Chapter 18

12 2 0
                                    

CHAPTER 18

Riggs

Wala akong gaanong alam sa attorney ni Uncle Stefano. Minsan ko lang siya nakita sa company ni Uncle kaya hindi ko inaasahan ang narinig mula kay Killian.

God! Alam kaya ni Caterina ang tungkol doon?

I thought Killian was done talking. He isn't. "I looked out in the NBI's database of CCTV footages for face recognition of this people in the biodata you sent me. And since Caspian is connected to Atty. Tolentino, I included him. It was fishy, p're. Nakuhanan sa CCTV si Caspian, naglalakad sa kalapit na kalsada kung saan nasagaan ang ina ni Caterina—labinlimang minuto, p're, bago nangyari ang hit and run sa nanay ni Caterina. May naganap din kasing ibang patayan sa lugar na iyon kung saan nakuhanan si Caspian ng CCTV kaya may record ang NBI.

"I've checked Caspian's address. Sa Pasay siya nakatira, sa mother niya. May kotseng brandnew pa na nakarehistro sa pangalan niya. Ano'ng ginagawa niya roon at naglalakad siya?"

Killian has a point, and it keeps me up all through the night.

I should've told it to Cat right away. But it's better if I do that outside the Palazzo. Kaya ipinagpabukas ko na lang at sinaktong uutusan siya na mamalengke.

Ngayon na iyon. Kanina pa siya nangungulit na sabihin ko sa text pero mahirap kung nasa paligid lang si Aunt Emilia. This one is too sensitive to just talk about. Sa mga unti-unti naming nalalaman, hustong mas nalalagay kami sa alanganin.

Iyon ang una't huling dahilan bakit doon pa rin ako natulog sa Palazzo kagabi. Dawit na ako't sa dami ng nangyari, pananagutan ko na kay Uncle Stefano ang kaligtasan ni Cat.

More over, I should've told her the exact order how Killian told me about his investigation. Iba nga lang ang lumabas sa bibig ko noong maglakad kami papasok sa isang supermarket. "Caspian's father is your father's attorney, Cat. Did you know about it?"

Lukot ang noo niyang nilingon ako. "You didn't? Six years kaming magkakilala ni Cas. Siyempre, alam ko."

"I didn't." Thought so she knew. Kumuha ako ng cart at dumeretso kami sa fruit section.

Sa gitna ng paglalakad, si Cat ay tumigil, hustong nalukot pa ang noo niya. "Mayroon bang nalaman ang kaibigan mong private investigator tungkol kay Cas?"

"Yup." That's when I told her everything Killian had reported to me. Kalahati na ang laman ng cart noong matapos ako.

Cat ends up dazed. Mangilang segundo na ang dumaan, kaso tahimik pa rin siya. Mayamaya, bigla niyang pinalo ang noo niya. "Hindi ko man lang naisip, Riguel. Sa tinagal-tagal, hindi ko man lang naisip!"

"What is it?"

Ah, that AHA moment. Obviously, she just has it. Kahit sino, kakapusin ng hininga kung mapupunta sa ganoong siste. Husto ang paggalaw ng dibdib niya. Nakatulala rin siya sa mukha ko.

"Hindi gusto ni Nanay si Cas noon pa lang." Maluha-luha na siyang napakapit sa cart. Nilapat pa niya ang isang kamay sa bahagi ng ibabang leeg niya. "Nambabae ang papa ni Cas, hiniwalayan ang mama niya; galing siya broken family, saka baka raw namana ni Cas ang pagiging babaero ng papa niya." Mabilis na pinunasan niya ang isang luhang parang kahit anong pigil ni Cat ay nasundan na naman ng isa pa. "Naalala ko pa iyong palaging litanya ni Nanay noong nineteen pa lang ako. Kasasagot ko lang kay Cas noon: galing ka na nga sa broken family, Yna, lalaking galing din sa broken family ang pipiliin mo? Hitsura pa lang ng Caspian na iyan, ipapuputol ko ang mga daliri ko kung walang ibang babae iyan. Pero nasa tamang gulang na kasi ako, Riguel. Maski ayaw ni Nanay, hindi naman ako mapigilan. Civil sila ni Caspian pero malamig talaga sa kanya si Nanay."

Pagkasubsob ni Cat ng mukha sa mga palad niya, niyakap ko siya, hindi ko napigilan. I know it's too early to make an assumption. But why do I have this feeling Caspian has something to do with Cat's mother murder case?

Tangina! I shouldn't have told Caterina about this. Now she's sobbing against my chest.

"Hindi ko akalaing magagawa ni Cas iyon kay Nanay."

"We are not sure yet. We will dig deeper into this. Kay Caspian naka-focus ngayon si Killian. Technically, we still haven't found any link between my aunt and your father's attorney."

Tiningala niya ako. "Sigurado ako, Riguel: si Caspian ang may pakana. Tama ang kaibigan mong imbestigador. Tandang-tanda ko ang gabing iyon: nagalit siya sa akin; dala niya ang sasakyan niya. Wala naman siyang ibang pupuntahan sa lugar namin. Bakit siya naglalakad? Saka alam niyang namatay si Nanay pero bakit hindi siya nagpakita maski man lang sa lamay? Ni ha, ni ho, wala. Tinawagan ko siya nang maraming beses, hindi niya sinasagot. Samakatuwid, guilty siya."

I try to respond but I can't. I don't know what to say. Cat is mourning. Dahil na rin siguro sa frustration na walang usad ang kaso sa pagkamatay ng nanay niya kaya ganitong galit siya. Kailangan niya lang ibuhos.

So, I let her.

Noong mahimasmasan siya kakaiyak, pinilit ko siyang patinginin sa akin. "Everything will get clearer soon, Cat. Dating taga-NBI si Killian, may mga koneksyon din siya sa PNP kaya sigurado akong may makikita siya. When that happens, you have to be stronger to take it in. Also, don't call nor talk to Caspian. Kung kokomprontahin mo siya tungkol sa mga nalaman natin, baka bigla siyang magtago at—"

Para akong namaligno na ewan. Nag-vibrate ang cellphone ko—ibang klase ng vibrate pattern. Sana lang, hindi napansin ni Cat ang pagkaaligaga ko sa biglang pagtalikod ko sa kanya habang hinuhugot ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko.

It's an emergency/confidential text... from uncle Stefano.

And that could mean one more thing: nasa Pilipinas na si Uncle.

Mantovani Maids: CaterinaWhere stories live. Discover now