Chapter 15

9K 173 10
                                    


Napagpasyahan kong puntahan si Alessandro sa company nila para sorpresahin siya. Kahapon ko pa lang sana gustong sabihin sa kanya ang tungkol sa anak namin pero naging busy siya nitong mga nakaraang araw.

I stopped my car in front of Clemente's Brewery company which is owned by my boyfriend.

Kahit may pera kami, hindi pa rin nito mapapantayan ang yaman ni Alessandro. No wonder why his mother hates me so much.

We don't have a huge company just like what other's have. But for Alessandro's mother, having company and lots of properties is a definition of richness. Gusto niya, ka-level ng anak niya ang mapapangasawa ni Alessandro. But we are just average kaya hindi niya ako matanggap. At saka, kitang-kita naman na mas gusto niya si Hilary para kay Alessandro.

Sumakay ako agad sa elevator at pumunta sa office ni Alessandro.

"Ano pong sadya ninyo Ma'am?" tanong ng isang babae sa akin. Hinuha ko ay secretary ito ni Alessandro.

"Ahmm... I'm here for Alessandro Clemente..." I answered.

"Do you have an appointment with Mr. Clemente, Ma'am? He has an ongoing meeting with Miss Chavez inside. And he is quite busy for these past few days." ani ng babae.

Parang pamilyar sa akin ang apilyedong Chavez. Mukhang narinig ko na iyon ngunit hindi ko nga lang alam kung saan at kailan. Ngunit ipinagsawalang-bahala ko nalang iyon.

"Ah gano'n ba? Sige. Pakisabi nalang na dumaan si Mika Salazar dito."

The girl just nodded.

Umalis na ako do'n at dumiretso nalang sa condo ni Alessandro. He gave me his spare key. Therefore, I can freely go in and out there wherever and whenever I want. Pero bago 'yon, nag-iwan na muna ako ng message kay Alessandro para ipaalam sa kanya na nandito ako sa condo niya.

Hours had passed but still I didn't see a shadow of Alessandro. Hanggang sa mapagpasyahan kong mag-ikot-ikot sa condo ni Alessandro.

Binuksan ko ang cabinet ni Alessandro at nanuot sa ilong ko ang amoy ng mga damit niya. Dalawa lang ang kulay ng mga damit niyang narito. Puti at itim lang.

Kinuha ko ang itim niyang t-shirt at isang boxer niya at isinuot ito. Pakiramdam ko yakap ako ni Alessandro sa suot kong ito. Pagkatapos no'n ay humiga ako sa kama niya at niyakap ang sarili.

Mukhang gusto ng anak ko ang amoy ng Daddy niya, ah?

Lumipas ang ilang minuto, tuluyan na nga akong hinila ng antok.

Nagising ako nang bigla akong may maramdamang nakayakap sa akin. When I opened my eyes to check on it, I saw Alessandro hugging at me.

"' You awake?" dungaw niya sa akin.

Nakaunan na pala ako sa braso niya. Sobrang puyat ng mukha ni Alessandro at halatang pagod talaga ito.

I smiled softly and nodded before hugging him tightly. Mas lalo ko lang isiniksik ang sarili ko sa dibdib ni Alessandro.

"I missed you, Love... Ngayon ko lang napansin ang message mo. My secretary told me that you went to the office. Bakit hindi mo ako tinawag?" he asked.

"May meeting pa raw kayo ni Miss Chavez ba 'yon? Ayaw naman kitang isturbohin..."

"Yeah. I had a meeting with Hilary lately..."

Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at napaupo ako sa kama. Pagkatapos ay tiningnan ko siya. "Hilary... 'Yong childhood sweetheart mo?" may tampo sa boses ko.

Bumangon na rin siya at hinawakan ang pisngi ko. "Business lang 'yon, Love... No need to worry. We just need their company's support right now... Trust me, it is just a pure business."

HOT SERIES #1: One Night Stand With EngineerWhere stories live. Discover now