Chapter 24 (Slight SPG)

14K 178 11
                                    

WARNING ⚠️ 🔞

Matured content ahead. It contains sexual practices that may not suit for young readers. Read at your own risks.

————————————————

"Ma, Pa, Kuya, bakit naman kayo pumayag na kidnapin ako ni Alessandro, hindi ba kayo nag-aalala sa 'kin?" tanong ko sa kanila. Matapos ang isang linggo, umuwi na kami ni Alessandro.

Tinanong ko pa rin sila kahit na that set up did end up well.

"Anak... I can see that Alessandro really loves you so much. Alam ko rin na hindi nawala ang pagmamahal mo kay Alessandro. At mas napatunayan ko 'yon noong matapang siyang pumunta rito para humingi ng tawad..."

Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Mama. "Pumunta siya rito?"

"Oo anak." si Papa. "He came here to formally asked for forgiveness kahit na hindi naman ako galit sa kanya at inamin rin niyang he wanted to win you back. Sinapak pa nga siya ng Kuya mo."

Napatingin ako kay Kuya and I gave him a glare. "Ba't mo sinapak? Huh?" tanong ko.

Naiinis lang niya akong tiningnan. "Sinapak ko lang siya, isang beses para ipalabas ang inis ko sa nangyari sa inyo. At saka, bakit ka naman nagagalit, ha? Buti nga kinidnap ka ni Alessandro. Kunwari pa... 'Yon naman pala ang gusto."

"Kuya!" naiinis na saway ko sa kanya.

Ginusto ko ba 'yon? Ginusto ko bang kidnapin ng taong 'yon?!

"Bakit? Hindi ba? Hoy Mika, ano bang pinagpuputok ng butsi mo at panay tanong ka dyan, ha? Pero siguraduhin lang ng Alessandro na 'yon at ng Mama niya na hindi na mangyari ang nangyari noon. Kundi, sila ang mananagot sa akin. I won't hold back this time."

"Oo nga naman, anak... At saka, wala naman talagang kasalanan si Alessandro sa nangyari... We already moved on, right? Ayaw na kitang nakikitang nasasaktan pa. Ayaw na kitang makitang umiyak na kagaya nang gabing... naghiwalay kayo ni Alessandro..." My Mom added.

She's right.

Noong gabing naghiwalay kami ni Alessandro, doon ako umiyak ss balikat ni Mama. Pagkabukas ko pa lang ng pintuan ay sinalubong agad ako ng yakap ni Mama noong gabing iyon. Doon ko sinabing mahal ko si Alessandro... Mahal na mahal.

Sobrang unhealthy na ng relasyon namin noon. At kung nag-stay pa kami sa isa't isa, hindi na iyon maganda. And we can't stay in that set up. We need space that time.

Basta ang mahalaga ngayon, maayos na kami ni Alessandro. We are already united.

Our hearts are already united for the second time... But this time, it is real. Malinaw na sa akin kung ano kami ni Alessandro.

Malinaw na rin sa akin ang nararamdaman ko sa kanya... Mahal ko siya at oras na para ako ay maging masaya...

"Love, are you sure?" tanong sa akin ni Alessandro habang nasa tapat kami ng sasakyan niya.

"Yeah, we need to hear them..." sagot ko naman.

Pupunta kami ngayon ni Alessandro sa isang restaurant kung saan napagpasyahan naming kitain si Hilary at ang Mama ni Alessandro. Hindi namin alam kung anong pakay nila at kung ano ang gusto nilang pag-usapan. Ang mahalaga, magkaroon ng linaw ang lahat.

Pinagbuksan ako ng pintuan ni Alessandro bago siya umikot para sumakay sa driver seat. Habang nasa byahe, hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa kamay ni Alessandro na nakapatong sa hita ko.

Tiningnan ko ang mukha niya kung may malanding binabalak siya ngunit wala naman dahil seryoso lang itong nagmamaneho gamit ang isang kamay. Ang mata nito ay sa daan lang nakatingin. Naaninag ko pa ang gwapong mukha niyang pasimpleng nasisinagan ng mga street lights.

HOT SERIES #1: One Night Stand With EngineerWhere stories live. Discover now