Chapter 21

14 2 0
                                    

CHAPTER 21

YNA

"KINAKABAHAN KA?"

Nilingon ko si Riguel sa driver's seat. "Oo." Marahil ay napansin niya ang pagiging tahimik ko mula pa kanina. Papunta rin kami sa coffee shop kung saan namin kikitain ang attorney ni Dad ay bahagyang tahimik pa rin ako, kabaliktaran sa ipinapakita ngayon ni Riguel. Relax na relax lang siya.

"I've already told you, Cat, coincidence lang na nakita mo ang lalaking iyon sa lobby ng kumpanya ng dad mo sa resto na pinagkainan natin. Hindi niya tayo sinusundan. If ever he were, Rain is on our tail."

Hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ako kinakabahan. Sa mga sasabihin ng attorney ni Dad, dinadalangin kong masagot maging pagkamatay ni Nanay, mapangalanan na kung sino ang may pakana. Wala pang balita si Killian tungkol sa pag-iimbestiga niya kay Cas; iniisa-isa niya sa kasalukuyan lahat ng CCTV footage sa lugar kung saan siya nakitang naglalakad noong gabing namatay si Nanay. Ang ikinababahala ko pa ay ang isa pang ibinalita ni Killian kanina lang: patay na ang gunman na nahuli sa barilang nangyari sa equestrian center.

Kahapon ito natagpuang patay sa mismong selda nito. Nagpakamatay. At nakuhanan sa CCTV ang pagbibigting ginawa nito.

Pero make sense ang sinabi ni Riguel kung relax man siya ngayon. "Hindi ba magtataka tiyahin mo na wala si Rain si Palazzo?"

"Pinag-resign ko na siya roon para mabantayan ka."

Sa kabila ng lahat ay bahagyang napangiti ako. Natunaw na naman ang puso ko. "Alam ba ni Dad ang tungkol kay Rain?"

"Yup."

"Ikaw? Hindi ka ba kinakabahan?"

"Kinakabahan ako, Cat." Bumuntonghininga siya. "With those bio-data... I don't know... I-I mean, nakita mo ang mga iyon sa banyo ni Aunt Emilia. You knew how she means to me. Wala akong ideya kung ano'ng sasabihin ni Attorney Tolentino. Kaso, ang daming pumapasok sa isip ko."

Mas akma sigurong sabihin na natatakot si Riguel kaysa sa kinakabahan. Nauunawaan ko siya. "Nagtataka lang ako bakit ako pa ang gusto niyang kausapin."

"Nakipag-ugnayan siya sa pulisya kahapon."

Mas tinitigan kong maigi ang mukha ni Riguel.

Siya ay nakatuon ang buong atensiyon sa pagmamaneho. "Sumuko siya, Cat. Then Blue came in. Ang sabi ni Atty. Tolentino: saka lang siya magbibigay ng statement kung maipapangako sa kanya ang kaligtasan ng tatlong anak niya, at kung ikaw ang kakausapin. Kahit ako, Cat, nagtataka bakit ikaw ang gusto niyang kausapin." Noon niya ako nilingon. "At bakit bigla siyang sumuko ngayon?"

Kapwa na kami natahimik ni Riguel hanggang sa makarating kami pabalik sa Tarlac. Sa ibang bayan iyon at isang coffee shop.

"Sumuko siya sa pulisya, hindi ba?" tanong ko nang ma-i-park ni Riguel ang sasakyan. "Bakit hindi sa presinto at dito sa coffee shop?"

Namatay ang makina ng sasakyan. Bago niya ialis ang susi sa ignition, nilingon niya ako. "Atty. Tolentino requested for witness protection program. It has been granted right away, Cat."

Napahugot ako ng hininga bago kami tuluyang lumabas ng sasakyan. Sabay na kumalabog ang mga pintong kapwa naming isinara, gayundin ang dibdib ko. "Ibig sabihin, ganoon kabigat ang ilalahad ng attorney."

"Yup."

Sa puntong iyon ay klaro na mukha niya ang takot. Knuha ko ang kamay niya. "Magiging ayos ka lang ba kapag maririnig mo?"

"I don't know. Pero umaasa akong walang kinalaman si Aunt Emilia."

Humingang malalim ay sabay muli kaming naglakad patungo sa entrance ng coffee shop. Wala ni isang kustomer pero nagkalat ang mga pulis sa loob. Sa gitna ng establishimiyento, sa isang mesa ay nakadalo ang attorney ni Dad.

Mantovani Maids: CaterinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon