Chapter 8

12.9K 231 46
                                    

Dahil sa wala akong magawa sa bahay at wala na akong pera, nag-apply ako sa agency na dating nag-hire sa akin. Kaya ngayon, back to work. Pero hindi na sa abroad dito nalang sa Pilipinas para madagdagan pa ang mga magandang nurse dito.

Three weeks ago lang ako nagsimula.

Back to being nurse naman!

Na-miss ko nang manakal ng pasyente.

It's my first day in St. Luke Hospital and it's really good to be back.

Sa Hospital, dito mo lang mararanasang mayroong mag-care sa 'yo. To tell you honestly, masarap kaming mag-alagang mga nurse. Kahit wala kang girlfriend o boyfriend, mararanasang mo pa ring may mag-check sayo from time to time, magpapa-remind sayo na inumin ang gamot mo at iwasan ang mga bawal.

Ang sarap sa feeling, di ba? So ano pang hinihintay mo? Magpa-admit ka na!

Pero kung magpa-admit ka lang dahil sa masakit ang ingrown mo sa paa, well, ang paunang lunas dyan ay ang pagmamartilyo sa dulo ng kuko mo.

Unang hampas, wala ka nang bukas.

Kakatapos ko lang mag meds at break time ko na. I headed my feet in the nurses' lunge to take some rest. Pagkarating ko do'n, I immediately checked my phone at nakita ko doon ang mga messages ni Alessandro.

I opened the message he sent on my messenger this morning.

"Good morning, Eurice. 🏋️"

Natawa ako sa message ni Alessandro sa 'kin. Okay na sana 'yong Good Morning, Eurice pero 'yong emoji, nakakaloka!

I typed my reply and sent it to him.

"What's with that emoji?" I replied.

Agad naman nitong na-seen.

Then minutes after, he sent a voice message. A voice message this time, huh?

Without further a do, I immediately opened it with excitement.

I even heard that he cleared his throat before starting speaking. "Ahm.. It means you can do it." Napatakip ako sa aking bibig nang marinig ang boses niya. Bukod sa gwapo na, nakakatawa pa. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Matatawa ba o kikiligin?

"I'm sorry if you don't get it. I... I am not really fond of typings actually. But don't worry, I'll type it completely next time.  Have a good day. Take care. I really don't do social media so I don't know how to deal with it in accordance. Sorry once again." mahabang sabi ni Alessandro sa voice message na ni-sent niya.

I don't know why but something warmth my heart. Knowing that Alessandro made a social media account just to get along with me, with my hobbies and so on... He even made effort in sending me messages even if he doesn't like typings...

That... That was just so good for a suitor.

To reciprocate Alessandro's effort, I called him through a video call.

Napamura ako nang mahina at napasinghap nang ang unang bumungod sa akin ay ang lower part ni Alessandro. Ang nakatapat sa camera ay 'yong thighs niya with his black pants on at parang nakaupo siya. It's really not big deal pero 'yong bukol sa gitna ng zipper niya, nakakaagaw ng pansin.

Literal na nakakaagaw ng pansin!

Goodness! Pwede sumigaw? Gosh!

Later on, binalik niya na sa front ang camera niya at bumungad na sa akin ang gwapo niyang mukha.

Gusto kong isipin na sinadya niya 'yon pero nang makita ko ang mukha niya mukhang hindi naman niya sinasadya iyon. Sadyang naka- back lang ang camera niya nang sagutin niya ang tawag ko.

HOT SERIES #1: One Night Stand With EngineerWhere stories live. Discover now