Chapter 25

2.1K 113 14
                                    

Jaicy's POV

Sinag ng araw mula sa siwang ng tent ang gumising sa 'kin. Ramdam ko ang gumuhit na ngalay sa likod ko dahil sa baluktot na posisyon ko. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Wala na si Ryu.

Bumangon ako mula sa magulong kama at lumabas ng tent.

"Ryu?" inaantok na tawag ko. Gulo na 'yong dinner setup kagabi. Nakabaliktad na 'yong lamesa at mga upuan. Sobrang lakas pala ng bagyo kagabi.

"Ryu? Nasaan ka?"

Tumaas ang dalawang kilay ko nang may makita akong dalawang bulto ng lalaki sa may pangpang. Si Ryu tsaka 'yong manong kagabi.  Agad akong tumakbo palapit sa kanila.

Agad ngumiti 'yong matanda nang makita n'ya ako. "Magandang umaga po! Kumusta po ang gabi ninyo?" makahulugang tanong n'ya. Awtomatikong namula ang mukha ko.

"H—Hindi po talaga ako 'yong nag-utos sa inyo. Nagkamali po kayo. Kababata ko po si Ryu. Hindi ko po magagawa iyon," depensa ko. Mukhang naniwala naman 'yong matanda dahil bakas na sa boses ko ang pagkadesperado.

"Naku! Totoo ba iha? Ang sabi kasi nitong kasama mo ay nobya ka n'ya," nagtatakang sagot ng matanda. Nanlaki ang mata ko. Namumula akong napatingin kay Ryu na mukhang walang pakialam.

Okay?

"Ihatid ko na lang kayo. Mukhang hindi pa kayo nagkakaintindihan ng nararamdaman. Mga kabataan talaga," naiiling na sabi n'ya at lumapit sa bangka n'ya. "Ano pa'ng hinihintay n'yo? Halika na kayo't babalik pa ako para linisin ang mga kalat dito." Ngumiti s'ya sa amin.

Kahit naiilang ay nanguna na ako sa pagsampa sa bangka. Sumunod naman si Ryu.

Tahimik lang kaming nakaupo habang patuloy sa pagsagwan si manong. Ramdam ko ang ilang panakaw na sulyap n'ya sa akin pero nagkukunwari akong hindi iyon napapansin.

Nakagat ko ang labi ko nang bigla ko maalala sina Mama. Sigurado akong nag-aalala na ang mga iyon. Lalo na si Prince.

Patay talaga ako nito.

Kahit nasa tubig pa kami ay nilusong ko na ang dagat para makatakbo na agad ako papunta sa room namin. "Maraming salamat po!" paalam ko sa matanda. Nasa tabi n'ya lang si Ryu na blangkong nakatingin sa 'kin.

Wala mas'yadong tao ngayon. Pansin ko na nagsisimula pa lang sumilip ang araw kanina no'ng umuwi kami. Baka mga tulog pa sila?

Kinapa ko ang susi sa suot kong hoodie pero bigo akong makapa iyon. Patay!

Kumakabog ang dibdib ko nang marating ko ang silid namin. Wala akong duplicate key kaya wala akong choice kung hindi kumatok.

Tok! Tok! Tok!

Ilang segundo pa akong naghintay bago magbukas ang pinto. Bumungad sa akin ang nakapikit pang si Prince. Binuksan n'ya ang isa n'yang mata at tumingin sa 'kin.

"Jaicy? Bakit ka nasa labas?" nagtatakang tanong n'ya. Hindi ako nakasagot. "Pinanood mo ba 'yong sunrise?" Inosente s'yang ngumiti sa 'kin.

Napatitig ako sa kanya.

Wala s'yang kaalam alam na napunta ako sa isla kasama ang kapatid n'ya buong gabi. Wala s'yang ideya na hindi n'ya ako kasama sa k'warto buong gabi.

"Oo," pagsisinungaling ko. "Hindi na kita ginising kasi mukhang mahimbing ang tulog mo." Pilit akong ngumiti.

Napahawak ako sa braso n'ya nang bigla n'ya akong higitin at halikan.

"Good morning," nakangiting bati n'ya at ngumiti. Hindi ko maiwasang makonsensya pero alangan namang sabihin kong lumabas ako kagabi nang hindi nagpapaalam. Tapos nangyari pa 'yong sa isla.

Baka kung ano'ng isipin n'ya.

Agad akong napabitaw sa kanya nang makita ko si Ryu na naglalakad papalapit sa amin. Naiilang akong gumilid nang pumasok s'ya sa loob ng k'warto.

Nagtataka s'yang sinundan ng tingin ni Prince.

"Nanood din ba s'ya ng sunrise?" inosenteng tanong n'ya sa 'kin. Ninenerbiyos akong umiling.

"S—Siguro? Hindi ko alam. Hindi ko s'ya nakita kanina."

Jusko ang sinungaling ko. Sorry Prince!

Alam kong narinig iyon ni Ryu pero hindi na lang s'ya kumibo. Sobrang kabado ako kanina pero hindi pa pala sila nagigising lahat. Turns out kaming dalawa lang ni Ryu ang nakaaalam sa nangyari.

Hindi naman siguro n'ya ipagkakalat?

Kailangan ko s'yang makausap.

Ilang beses kong sinuway si Prince dahil sobrang clingy n'ya sa 'kin kahit kasama namin sa k'warto si Ryu. Ilang na ilang ako dahil sa nangyari kagabi pero mukhang walang pakialam si Ryu. Seryoso. Paano n'ya nagagawa n'ya 'yon?

"Bakit amoy alak ka?" nagtatakang tanong ni Prince. Agad kumabog ang dibdib ko. Pinagmasdan n'ya ako. "Tsaka kaninong hoodie 'yang suot mo?"

T—Teka! Isa-isa lang.

"Ahhh..." Naiilang akong ngumiti. Hindi ko alam ang isasagot. Hindi ko magawang magsinungaling habang inosente s'yang nakatingin sa akin. Aamin na ba 'ko? Hindi ko yata kayang patagalin pa ang pagsisinungaling kong ito.

"Prince ang totoo niyan—"

"Dad texted me. You have a breakfast meeting with Mister Tuazon?" putol sa 'kin ni Ryu. Namimilog ang mga mata kong napatingin sa kanya.

"Oh! I almost forgot. I have to go!" naghihisterikal na sabi ni Prince at nagmamadaling lumabas ng silid. Parang kagabi ay wala s'yang pakialam do'n sa lalaki pero ito s'ya ngayon at aligagang aligaga.

Naiwan kaming dalawa ni Ryu sa loob ng k'warto.

Naiilang akong napatingin sa kanya at halos tumalon ang puso ko nang makita ang matalim n'yang tingin sa 'kin.

"B—Bakit?" nauutal na sabi ko.

Napakislot ako nang tumayo s'ya at nagsimulang maglakad papalapit sa 'kin. Humigpit ang hawak ko sa bedsheet ng yumuko s'ya para ilapit sa 'kin ang mukha n'ya.

"You're trying to end our game?" mapaglarong sabi n'ya at ngumisi. Nalilito akong tumingin sa kanya. Ano'ng game ang sinasabi n'ya?

"H—Huh?"

Napakislot ako nang haplusin n'ya ang pisngi ko. "You don't want to play anymore?" makahulugang sabi n'ya. Lumiit ang mga mata ko. Play? Ano'ng play?

"H—Hindi kita naiintindihan. Ryu teka nahihirapan ako sa posisyon natin!" reklamo ko. Nakayukod kasi s'ya at sobrang lapit na ng mukha n'ya sa 'kin. Iniiwas ko ang mukha ko kaya nakatukod ang siko ko sa kama.

Bumaba ang tingin n'ya sa nanginginig kong mga braso. Tumaas ang kilay ko nang sumilay ang mapaglarong ngisi sa mga labi n'ya. Nanlaki ang mata ko nang bigla n'yang tabigin ang mga siko kaya nawalan ako ng suporta at tuluyang bumagsak sa kama kasama s'ya.

"Ryu!"

Nag-init ang pisngi ko dahil sa posisyon namin. Nakasuksok ang mukha n'ya sa leeg ko. Sinubukan ko s'yang itulak pero ang bigat n'ya.

"Ryu bumangon ka nga!"

Naramdaman ko ang paggalaw ng mga labi n'ya mula sa leeg ko. Napasinghap ako nang may maramdaman akong basang bagay sa balat ko.

"Hoy!"

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon