Chapter 11

3K 120 3
                                    

Jaicy's POV

"I thought you're not coming?" nagtatakang tanong ni Lei sa kapatid.

Nakatitig pa rin ito sa 'min na parang may ginawa kaming karumal-dumal na krimen.

Tinapik ko si Lei nang mapagtanto ko ang posisyon namin. Buhat n'ya pa rin ako sa balikat n'ya at kasulukuyang nakaharap kay Ryu ang pang-upo ko. Nakaramdam ako ng hiya kaya sinenyasan ko si Lei na ibaba ako.

Binaba naman n'ya 'ko. Inaayos ko ang nagulo kong damit at naiilang na humarap kay Ryu.

"Sana sumabay ka na sa 'min kanina," wika ko at pilit na ngumiti.

"So you'll join us?" tanong ni Lei sa kapatid. Gumapang ang kamay n'ya sa baywang ko. Bumaba naman ang tingin ni Ryu roon kaya tinaggal ko ang kamay ni Lei.

Hindi sumagot si Ryu. Basta na lang n'ya hinubad ang suot n'yang T-shirt. Lumantad sa mga mata ko ang perpektong katawan n'ya.

Parang likha ng isang sikat na pintor ang maskuladong katawan n'ya na puno ng mga tattoo. Makinis ang kayumanggi n'yang balat at bahagyang kumikintab dahil sa pawis na dala ng init ng panahon.

Bahagyang namula ang mukha ko dahil sa anim na pandesal sa t'yan n'ya.

"Laway mo..." bulong ni Lei sa kanang tainga ko.

Pinahid ko ang bibig ko pero wala naman akong nakapang basa roon. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa ginawa ko dahil parang inamin ko na rin kay Lei na titig na titig nga ako sa kapatid n'ya.

Hindi naman 'yon pinansin ni Lei at mas pokus ang atensyon sa kapatid n'yang hinuhubad na rin ang pants n'ya. Mukhang seryoso s'yang maliligo talaga sa dagat kasama namin.

Pinagtitinginan na ako dahil sa dalawang kasama ko. Para lang akong palito sa gitna nila dahil sa lalaki ng mga katawan nila. Idagdag mo pa ang mga nagguguwapuhang mga mukha nila. Para akong may kasamang dalawang artista.

Kinuha ko ang mga pinaghubaran n'ya at sinilid sa dala kong bag. Kahit nadi-distract ako sa malalaking katawan nila ay hindi ko pa rin matago ang saya sa mukha ko.

Just like old times. Magkakasama na naman kami at sabay-sabay na maliligo sa dagat. Nagpakawala ako ng isang matamis na ngiti sa mga labi ko.

Nagtataka akong napatingin sa kanila dahil kanina pa sila nagtitigan. Parang nag-uusap ang mga mata nila pero hindi ko alam kung tungkol saan.

"Ano'ng mer—HOY!"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nilang buhatin ang magkabilang paa at braso ko. Kinakabahan akong nagpumiglas sa dalawang magkapatid.

Sinasabi ko nga nga ba eh.

Basta talaga kalokohan ay nagkakasundo sila.

Ito ang unang beses na nakita kong nakangisi si Ryu. Mukhang tuwang-tuwa talaga s'ya na ihahagis nila ko sa malamig na tubig.

"Bitawan n'yo 'ko. Hoy! Isusumbong ko kayo kay Mama!" pananakot ko kahit deep inside ay natutuwa ako dahil parang bulang naglaho ang pagkailang ko kay Ryu.

Para kaming bumalik sa pagkabata.

"Samahan ka pa namin," nang-aasar na sagot ni Lei at mas binilisan pa ang pagtakbo sa pangpang habang bitbit ako na parang sako.

Wala na akong nagawa nang ihagis nila ang kawawang katawan ko sa malamig na tubig. Ramdam ko ang pagyakap ng dagat sa katawan ko at bahagya ko pa yatang nalasahan ang maalat na tubig. Pinadyak ko ang mga paa ko paangat sa tubig.

"Hahahahaha!"

Nangibabaw ang baritonong tawa ni Lei habang si Ryu naman ay nakangising nakatingin lang sa 'kin. Napapikit ako nang marahas na tumalon sa tubig si Lei.

"Woohhh!" sigaw n'ya.

Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataong wisikan s'ya ng tubig sa mukha. Napatawa ako nang may pumasok ding tubig sa bibig n'ya. "Akala mo ah!" natatawang sabi ko.

"Bakit ako lang?" tumatawang reklamo n'ya at winisikan ng tubig ang nakangising si Ryu na agad ding gumanti sa pamamagitan nang marahas na pagtalon sa tubig. Malakas na tumalsik ang tubig sa 'ming dalawa ni Lei.

Doon na nga nagsimula ng water fight namin. Nagwisikan kami ng tubig. Walang gustong magpatalo sa 'min. Bawat hampas ko ng tubig ay doble ang ganti nilang dalawa. Madadaya!

"Hoy! Ayoko na!" natatawang sigaw ko nang akma akong dadalhin ni Lei sa mas malalim na parte ng dagat.

"Ano'ng ayaw? Ang tapang mo kanina 'di ba?" nang-aasar na sagot n'ya at mas hinigpitan ang kapit sa baywang ko nang tangka akong aalis.

"Ryu! Tulungan mo 'ko!" natatawang sigaw ko pero ngumisi lang s'ya at nang-aasar pang kumuway sa 'kin.

'Langya 'tong magkapatid na 'to...

Mahigit dalawang oras siguro kaming nagtampisaw sa tubig. Nahiya na nga yata ang mga batang maglaro dahil daig pa namin sila kung maghabulan sa tubig.

"Ang sakit ng braso ko," daing ni Lei habang hinihimas ang pinagkukurot kong bahagi sa braso n'ya.

Nakaramdam naman ako ng kakarampot na konsensya kaya lumapit ako sa kanya para bigyan s'ya ng kinakain kong santol na hiningi namin sa isang kakilala. "Ang kulit mo kasi. Sabi ko naman sa 'yo na ayoko sa malalim eh," pagtanggol ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung nagso-sorry ba 'ko o sinisisi s'ya sa nangyari.

Napatingin ako sa harapan namin kung saan nauunang naglalakad si Ryu. Tahimik na ulit s'ya  at blangko na naman ang ekspresyon. Gusto ko nang markahan ng pentle pen ang sulok ng mga labi n'ya para ngumiti naman ang mukha n'ya pero pinigilan ko ang sarili ko.

Alam ko namang deep inside ay nag-enjoy s'ya. Tuwang-tuwa pa nga s'ya habang pabiro akong iniiwan ni Lei sa malalim na parte ng tubig.

Pinatong ni Lei ang mabigat n'yang braso sa balikat ko.

Bahagya nang kumakalam ang sikmura ko sa gutom. Hindi pa kasi kami nagtatahanglian. Pasado alas-dos na ng hapon ayon sa mamahaling relos ni Lei kaya sigurado akong gutom din 'tong mga 'to.

Nakagugutom naman kasi talagang makipaghabulan.

Malapit na kami sa bahay nang mapansin ko ang ilang kapitbahay na nakapaligid sa bakuran nina Lei. Sa harap nito ay isang mamahaling itim na sasakyan. Rinig na rinig ko mula rito ang malakas na pagkukuwentuhan nila.

"Lumaking g'wapo naman pala talaga itong panganay ni Pareng Otep!"

"May nobya ba ang binatang 'yan? Eh ibubugaw ko na 'tong dalaga ko."

"Kahit sino sa mga anak ni Otep ay ipapakasal ko sa mga anak ko!"

Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Nandito na ang panganay ni Tito?

Nandito na si Prince?

Nagkatinginan kaming dalawa ni Lei. Unti-unting tumaas ang sulok ng mga labi ko.

Ginulo n'ya ang buhok ko at tinanggal ang pagkakaakbay n'ya sa 'kin na para bang sinasabihan akong tumakbo na papasok at salubungin ang kababata kong anim na taon ko nang hindi nakikita sa personal.

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon