Chapter 14

11.5K 176 54
                                    


I am strolling in the famous clothing line in our city to amuse myself. It's my off today. Sobrang boring sa bahay kaya heto ako nililibang ang sarili.

Napatigil ako sa pagpipili ng damit nang makuha ng atensyon ko ang isang nude dress. Gusto ko ang kulay at pasok ang sa aking panlasa ang style na 'to. Akmang kukunin ko na nang biglang may naunang kumuha rito.

Nang tingnan ko kung sino ako, bahagya akong nagulat nang makita si Hilary ang kumuha.

"I'll take it, Miss." she said to the saleslady.

Hindi ako nagpatalo at kinuha ko rin ito. "Ako ang naunang pumili dito. Kaya akin 'to."

Nagtaas ng kilay si Hilary. "You're wrong, 'Mika'. I was the one who picked it first. Wala ka pa lang, ako na ang naunang pumili dito. Umalis lang ako sandali para maghanap ng iba." ani ni Hilary at kinuha pabalik ang dress na hawak ko ngunit hindi ko na ito binitawan pa.

"Napili mo lang... Pero hindi pa naging sayo. Kaya pwede pa itong mapunta sa iba..." I fought back.

We were just looking each other intently and there was a growing fire between me and Hilary when a saleslady inserted.

"Mga Ma'am, hinay-hinay lang po baka mapunit niyo po ang damit. Hindi pa po bayad 'yan..." ani nito at tumingin kay Hilary. "At saka Ma'am, may large pa po kaming size dito. Mas bagay po kasi kay Ma'am ang damit na ito kasi medium po siya..." tukoy ng saleslady sa akin.

"See? Mas bagay sa akin. So back off." I said and pulled the dress.

Pagkatapos kong magpa-counter, I decided to go out. But I was slightly startled when I still saw Hilary.

Ayaw ko na ng gulo kaya akmang lalampasan ko siya nang bigla niyang hawakan ang braso.

"The fight is not yet over, Mika. Huwag kang magpakampanti na magiging sayo si Alessandro dahil una pa lang, akin na siya... Babawiin ko siya sayo... Tandaan mo 'yan." madiin na sabi ni Hilary sa akin.

Kinuha ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at tiningnan siya sa mata. "Share mo lang?" Iyan lang ang tanging nasagot ko.

Kita ko ang pagkapikon sa mukha niya sa sinabi ko ngunit hindi ko na pinansin 'yon. Sa halip, nilampasan ko na siya. Ngunit hindi pa man ako nakakailang hakbang ay nahila na ni Hilary ang buhok ko.

"Huwag mo akong bastusin!" sigaw nito habang hawak ang buhok. Ngunit sandali lang 'yon dahil sapat ang bilis ng kamay ko  para lumagapak sa pisngi niya.

Galit ko siyang idinuro. "Don't test my patience, Hilary! Malaki lang ang boobs mo pero maliit lang ang pasensya ko! Kaya huwag mo akong sagarin!" nanggigigil na bulyaw ko sa mukha niya at tumalikod na ako.

"Hindi pa tayo tapos, Mika! Tandaan mo ang araw na 'to!" rinig ko pang sigaw niya.

Hindi ko na siya nilingon. Sa halip, binigyan ko lang siya ng dirty finger bago ako makalapas sa clothing line.

Oo, tatandaan ko talaga. Ito ang araw na nasampal kita, Gaga!

Nagising ako na parang hinahalukay ang tiyan ko. Agad akong pumunta sa lababo para doon sumuka.

This was kinda strange. Wala naman akong masamang nakain kagabi. Pero gayunpaman, hindi ko nalang pinansin iyon. At naghanda nalang ako para pumasok sa trabaho ko.

Me and Tanya were staying in the nurses' lounge to take our break.

"Tanya, hindi ka pa ba magm-meds?" tanong ko sa kanya habang tinitingnan siyang nagm-make up pa.

"Sige lang Mika. Susunod ako mamaya." sabi niya at hindi pa rin ako tinatapunan ng tingin.

Pinabayaan ko na siya at nauna nang maglakad. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko siyang nag-spray ng perfume.

HOT SERIES #1: One Night Stand With EngineerWhere stories live. Discover now