Chapter 16

8.9K 159 23
                                    

Napagpasyahan kong puntahan ang Mama ni Alessandro sa bahay nila. I want a closure between us. Hindi naman siguro maganda kung wala kaming magandang relasyon.

Her son and me will be having a baby soon and it's not good to see if we will create a border between us.

Kaya ngayon, susubukan kong ipaliwanag sa kanya ang relasyon namin ni Alessandro.

I made my decision. I want to settle with Alessandro. I don't know if what I feel for him is love or just an infatuation. Pero ngayon na magkakaanak na kami, gusto ko nalang bumuo ng pamilya kasama ni Alessandro. And I think, in that short period of time of knowing each other, I haven't seen a problem with him as a partner.

Maybe ito na ang pinapangarap ko noon; ang magkaroon ng sariling pamilya.

Hindi alam ni Alessandro na pupunta ako sa bahay nila. Gusto ko lang na makausap nang masinsinan si Mrs. Clemente. At saka, hindi ko na gustong lumaki pa ang away nilang dalawa ng Mommy niya. Hindi ko na rin gustong dagdagan pa ang problema ni Alessandro.

Nang makarating ako, agad naman akong pinapasok ng mga guards dahil kilala naman nila ako bilang girlfriend ni Alessandro.

"Magandang hapon, Miss Mika. Nandoon po sa taas si Donya Rebecca." sabi ng katulong.

Tumuloy ako at umupo sa sala habang hinihintay ang mama ni Alessandro na bumaba.

"Miss Mika, kayo nalang daw po ang pumunta doon sa taas dahil kayo daw po ang may kailangan sa kanya. Nasa balcony po siya, Miss Mika..."

Kahit papaano, hinabaan ko ang pasensya ko. Para kay Alessandro, lulunukin ko ang pride ko. Kapag hindi ko pa rin siya nakumbinsi ngayon, wala na akong magagawa.

Umakyat na ako sa hagdan at pinuntahan si Mrs. Clemente sa balcony.

Nang makarating ako doon, nakita ko siya na umiinom ng champagne habang nakasuot ng kulay gintong roba.

"What do you need? Money?" tanong niya nang makita ako.

Nagtagis ang bagang ko nang marinig ang sinabi niya pero pinigilan ko lang.

"I'm not here for that." matapang kong sagot.

Her brows rose up. "Oh really? Pinagsawaan ka na ba ni Alessandro at hindi na siya nagbibigay ng pera sayo kaya sa akin ka lumalapit?"

"I said I'm not here for that. I have my own money to sustain my needs. And for your information Ma'am, hindi ko pineperahan ang anak niyo."

"Then for what?"

"I'm here to get your permission for me and Alessandro. Gusto ko lang magkaroon ng mabuting relasyon sa inyo." ani ko.

Natawa siya nang nakakaloko. "You wish! Ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi kita gusto para sa anak ko. At kahit kailanman, hindi kita magugustuhan. I have a dream for my son and that is not you. Bakit? May kompanya ka ba? What can you afford? Do you earn millions of money in just a minute? Kahit may degree ka pa, hindi pa rin kita matatanggap! Dream on, girl. Kaya kung ako sayo, iwan mo na ang anak ko dahil kahit kailanman, hindi ka namin magiging ka-level. Because for us, isa ka lang dakilang alikabok na pumipiste sa amin."

Namuo ang luha sa mata ko habang pinapakinggan ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Parang mga kutsilyong tumutusok sa dibdib ko ang mga pang-iinsulto niya sa akin.  Naisip ko na hindi ko deserve na maliitin ng ganito.

I don't deserve this kind of treatment...

I've never been humiliated this way!

"At saka Hija, isang katulad ni Hilary ang nararapat kay Alessandro..." Kinuha niya ang cellphone at may tiningnan dito. Pagkatapos ay pinakita niya ang isang balita na nagpaguho ng mundo ko. Laman nito ang pag-anunsyo ng isang business tycoon na si Gregorio Chavez sa engagement ng anak na si Hilary Chavez kay Alessandro. "See that? Hilary and Alessandro will be marrying soon to merge our companies. Kaya stop assuming! Stop thinking that you're special dahil noon pa man, marami nang babae si Alessandro at isa ka na doon. Dahil sa huli,kay Hilary pa rin ang bagsak niya."

HOT SERIES #1: One Night Stand With EngineerWhere stories live. Discover now