Chapter 19 (SPG)

14.1K 200 17
                                    

WARNING 🔞⚠️

THE SCENES AHEAD CONTAINS MATURED CONTENT INCLUDING SEXUAL PRACTICES. READ AT YOUR RISK.

————————————————

"Sir, don't move too much. And you're not allowed to use gadgets it might triggered your condition. Lalo pa't bagong opera lang kayo." payo ko sa pasyente ko. Sobrang kulit kasi nito. Laging nakatingin sa cellphone. Titigil sandali pero 'pag hindi ka nakatingin, babalik na naman sa pagkukulikat ng phone niya.

Kung hindi lang talaga mahaba ang pasensya ko, kundi binuka ko na ang tahi nito. May tahi kasi ito sa noo dahil sa aksidenteng natamo nito sa isang car racing.

Buti sana kung naaksidente dahil sa isang makabuluhang bagay, naaksidente lang pala dahil sa kalokohan.

"Sorry Nurse, kausap ko kasi ang pinsan ko sa message. Kakauwi lang nito galing bansa at hinahanap ako." sabi nito.

Maya-maya ay tumunog ang phone nito. "Uy tumatawag! Wait lang Nurse ha... "

I just tsked.

"Hel—"

"Sir! Huwag niyong itapat ang phone sa ulo niyo! Ang radiation niyan!" pagpipigil ko sa kanya nang nakita kong tinapat niya ito sa taenga niya.

Natawa lang ito at nilayo naman niya ang telepono sa taenga pagkatapos ay bumalik na sa kausap niya na nasa phone.

"Sorry Kuya Ale, sobrang caring kasi ng Nurse ko. Oo, okay lang naman ako dito. Hindi naman malubha ang lagay ko. May tahi lang sa noo at may konting bali sa paa..."

Tang*na... Ni 'lang' niya lang 'yong bali sa paa at tahi sa noo. Ibang klase. Baka kapag nabasag na ang ulo niya sabihin niyang, "Okay lang naman ako. Hindi naman malubha ang lagay ko. Basag lang ang bungo at nasa taenga na ang utak ko."

Halata sa mukha nitong spoiled na bata ito. Twenty-one years old na ito pero sakit pa rin sa ulo.

"Sige na... Kailan mo ako dadalawin? Ngayon? Anong time ba? 5 PM? Okay, cool. See yah!" ani nito at pinatay ang tawag.

"Sir, babalik ako mamayang 5:30 PM for your treatment. Set aside the phone as possible." sabi ko at iniwan na siya doon.

Bumili na muna ako ng meryenda sa baba kung nasaan ang cafeteria. It was already three in the afternoon and my stomach growled in hunger so I must ease it as possible.

I ordered some snacks and ate it. Nanatili muna ako sa cafeteria sandali para mag-break. Habang kumakain, nakuha ng atensyon ang isang balita sa TV dito sa cafeteria.

"The famous business tycoon— Alessandro Davien Clemente is now on the Philippines just this day. Hindi pa man ito nakakabalik sa trabaho ngunit pinipilahan na agad ito ng mga negosyante for investments and partnerships. "

Nakauwi na siya? Ibig sabihin nandito na siya sa Pilipinas? Naghaharumentado na naman ang dibdib ko sa kaalamang nasa iisang bansa na kami ni Alessandro.

Pero iniisip ko nalang na malabong magkita kami ulit.

Nang dumating na ang alas singko, hinanda ko na ang sarili ko at mga gagamitin para sa aking pasyente.

Nang malapit na ako sa room ni Mr. Ramirez — ang pasyente ko kanina na natahian ng noo, may nakita akong matangkad at mestizong lalaki na pumasok sa kwartong inuukupa ni Mr. Ramirez sa di kalayuan.

Parang pamilyar ang postura niya sa akin. Ewan ko kung tama ba ang nakita ko o baka sadyang nag-iilusyon at namalikmata lang ako.

Ah... Alam ko na.

HOT SERIES #1: One Night Stand With EngineerWhere stories live. Discover now