakakasawang magpaulit-ulit." Gamit ang pliers, kinuha ko na iyong pakong pinaiinit ko saka itinusok iyon sa lumang tabo na kinuha ko pa sa basurahan kanina.

"Are you really that desperate?"

Umirap ako sa ere saka ibinalik iyong pako sa baga. "Kakasabi ko lang na nakakasawang magpaulit-ulit."

"I need an explanation, Cat. Hinihintay lang naman kitang mag-explain."

Natampal ko ang aking noo. "So, kaya ka pala nag-wo-walk-out kasi hindi ako nag-e-explain?"

Isang tango ang tugon niya. "Para saan ba iyan?" Tiningnan niya iyong tabo sa kandungan ko.

"Para sa kanila." Tumango ako sa gawi nila Ate Kang.

"Para sa kanila? O gumagawa ka lang ng excuse para hindi mo sila gaanong kausapin?"

Bumukas ang bibig ko pero hindi ako nakapagsalita. Gusto kong tampalin na naman ang sarili ko. Isang linggo at apat na araw na akong narito sa Palazzo. Samakatuwid, ganoon na rin ang bilang ng araw na nakikita at nakakausap ko si Riguel.

Pagdating sa kanya, hindi ko namamalayang nakakapag-share na ako ng mga bagay-bagay.

Napansin niya nito lang na parati kong pinanonood ang mga kapatid ko sa malayo. Tinanong niya ako, "Bakit hindi mo sila lapitan kung gusto mo silang kausapin?"

Sinagot ko naman siya: "Ayaw kong ma-attach muna. Baka malimutan ko kung bakit ako nagpunta rito sa Tarlac. Napansin ko kasing bahagyang lumalambot ang puso ko kay Ate Kang. Mahirap na. Dapat ay focus lang ako sa—"

"Sa?"

Nahampas ko siya sa balikat nang araw na iyon. Kung bakit nagdedesisyong mag-isa ang isip kong pagkatiwalaan si Riguel ay hindi ko alam. Marahil nga ay desperada na ako. Hindi kasi ako ganito. Ngayon lang. Maiintindihan ko pa kung magiging ganito ako sa mga kapatid ko dahil sabik din ako sa kapatid.

Mantovani Maids: CaterinaDär berättelser lever. Upptäck nu