Chapter 14

8 1 0
                                    

CHAPTER 14

Yna

Nakasililid na ang isang kamay niya sa aking t-shirt. His hand already met my breast. We shared that soft kiss. It was soulful and devine. I was ready, so was he.

Pero naputol ang lahat nang mag-ring ang cellphone kong iniwan sa sink ng banyo. Si Rica ang tumatawag. Nangamusta siya, at kung babalik daw ako sa bangko ay tatanggapin pa raw ako—maski pa nag-AWOL na ako.

Wala akong balak na sagutin ang tawag, sa katunayan. Iyon naman ang napagpasyahan ko nitong huli. Wala namang rason para i-entertain ko pa si Rica. Pero sa hindi ko mawaring dahilan, sinagot ko pa rin.

At nagpapasalamat akong ginawa ko iyon noong gabing iyon.

Masabi mang ganoon ay parang nakadama pa rin ako ng pagkadismaya. At ang ganoong pakiramdam ay nanatili sa bawat himaymay ko maski isang linggo na rin ang lumipas.

Nakakasora talaga!

Parati ko kasing naalala ang gabing iyon. Hinahanap-hanap ko. Marahil ay dahil hindi na naman natuloy. At kulang na lang ay kamuhian ko ang sarili.

Nagkaroon kami ng kasunduan ni Riguel kinabukasan ng gabing iyon na 'No Kiss, No Touch' muna. Napagtagumpayan naman namin. Bukod sa kailangan naming hintayin si Dad, sabihin sa kanya ang tungkol sa amin, at hintaying makasal muna kami, may isang bahagi pa rin ng sarili ko ang palagi akong pinaaalalahanan ng mga 'what if' na iyon.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagsasalansan sa mga damit ni Emilia na gulo-gulo na naman. Nang matapos ay inisa-isa ko rin ang mga damit niyang marurumi sa paglilipat ng mga iyon sa basket para maibaba na sa laundry room.

Dahil umalis ngayon si Emilia, at kay aga-aga pa, maaga ko ring naumpisahang gumawa rito sa kuwarto niya—at sinabayan ko na rin ng pasimpleng paghahanap sa mga gamit niya, nagbabakasakaling may makita ako.

Pasimple, dahil hindi ako sigurado kung may hidden camera ba rito. Sa mismong bedroom ay may CCTV, oo, pero sa ibang bahagi ng kuwarto ni Emilia—walk-in closet at banyo—ay wala.

Ang hindi ko pa matanggap, katulad noong mga nakaraan pa mula nang umpisahan ko ang paghahanap, ay wala na naman akong nahanap ngayon. Tiniis ko na't lahat ang pagkapuno ng pantog ko ay wala talaga. Minsan ay parang gusto ko na talagang sukuan ang ginagawa kong ito. Marahil ay talagang paranoid lamang kaming magkakapatid, at ang hinala namin ay sanhi lang ng pangmamalupit sa amin ni Emilia.

Isa ring dahilan ko ay si Riguel.

Natatakot ako para sa kanya.

Bumuntonghininga na lamang akong binuhat na ang basket. Pero noon ko naman hindi na napigilan ang aking pantog. Malayo ang lalakarin ko sa kuwartong tinutulugan ko, at malamang ay sa paglalakad na ako abutan kaya hindi na ako nag-isip pa nang takbuhin ang gawi ng banyo sa kuwarto ni Emilia.

Bawal akong pumunta sa bahaging ito ng banyo, sa katunayan. Hindi raw kasi siya tiwala sa akin kung madi-disinfect ko ang bawat sulok ng toilet tulad ng ginagawa ni Manang Lupe.

Kinalaunan ay nasanay na rin naman ako.

tiningnan ko pang maigi ang posisyon ng tissue roll sa pinagsasabitan niyon. Iyon ang klase ng sabitan na nakalubog sa pader. Ginamit ko muna ang tissue na napunit ko na at nagpunas saka inayos sa dating posisyon ang tissue roll; hindi ngayon ang schedule ni Manang Lupe sa paglilinis dito; mahirap na kung mapansin ni Emilia na may naiba sa mga gamit nito sa banyo.

Pero biglang natanggal ang sabitan. Nasira ko pa yata.

"Dios mio, Yna, patay kang bata ka!" Sinuri ko nang maigi pero wala namang putol na kahit ano iyong sabitan. Patingkayad akong umupo at ikinabit iyon muli. Sumilip pa ako. Naikabit ko nang maayos... pero bigla ay kumunot ang noo ko—isang plastic ang bahagyang nakasilip sa bandang itaas ng sabitan. May butas doon at parang ipinasak sa butas na iyon ang naturang plastic.

Mantovani Maids: CaterinaWhere stories live. Discover now