Chapter 9

27 3 1
                                    

CHAPTER 9

Yna

WELCOMING ang lugar. Nasa mataas na bahagi kami, siyang dahilan kung bakit tanaw ang ilog sa ibaba, pati na rin ang mga burol. Malamlam ang sinag ng araw at ang ihip ng hangin.

Maski ang mga kamag-anak ni Riguel na kasama namin sa mesa: ama niya na si Benedict; ang nakatatanda niyang kapatid na si Jessica; at ang lolo't lola niyang sina Tuscana at Benito, ay napaka-welcoming; sabik sila na makilala ako, siyang naunawaan ko na marahil ay isang lihim ni Riguel mula sa mga ito na matagal na niya akong kilala.

Nagmistula kasing CV ko ang naging takbo ng usapan namin habang kumakain; hindi malalim ang mga tanong kaya sinagot kong lahat ang mga iyon.

O kahit marahil masabing lumalim ang tanong ay sasagutin ko pa rin. Dios mio, kamag-anak sila ni Riguel, siyempre, dapat lang talaga na may alam sila sa pagkatao ko. Sinagot na niya ako kanina, ipinakilala na rin bilang girlfriend niya—wala nang bawian iyon.

Kay bait pa rin ng pagkakataon dahil magaan silang kasama at kausap. Kapag ako naman ang nagtatanong ay sinasagot din nila nang halos sabay-sabay. Kilalang-kilala nila ang isa't isa, masasabi ko. Mga mamahaling tao pero hindi ako nakadama ng pagkailang.

"Kung ayos lang po ay matanong ko lang." Sumabay ang pagkakasabi niyon sa paglalapag ni Ate Jessica ng dessert sa mesa.

Tulad kanina, mula pa nang dumating kami at mag-umpisang kumain ay naging alerto ang lahat—puwera kay Riguel na kanina pa relax sa tabi ko, na ngayon ay agad nang nilantakan iyong chocolate truffle. Kung anong ikinataas ng enerhiya ng mga kasama namin sa mesa, ganoon naman siya katahimik.

"Sige lang, iha. Tanong ka lang, huwag kang mahiya at hindi ka naman na iba sa amin." Nakangiti ang lola ni Riguel. "Hayaan mo si Riggs kung ganyan siya katahimik. That's a good sign, you know."

Nakuha ko ang ibig sabihin ng ginang. Ngumiti ako.

Inayos naman ni Riguel iyong sombrero niya. Kung bakit, plano kong malaman iyon ngayong araw.

Tumikhim akong sumandok sa dessert. "Paano po pala napunta rito sa Tarlac ang angkan po ninyo? I mean po, dito sa Pilipinas? Napansin ko po kasing mga mukha kayong foreigner. Ang hula ko po ay Italian kayo at nahaluan ng Filipino." Puwera kay Riguel na malinaw na Korean-Italian. Siyang mas lalong sabik akong malaman. Iba ang mukha ni Ate Jessica; walang makikita na kahit anong Asian features sa babae; sa katunayan ay tisay na tisay ang ate ni Riguel.

"Ay, Cat." Si Ate Jessica, umupo na sa puwesto niya. "Hindi na ito part ng Tarlac. Costa Rio na ito, pero katabi pa rin ng Tarlac."

"Oh." Napalingon ako kay Riguel. Napakamot siya sa kilay. Walang siyang nasabi na lalabas kami sa balwarte ng Tarlac, hindi rin naman ako nagtanong.

"Ibang route ang dinaanan natin," salo agad ni Riguel, doon sa dessert nakabaling ang atensyon niya.

"Kaya pala ang tagal ninyong dumating." Makahulugan ang tono ng ama ni Riguel,

Noong una ay hindi ko pa nakuha. Hanggang sa napa-oh na naman ako at tinunghay ang mukha ni Riguel. "Gusto mo akong ma-solo nang mas matagal, ano?"

"Nope." At nag-deny na naman siya. "Mas delikado kung dadaan tayo sa normal na route; mabangin."

"Ay, sus!" Tumawa si Ate Jessica, sinusubo iyong kutsara na naglalaman ng dessert.

Nagsitawanan ang lahat.

kung saan-saan nakakarating ang paksa. Regardless, my parents, both pure Italian, received a gift from my lolo when they got married—a big property in Tarlac; soon became a tubohan. Noong nabuntis ang mother ko sa akin, nagdesisyon silang sa Tarlac na lang tumira. Sa Tarlac ako pinanganak, ganoon din ang nag-iisa kong kapatid—si Benecio, ama ni Emilia. My brother and I managed the farm but when I met Tuscana," "I'd decided to sell my share and bought a property here in Costa Rio, and named it after my beloved wife. Now, we're fifty years married and still in love."

Mantovani Maids: CaterinaWhere stories live. Discover now