Chapter 41

608 21 7
                                    

Jaicy's POV

TINUPAD ni Ryu ang sinabi n'ya sa akin. Halos isang Linggo na s'yang hindi tumitigil sa pag-aalaga sa'kin. Ni wala na s'yang pakialam kung mapansin man iyon ni Tito Otep at Mama. Hindi rin tumitigil sa panunukso sa'min si Lei kaya naman unti-unti na rin akong nag-aalala na magselos si Prince.

Ilang beses ko nang sinabihan si Ryu na tumigil na. Ngunit titigan n'ya lang ako tapos ngingiti.

Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Natatakot na baka masanay ako sa mga ginagawa n'ya. Natatakot ako na baka hanap-hanapin ko s'ya.

Pitong araw na ang nakararaan nang sabihin sa 'kin ni Ryu ang isang Linggong panliligaw n'ya. Hindi na ako makapaghintay na matapos itong napakahirap na kalagayan ko. Alam ko naman kung sino ang dapat kung piliin at si Prince iyon. S'ya ang boyfriend ko. S'ya ang mahal ko.

Pero dahil sa ginagawa ni Ryu ay unti-unti na 'kong nalilito. Para s'yang isang masarap na pagkain na pinipigilan kong tikman.

Isang kaakit-akit na tukso.

"Here. I already chopped them for you."

Napatingin ako sa platong inabot sa 'kin ni Ryu. Nandito kami ngayon sa kusina. Ako kasi ang nakakotang magluto ngayon dahil nasa palengke si Mama at nagtitinda. Si Tito Otep at Prince naman ay umalis para sa gaganaping live interview ni Prince sa Maynila. Si Lei naman ay umalis kani-kanina lang. Sa tingin ko ay mambabae na naman iyon. Wala tuloy akong kasamang iba sa bahay kundi si Ryu.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kung hindi ako naiilang. Kanina pa nga ako pinagpapawisan dahil sa itsura n'ya. Wala ba namang suot na saplot sa pang-itaas. Kitang-kita ko tuloy ang magandang tanawin sa tiyan n'ya.

"S—Salamat..." nauutal na tugon ko.

Nanginig ang buong katawan ko nang haplusin niya ang braso ko. Para akong kinuryente na napalayo sa kanya. Puno naman s'ya nang pagtatakang tumingin sa akin.

"What's wrong?" tanong n'ya. Naiilang akong napaiwas ng tingin. Para akong tinutunaw ng mga mata n'ya. Ano ba'ng nangyayari sa 'kin? "Hey..." muling tawag n'ya at humakbang papalapit sa akin. "Did I do something wrong?" tanong n'ya at hinaplos ang pisngi ko.

Hindi ako sanay na ganito s'ya. Bakit ganito s'ya?!

"A—Ano ba! Amoy sibuyas iyong kamay mo," reklamo ko at tinaboy ang kamay n'yang nakadikit sa pisngi ko. Namumula akong bumalik sa pagluluto. Wala na akong naisip na ibang paraan para makawala sa makapigil hiningang pwesto namin kanina.

Minsan talaga ay naiisip ko kung sinasadya n'ya nang akitin ako. Palibhasa kasi ay alam n'yang may kakayahan s'yang paluhurin ako.

Bakit ba kasi ang rupok ko?! May mahal na akong tao pero lumalandi pa 'ko sa iba.

Hindi nakawala sa mata ko ang pagdilim ng mukha n'ya. Napansin n'ya siguro ang ilang araw ko nang pagsusungit sa kanya. Defense mechanism ko yata ito mula sa pang-aakit n'ya. Kung hindi kasi ako magre-react ng gano'n ay may posibilidad na magkatabi na naman ulit kami sa kama.

"Am I just wasting my time here?" Hindi na napigilan ni Ryu ang sarili at galit na akong kinompronta. "How will this work if you keep on pushing me away? You're not being true here, Jaicy. You're trying to block your feelings from me," bakas ang inis na wika n'ya. Kumunot ang noo ko sa narinig. Pinagsasabi n'yang block your feelings? Parang gusto n'yang palabasin na mahal ko na s'ya.

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon