Chapter 23

2.2K 102 5
                                    

Jaicy's POV

"Parang awa n'yo na pakawalan n'yo na po ako," naiiyak na pagmamakaawa ko. Wala akong makita dahil sa dilim ng lugar. Ang nararamdaman ko lang ay ang paggalaw ng kinauupuan ko. Mukhang nasa bangka ako.

"Parang awa n'yo na po!" sumisinghot na pakiusap ko. Lalong lumakas ang pag-iyak ko nang maramdaman ko ang paggalaw ng bangka. Rinig na rinig ko ang pagsagwan ng kung sino.

Pinilit kong ikapa ang nakagapos kong mga kamay. Tama nga ako. Nasa bangka kami. Pero sino sila at saan n'ya ako dadalahin?

Napasinghap ako nang may makapa akong mainit na bagay. Isang kamay! Isang maugat at malaking kamay.

"Ryu?" mahinang tawag ko. Hindi s'ya sumagot kaya bumalik na naman ang nerbyos ko. Parang wala s'yang malay.

"Kuya parang awa n'yo na pakawalan n'yo na po kami. Hindi naman po namin tatakasan 'yong—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang tanggalin ng lalaki 'yong sako sa ulo ko.

"Narito na tayo ma'am," nakangiting sabi n'ya. Kumunot ang noo ko. Narito saan?

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at bahagyang kumislap ang mata ko sa mangha dahil sa ganda ng dinner setup sa pangpang. Parang nasa maliit na isla kami. Agad kong tiningnan si Ryu na tulog nga sa tabi ko.

"Kuya ano po'ng nangyayari? Sino po kayo? Bakit n'yo po kami dinala dito?" sunod-sunod na tanong ko habang binubuhat n'ya si Ryu papunta ro'n sa isla. Napanganga ako nang makita ang malaking tent sa gilid. May kama sa loob.

"Hindi n'yo ako kilala?" nakakunot noong tanong nito. Napaawang ang bibig ko nang mapagmasdan ko ng husto ang mukha n'ya. S'ya 'yong matandang lalaki kanina! 'Yong kausap n'ong babaeng tumuro kay Ryu at Stacy.

"Naku! ma'am. H'wag na po kayo mahiya. Kayo nga ang nagpa-setup sa 'kin n'yan. Pinilit n'yo ako kahit na sinabi kong may parating na bagyo. Tuwang-tuwa pa nga kayo dahil mas magtatagal kayo rito sa isla ng kayong dalawa lang dahil sa bagyo," natatawang sagot ng matanda. Lalong kumunot ang noo ko dahil sa kaka-ma'am ni kuya at sa sinasabi n'yang ako ang nagpa-setup nito.

"Nagkakamali po kayo—"

"Kailangan ko na pong umalis at baka lumakas pa ang alon. Balikan ko na lang po kayo bukas," nakangiting paalam nito at bumanat ng sakay sa bangka.

Naiwan akong nakatulalang nakatayo habang pinapanood s'yang magsagwan palayo.

Ano na'ng gagawing ko ngayon?

Nag-aalala akong napatingin kay Ryu na wala pa ring malay ngayon. Nasa loob s'ya ng tent at tulog na tulog.

Pinagmasdan ko ang mga nakahandang pagkain sa lamesa. May ilang gamit din sa loob ng tent. Mukhang pinaghandaan talaga.

Hindi kaya si Stacy 'yong tinutukoy ni kuya kanina? Baka imbes na 'yong babaeng 'yon ang makita n'ya ay ako ang aksidenteng naturo n'ong babae kanina dahil sa biglang pag-eksena ko.

Oh no...

Sigurado akong hahanapin kami nina Prince!

Luminga-linga ako sa paligid pero bigo akong makakita ng bangka. Kahit balsa man lang sana. Mukhang plano talaga ng Stacy na 'yon na magpaabot ng umaga dito kasama si Ryu.

"Aghh."

Agad akong napatingin sa loob ng tent nang marinig ko ang pagdaing ni Ryu. Nag-aalala akong umupo sa kama at kinumusta ang lagay n'ya.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa 'yo?" sunod-sunod na tanong ko. Kunot noo s'yang tumingin sa 'kin at sa paligid.

"Where the hell are we?"

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon