Chapter 8

2.9K 133 16
                                    

Jaicy's POV

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano laruin ni Jane ang pagkalalaki ni Lei.

"Ahhh... Ughhh..." ungol niya habang inaalalayan ang ulo ng dalaga. Nakatuon ang atensyon nila sa kanilang ginagawa at hindi ako pinapansin.

Parang tinakasan ako ng boses ko at hindi ko magawang magsalita. Parang kanina lang ay si Ryu ang kausap n'ya.

Kung maaga bang nakauwi si Ryu ay 'yan din ang gagawin nila?

Bigla kong naalala ang bilin sa 'kin ni Tito. Nangako ako sa kanyang babantayan ko ang mga anak n'ya. Ano'ng gagawin ko?!

Sinubukan kong ibuka ang nanunuyot kong mga labi pero walang lumabas na boses mula sa 'king bibig.

"What?"

Napatingin ako sa gilid ko nang magsalita si Ryu. Nakapamulsa s'yang nakatingin sa 'kin. "You're having fun watching them?" nanunuyang saad n'ya habang blankong nakatingin sa 'kin.

Mabilis akong umiling. Sasagot pa sana ako nang bigla n'yang hablutin ang nanlalamig kong kamay. Kinaladkad n'ya ako paakyat at naiwan namin ang dalawang patuloy pa rin sa ginagawa nila.

Nakita ko ang sarili kong nakaupo sa kama n'ya. Tulala lang ako sa sahig at hindi alam kung ano'ng dapat i-react sa nangyari.

Hindi naman ako inosente sa gan'yang bagay. Nakabasa na rin ako ng mga erotikang pocketbooks pero iba pala talaga kapag nakasaksi ka sa personal. Ni hindi ko nagawang ilayo ang tingin ko sa kanila dahil sa sobrang gulat.

Napahawak ako sa dibdib kong parang sasabog na sa sobrang kaba.

"You're acting like you've never done it," malamig na wika n'ya. Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti.

"Hindi pa naman talaga," naiilang na sagot ko. Hindi nga ako pumapasok sa mga relasyon eh. Alam n'yo naman ang sitwasyon ko 'di ba?

Tumaas ang kilay n'ya sa sinabi ko. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang dumaang saya sa mga mata n'ya. Napaiwas ako ng tingin nang tumingin s'ya sa 'kin. Pinagmasdan ko ang nakamedyas kong mga paa.

Naiilang ako sa atmosphere ng k'warto ni Ryu. Gusto kong magpaalam pero hindi ko alam kung paano ako lalabas ng bahay nila. Sigurado akong madadaanan ko na naman 'yong dalawa at baka this time ay mas malala na ang ginagawa nila.

Baka gumagawa na sila ng baby.

Napatigil ako sa paglalaro ng mga kamay ko nang may tumapat na baso sa mukha ko. Tinaas ko ang tingin ko kay Ryu. Blangko pa rin s'yang nakatingin sa 'kin habang hawak ang isang baso ng tubig.

"Drink this and calm down. I'll bring you over to your house," walang emosyong saad n'ya. Ilang segundo rin akong nakatitig sa kanya bago ko naisipang tanggapin ang baso. Tahimik akong uminom ng tubig habang pinipigilan ang sariling mamula sa hiya.

That's...

That's thoughtful.

Hinatid nga ako ni Ryu sa bahay. Mabuti na lang at hindi na namin naabutan sina Lei sa sala. Lumipat na yata sila ng k'warto.

Pagpasok ko ng bakuran ay agad akong lumingon sa kanya upang magpaalam.

"S—Salamat," nakangiting sambit ko.

Tumango lang s'ya. Aalis na sana s'ya nang bigla s'yang humarap ulit sa 'kin.

"See you later."

"H—Huh?"

"Tita Olive's birthday party."

Napatango naman ako. Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol doon.

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon