Chapter 29

2.2K 104 18
                                    

Warning SPG

Jaicy's POV

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Ryu. Nanatili lang akong nakatingin sa tsokolateng mga mata n'ya hanggang sa tuluyang magdilim ang paligid. Kaya ko nga ba'ng panindigan ang desisyon ko? Nakalilito pero isa lang ang sigurado ako.

Hindi ko pinagsisihan ang pagtanggap sa kanya.

Napalunok ako nang unti-unti n'yang ilapit ang mukha n'ya sa 'kin.

"Follow me," nang-aakit na bulong n'ya.

Kagat labi s'yang tumayo at nagsimulang maglakad pabalik ng hotel. Doon ko lang napansin ang nagkalat na lata ng beer sa kinauupuan n'ya. Karamihan sa mga iyon ay nakayupi at parang pinanggigilan.

Wala sa sarili akong tumayo at bumuntot sa kanya. Pansin ko ang kakaibang tingin ng mga taong nadadaanan n'ya. Halos lahat sila ay naiiwang nakalingon sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasang balutin ng selos. Gusto kong ipagsigawan sa kanila na akin lang si Ryu.

Tumaas ang dalawang kilay ko nang tumigil s'ya sa harapan ng isang pulang pinto. May nirentahan s'yang sariling k'warto?

Sumulyap muna s'ya sa 'kin bago tuluyang pumasok sa loob. Dahan-dahan akong naglakad patungo ro'n.

Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang nakatayo sa harapan ng k'warto. Nanginginig kong nilapit ang kamay sa sedura ng pinto.

Oras na buksan ko ito ay panibagong tao ang papasok sa puso ko.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko at inikot ang doorknob. Gulat akong napadilat nang may maramdaman akong kamay na humigit sa 'kin papasok ng silid.

Impit akong napaungol nang maramdaman ko ang mainit na katawan ni Ryu sa 'kin. Mabilis n'yang sinarado ang pinto gamit ang isa n'yang kamay habang mahigpit na nakahawak sa maliit kong baywang.

Namumungay ang mga mata akong tumingala para titigan ang g'wapong mukha n'ya.

"You really came in," hindi makapaniwalang saad n'ya habang nakatingin sa mga mata ko. Napapikit ako sa amoy ng pinaghalong mint at beer sa bibig n'ya.

Ngayon lang kami naging ganito kalapit sa isa't isa.

"Estas en problemas ahora, Jaicy." Lasing kong tinitigan ang mga mata n'ya at gano'n din s'ya sa 'kin. "There's no turning back now," buong pagnanasang bulong n'ya sa tainga ko.

Isang malaswang ungol ang kumawala sa bibig ko nang sakupin n'ya ang mga labi ko. Napasabunot ako sa buhok n'ya dahil sa kakaibang sensayon. Nagsimulang maglumikot ang kamay n'ya sa katawan ko. Panay ang himas ng mga ito na tila may hinahanap.

"A-Ahhh!"

Mahigpit akong napakapit sa braso n'ya nang dumapo ang kamay n'ya sa matambok na pang-upo ko. Ilang beses n'ya 'yong pinisil at pinalo palo. Shit!

"Open your eyes," nahihirapang utos n'ya na agad kong sinunod. Nanghihina kong sinalubong ang nandidilim sa pagnanasa n'yang mga mata. Muli n'yang pinalo ang pang-upo ko kaya gumuhit ang sakit sa mukha ko. Hindi nakaligtas sa mata ko ang dumaang libog sa mga mata n'ya matapos makita ang nasaktan kong itsura.

Tuluyan na akong nawala sa wisyo nang pagdikitin n'yang muli ang mga labi namin. Nanghina ang tuhod ko dahil sa swabeng paghalik n'ya sa 'kin. Ramdam na ramdam ko ang pag-ikot ng malapot n'yang dila sa loob ng bibig ko na parang tinitikman ang kaloob looban ko.

Gamit ang isang kamay ay parang bata n'ya akong kinarga at sinandal sa pinto. Mahigpit akong napakapit sa leeg n'ya. Ramdam ko ang malaking bukol sa gitnang bahagi ng katawan n'ya. Ilang ulit n'ya iyong binayo sa pang-upo ko.

Minsan ko nang nakita ang pagkalalaki n'ya pero hindi ko akalain na sobrang laki pala talaga nito sa pakiramdam. Alam kong anumang oras ay kakawala na ito sa masikip na pantalon n'ya.

Hindi na ako makapaghintay...

Naghahabol ng hininga kong pinagmasdan ang mukha ni Ryu. Sobrang pungay na ng mata n'ya. Walang nagbago sa g'wapong mukha n'ya pero parang ibang tao s'ya ngayon dahil sa sobrang pagnanasa sa mga mata n'ya.

"I'll fuck you hard," puno ng pagnanasang saad n'ya.

Parang kuryenteng sumundot sa 'kin ang malaswang salitang lumabas sa bibig n'ya. Napasabunot na lang ako sa buhok n'ya nang isubsob n'ya ang mukha sa leeg ko. Kagat labi kong inungol ang pangalan n'ya habang walang tigil s'ya sa paghalik at pagsipsip sa maputing leeg ko.

Paniguradong mag-iiwan 'yon ng mga marka pero wala akong pakialam.

"Ahhh R-Ryu! Shit!" nababaliw na ungol ko. Nakarating na ang malikot na mga kamay n'ya sa dibdib ko.

"Quiero probar tus pequeñas fresas," nakangising sabi n'ya habang titig na titig sa nipples kong natatakpan ng T-shirt.

Jusko! Hindi ko naiintindihan pero sige, oo na lang.

Napasinghap ako nang bigla n'yang punitin ang suot kong damit. Gulat akong napatingin sa kanya. Regalo 'yon sa 'kin ni Prince.

Pero agad ding nawaglit 'yon sa isip ko nang idiin n'ya ang sarili sa 'kin. Halos maipit na n'ya ako sa pinto pero imbes na masaktan ay mas nadagdagan pa ang init ng katawan ko.

Mahigpit akong napahawak sa braso n'ya nang buhatin n'ya ako at dalahin sa kama. Kusa kong tinuloy ang mapusok na halikan namin habang walang tigil sa paghimas sa dibdib ko ang magaspang na kamay n'ya.

Sobrang init na ng katawan ko. Parang may gusto ng lumabas sa kaloob looban ko. Maingat n'ya akong inihiga sa malambot na kama.

Namula ang mga pisngi ko nang bigla s'yang kumawala sa halikan namin para titigan ang katawan ko. Tanging shorts na lang ang suot ko at malaya nang nakabalandra sa kanya ang dibdib ko.

Hindi ko alam pero nahihiya ako kaya mabilis kong hinila ang batok n'ya upang ibaling ang atensyon sa mga labi ko. Hindi gaya ko ay suot n'ya pa rin ang damit n'ya kaya malandi kong tinaas ang suot n'yang damit pero hinuli n'ya ang kamay ko.

Inis akong tumingin sa kanya. Isang mapaglarong ngisi lang ang binigay n'ya sa 'kin.

"No quieres empezar a hacer eso, cariño," natatawang saad n'ya na nagpasimangot sa 'kin. Kanina pa s'ya nag-eespanyol hindi ko naman s'ya naiintindihan.

Pero sa totoo lang ay sobrang hot ng Spanish accent n'ya. Sana lang talaga ay naiintindihan ko s'ya, ano?

Napakapit ako sa bedsheet nang bigla n'yang hilahin ang suot kong shorts kasama ang underwear ko. Mabilis itong dumulas sa legs ko kaya malaya n'yang nakita ang kabuoan ko. Ang bilis!

Agad kong tinakpan ang sarili pero galit n'ya ulit hinuli ang kamay ko at diniin sa kama.

"Esto es mío."

Napairap ako. Spanish na naman. Saan ba n'ya natutuhan 'yan?

"Ano?" asar na tanong ko. Ngumisi s'ya at dahan-dahang pumaibabaw sa 'kin. Parang bata lang ako sa ilalim n'ya dahil sa lapad ng katawan n'ya.

"Ang sabi ko..." nang-aakit na saad n'ya. Humigpit ang kapit ko sa braso n'ya nang bigla n'yang hawakan ang gitnang bahagi ng katawan ko.

"Akin ito."

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon