Chapter 40

725 27 7
                                    

Jaicy's POV

"Tinatawa tawa mo d'yan?" nakataas kilay na tanong ko. Sinusubukan kong itago ang kaba sa mga mata ko. Kahit naman kasi malaki ang bahay nina Tito Otep ay posible pa ring narinig kami ni Lei.

Ano pa't ubod ng tsismoso ang isang ito.

"What? Bawal na ba maging masaya ang gwapong kagaya ko? Look. I woke up very early. In fact, I got up earlier than you. Simula na yata ito ng pagbabagong buhay ko," wika n'ya. Awtomatikong bumusangot ang mukha ko. Minsan talaga ay hindi ko s'ya maintindihan. Para s'yang ewan.

Dederetso na sana ako ng kusina nang sunod na bumaba si Ryu sa likuran ko.

Ang kaninang walang muwang na ngiti ni Lei ay napalitan ng kunot na noo. Naiilang akong tumikhim at lumayo kay Ryu.

"Aga mo nagising," kunwaring bati ko. Ramdam ko ang naniningkit na mga tingin sa aming dalawa ni Lei. Nakakahalata ba s'ya?

"Yeah. I had a really fun night."

Nanlaki ang mata ko sa sinagot sa 'kin ni Ryu. Pinandilatan ko s'ya ng mata pero ngumisi lang s'ya sa akin. Kahit kailan talaga ay hindi s'ya marunong magpreno ng bibig n'ya.

"Fun night? E muntik na nga burahin ni Caloy iyang mukha mo kagabi," pang-aasar ni Lei. Napangiti ako nang batuhin s'ya ni Ryu ng unan. Sapul ito sa mukha ng kapatid. "Aray, ah! Tsk. Asar talo." Akmang babatuhin ulit s'ya ni Ryu nang pumasok si Mama sa loob. Agad akong lumapit sa kanya para yakapin s'ya.

"Good morning, Tita!" ngiting asong bati ni Lei kay Mama. Sa likod ni Mama ay si Tito na may bitbit na supot. Amoy pa lang ay alam ko ng pandesal ang nasa loob nito.

"Saan po kayo galing?"

"Sinamahan ako ng Tito Otep mo sa palengke. May mga nakasalubong nga kaming kabataan. Hinahanap si Prince. E gumagawa raw sila ng documentary. Sabi nila babalik na lang daw sila mamayang tanghali."

Ang famous talaga ng boyfriend ko.

"Nasaan na nga ba ang kuya ninyo?"

Saglit akong napaisip sa tanong ni Tito. Oo nga pala. Paniguradong bagsak pa rin iyon sa kwarto. Hindi naman kasi sanay uminom iyon. Mabuti pang gisingin ko na. Baka sumakit lang ang ulo no'n kapag ginising ko ng tanghali.

"Ako na po ang gigising kay Prince," pagpepresinta ko. Tumango naman sa 'kin si Tito at naging hudyat ko na iyon para umakyat sa taas.

Sumulyap pa ako kay Ryu para tingnan ang reaction n'ya. Nakasimangot nga ito gaya ng inaasahan.

"Prince, bangon na—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko s'yang tahimik na nakaupo sa silya at nagpipinta. Inosente s'yang tumingin sa 'kin. "G—Gising ka na?" gulat na tanong ko. Sa itsura pa lang ng mga art materials n'ya ay masasabi ko nang buong gabi s'ya nagpinta.

Hindi s'ya natulog.

Pasimple kong sinilip ang agwat ng kwarto n'ya sa kwarto ni Ryu.

Magkaharap lang ang mga ito.

"Good morning, Jaicy."

Namimilog ang mga mata kong napatingin sa kanya. Gwapo s'yang nakangiti sa 'kin at tila masaya talagang makita ako. Bahagyang kumirot ang puso ko dahil dito.

Wala s'yang ka-alam alam sa mga kataksilang ginagawa ko.

Matamis akong ngumiti sa kanya sa kabila ng kaba sa puso ko. Lumapit ako sa kanya para halikan s'ya sa labi.

"Good morning. Hindi ka ba natulog? Ang buong akala ko ay himbing ka pa," wika ko. Ngumiti s'ya sa akin at umiling. Tumingin s'ya sa Canvas na tinatrabaho n'ya. Sinundan ko rin ito ng tingin. Nawala ang ngiti ko sa nakita. Larawan namin habang natutulog ako sa bisig n'ya. Napaiwas ako ng tingin nang mapalitan ng mukha ni Ryu sa isip ko ang mukha n'ya sa painting.

"Hindi mo ba nagustuhan?" nag-aalalang tanong n'ya. Mabilis akong umiling.

"Ano ka ba! Ang ganda nga e. Buong gabi mo lang iyan ginawa?"

"Yes. I couldn't sleep."

"G—Gano'n ba."

Hindi ko magawang tingnan nang matagal ang painting. Gano'n na gano'n kasi ang pwesto namin ni Ryu kagabi. Nakahiga ako sa bisig n'ya habang nakatingin sa bintana.

"Tara na sa baba. Kumain ka ng almusal. Bumili si Mama ng malunggay pandesal. Nakatikim ka na ba no'n?"

Hinila ko s'ya patayo sa upuan at inakay palabas ng kwarto.

"I'm not sure what malunggay is..." sagot n'ya. Napairap naman ako. May puno kasi sila ng malunggay sa bakuran. Tagal na no'n doon. Huwag n'yang sabihing lagi n'yang nakikita iyon pero hindi naman pala n'ya alam ang tawag doon.

Pagbaba namin ng kusina ay wala na si Ryu. Hindi na ako nag-abalang hanapin s'ya. Alam ko naman kasi kung saan s'ya matatagpuan.

Minabuti ko na munang ipagtimpla ng gatas si Prince.

Agad sinabi ni Mama kay Prince ang tungkol sa mga kabataang gusto s'yang makausap. Mas excited pa nga si Mama kay Prince. Tuwang-tuwa s'ya dahil makikita raw namin ulit sa TV si Prince. Ako naman ay hindi maipinta ang mukha. Sigurado kasing mawawalan na naman s'ya ng oras sa 'kin mamaya.

Pero ayos lang. Kikitain ko na lang din muna si Ryu. Mukha kasing nagtatampo s'ya sa akin.

Dumating nga iyong mga kabataang sinasabi ni Mama ng tanghali. Kusa ko nang inalis ang sarili sa eksena para mas makapagpokus si Prince. Akala ko ay pipigilan n'ya akong umalis pero hinayaan n'ya lang ako. Lalo tuloy humaba ang nguso ko.

Pumunta ako sa may dagat para hanapin si Ryu. Hindi naman ako nagkamali dahil nakita ko s'yang nakaupo sa buhangin at nakatanaw sa asul na dagat.

Tumabi ako ng upo sa kanya. Hindi naman s'ya nagreact. Alam n'ya na sigurong ako iyon.

"We can't stay like this forever..."

Napatigil ako sa sinabi n'ya.

"You can't have both of us, Jaicy. You have to choose."

Napaiwas ako ng tingin nang magtama ang mata naming dalawa. Hindi ko gustong pag-usapan ang bagay na ito ngayon.

Hindi ako sumagot. Ayokong magbitaw ng salitang hindi ko kayang panindigan. Ang alam ko lang ay pareho silang ayaw kong mawala sa buhay ko.

"One week. I'll show you how much I love you. Then, after that you'll have to choose between me and kuya."

___

A/N Hello. It's Melancholant. I just have a quick question. Since, nandito ka na rin naman. Ano iyong mga story plots na trip mo? I would really appreciate your response. Twenks. Sana lagi ka n'ya piliin.

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon