Chapter 4

12.5K 215 22
                                    

Nagkulong ako sa kwarto ko rito sa hotel na pinagdarausan ng birthday ni Mama at wala na sanang balak lumabas pero ang tarantado kong Kuya, tinawag ako dahil daw, walang ibang mag-e-entertain ng mga bisita.

Bakit? Mukha ba akong clown?

Kaya heto ako ngayon, palaboy-laboy sa venue. Smile doon, smile dito. Usap doon, usap dito. Pero sinubukan ko talagang iwasan ang pwesto kung nasaan ang mga kasamahan ni Kuya at kung nasaan si Alessandro.

Takte... Alessandro pala ang pangalan no'n. Ang strikto pakinggan.

"Mika..." bulong sa akin ni Hanna. Classmate and friend ko no'ng college.

Para siyang linta na dikit nang dikit sa akin.

"Mas lalong gumagwapo Kuya mo..." kinikilig na bulong niya sa akin habang ang mata ay nasa kabilang mesa kung nasaan si Kuya. Crush kasi niya talaga si Kuya Miko. Minsan ko kasi siyang dinala sa bahay namin at tamang-tama na burara ang Kuya ko. Binalandara ang abs niya kaya itong si Hanna, kahit mabagok ang ulo, hindi pa rin makalimutan ang Kuya ko.

"Sure ka?" kontra ko. Baka kasi naduling lang siya. Pero sa totoo lang, may itsura naman ang Kuya ko. Gwapo naman ito at magaling makasama; mapababae man o lalaki kaya maraming nagkakagusto sa kanya.

"Oo naman! Mas lalong gumwapo..." she initiated. I just rolled my eyes. "Hali ka, lapitan natin tapos pakilala mo ako."

"Ayaw ko nga!" I declined. Kasi kung lalapit kami doon, edi makikita ko 'yong si Alessandro.

Ngunit talagang matigas ang bituka nitong si Hanna. Tumayo siya at hinila ako papunta sa pwesto nila ni Kuya.

"Hi Kuya Miko, remember me? Hanna?" walang hiyang approach niya sa Kuya Miko ko. Ni hindi man lang ito nahiya sa mga kasamahan ni Kuya na nakaupo sa pabilog na mesa. Tanging nasa likod lang niya ako at nanginginig na ang paa sa sobrang hiya.

I tsked when she called my brother 'Kuya Miko'. May sabi sabi pa na kapag Kuya daw ang tawag mo sa isang tao, may gusto ka sa kanya.

Out the blue, kahit pilit kong huwag tingnan si Alessandro, natunton pa rin ng mata ko ang mga mata niyang kulay berde. Ngunit muntik na akong matapilok nang makitang nakatingin na siya sa akin.

Our eyes locked for a couple of seconds before his eyes ran down to my exposed legs. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pag-igting ng panga niya habang nakatingin sa mga hita ko.

My forehead curled.

Maniac!

Pasimple kong tinabunan ito ng aking purse at ng kamay ko at tila napansin naman niya iyon kaya nagtaas siya ng tingin. Nang magtama ang mata namin, tinaasan ko siya ng kilay.

Then suddenly, he smirked and let go of my gaze. Uminom siya ng kanyang wine at nanatili pa rin ang ngiti sa labi.

I rolled my eyes at him and just looked at Hanna who was shamelessly talking to my brother.

"Hanna... Tara na..." mahinang tawag ko sa kanya.

Umalis na kami doon sa pwesto nila at uminom nalang ako ng wine para ibsan ang naghahalong inis, kaba at hiya na nararamdaman ko. Kaya imbes na mag-enjoy ako sa party ni Mommy, buong event akong bad trip dahil sa Alessandro na 'yon.

Bakit ba kasi siya pa ang naka-partner ni Kuya sa bagong project nila?

What a small world indeed.

The event flowed just like what was supposed to be. Habang lumalalim na ang gabi, the event has nearly come to its end. Kaya ngayon, tinatawag na ang family, relatives at mga guests ng birthday celebrant para mag-take ng pictures.

HOT SERIES #1: One Night Stand With EngineerWhere stories live. Discover now