Chapter 6

3K 146 0
                                    

Jaicy's POV

Ito ang unang beses na sumabay sa 'min sa pagkain si Ryu. Kampante pa ako kanina na makakakain ako ng maayos dahil lagi naman s'ya nagpapahuli pero ngayon pa n'ya talaga naisipang sumabay sa amin.

Ngayong naiilang ako ng sobra sa presensya n'ya.

Naiilang akong sumulyap sa katabi ko. Tuloy lang s'ya sa pagkain na parang walang nangyaring nakawiwindang kanina. Hindi ko tuloy maiwasang mainis sa sarili ko dahil parang ako lang ang hindi makalimot sa nangyari.

Baka kasi iniisip n'ya na normal lang naman 'yon dahil pareho naman kaming lalaki. Isa pa ay magkababata pa kami. Ilang beses na kaming sabay na naligo sa dagat ng hubo't hubad. Sabay pa kaming nagpatuli.

Pero hindi naman lumaki ng gano'n kalaki 'yong akin.

Agad nanlaki ang mata ko nang bigla s'yang tumingin sa 'kin. Nag-iwas ako ng tingin at nagkunwaring nakikinig sa pagkukuwentuhan ni Lei at Mama.

"Hindi ba masakit iyang mga tattoo mo, Ryu?" tanong ni Mama sa katabi ko. Mukhang nagulat pa ito dahil bigla s'yang napansin.

"No," matipid na sagot n'ya.

"Naku! Aba'y kabaligtaran ka nitong si Lei na ubod ng daldal. Parehong-pareho kayo ng kapatid mong si Prince," komento ni Mama na hindi na tinugon ni Ryu.

"Hayy... Nakarating na kaya ng Maynila at tatay ninyo?"

Napuno ng katahimikan ang hapag sa naging tanong ni Mama. Wala kasi kaming paraan para makausap si Tito dahil walang signal sa lugar namin. Kailangan pang bumaba ng palengke para makatawag sa pinakamalapit na payphone sa amin.

"Hanggang kailan lang daw ba kayo dito?" basag ni Mama sa katahimikan. Napatawa na lang ako sa kadaldalan ni Mama. Kahapon pa s'ya walang tigil sa kakadaldal.

"Two months, Tita. Baka po umuwi na kami kapag nagsimula na ang school ni Jaicy," nakangiting sagot ni Lei.

Saglit lang pala sila dito. Hindi ko naman sila masisisi dahil matagal na silang nagsettle sa ibang bansa. Nandoon ang mga bagong kaibigan, eskwelahan at bahay nila. Doon na talaga sila nakatira. Nagbabakasyon na lang sila sa bayan namin.

Napatingin kami kay Ryu nang bigla s'yang tumayo. "Thank you for the meal," paalam n'ya at saka lumabas ng kusina.

Tumingin sa 'kin si Mama. "Ipasyal mo kaya si Ryu. Kailangang masikatan ng araw ang batang 'yon," utos ni Mama sa 'kin na ikinabusangot ng mukha ko.

Iniiwasan ko nga s'ya eh.

"Good idea Tita," nakangiting sulsol pa ni Lei na lalong kinainis ko. Pahamak din ang isang 'to. Pakiramdam ko tuloy ay sinadya n'ya ang pangyayari kanina.

Pinanlakihan ko s'ya ng mata pero nginisian n'ya lang ako. Palihim kong sinipa sa ilalim ng lamesa ang paa n'ya.

"Aw!" daing n'ya.

"Bakit iho?" nagtatakang tanong ni Mama kay kumag.

"Wala po. Kinagat lang ako ng malaking langgam," pagsisinungaling n'ya at nanlolokong sumulyap pa sa akin. Lihim akong napairap. Patay talaga s'ya sa 'kin oras na makaalis s'ya ng hapag kainang ito.

Nagpresintang maghugas ng pinggan si Mama. Nagpupumilit pa nga ako na ako na lang pero hindi s'ya pumayag. Gumayak na raw ako para ayain si Ryu upang mamasyal.

Handa na ang daliri ko para kurutin ang pilyong si Lei.

"Aray! Aw! Hoy! Ang sakit!" sunod-sunod na daing n'ya habang hinahabol ko s'ya ng kurot. Tumakbo s'ya paakyat sa kama n'ya habang hinihimas ang kinurot kong braso n'ya.

"Nakakainis ka talaga! Hanggang ngayon ay inaasar mo pa rin ako!" malakas na reklamo ko sa kanya at binato s'ya ng unan na sumapol sa mukha n'ya.

Sinasabi ko na nga ba't sinadya n'ya ang nangyari kanina. Inamin n'ya sa 'kin na sinadya n'yang pagsalubungin kami sa k'warto ni Ryu. Kahit kailan talaga. Argh!

"Hahaha! S—Sorry na. Hoy! Tama na! Masakit na ah! Makakatikim ka na sa 'kin!" banta n'ya.

Akala naman n'ya ay matatakot ako. Oo nga't malaki ang pangangatawan n'ya pero alam kong hindi n'ya ako magagawang patulan. Kahit tadtarin ko pa ng kurot ang malalaki n'yang mga braso ay magsisilbi pa 'yong reward n'ya dahil tagumpay na naman ang pang-aasar n'ya sa 'kin.

Akmang ibabato ko muli sa kanya ang hawak kong unan nang hulihin n'ya ang mga kamay ko.

"I told you to stop," seryosong saad n'ya. Bahagya pa akong nagtaka sa biglang pagbabago ng mood n'ya pero mas nangingibabaw ang asar ko sa kanya.

Inis kong inagaw ang kamay ko sa kanya pero hindi n'ya binitawan ang mga ito. Sa halip ay lalo pang humigpit ang hawak n'ya sa mga kamay ko.

"Bitawan mo ko. Isa!" nagbabantang bilang ko pero ngumisi lang s'ya. Para na akong ewan na nakataas ang mga kamay sa ere habang nakatingala sa kanyang nakatayo sa kama n'ya.

"Dalawa!"

Unti-unting binalot ng kaba ang puso ko dahil sa inaasta n'ya. Nanatili pa ring nakangisi ang mga labi n'ya habang nakatingin sa 'kin. Sinubukan kong basahin ang mga mata n'ya at purong kapilyuhan ang nakikita ko sa mga ito.

"Lei hindi ako nagbibiro. Tatlo!" iritang saad ko habang nagpupumiglas nang bigla n'ya akong hilahin palapit sa kanya. Sunod ko na lang naramdaman ay ang malambot na bagay na nakadikit sa pisngi ko.

"Oww... Ang cute mo d'yan," rinig kong komento n'ya.

Nanlalaki ang mga mata kong nilayo ang sarili sa gitnang bahagi ng katawan n'ya.

"Hahahaha!"

Napuno ang apat na sulok ng silid ng baritonong tawa n'ya. Gusto ko s'yang kutusan dahil sa ginawa n'ya pero tila nanlalambot ang mga tuhod ko sa sobrang hiya.

Bakit ganito ang epekto n'ya sa 'kin?!

"Hahahaha!"

Wala pa rin s'yang tigil sa pagtawa. Gusto ko nang hagisan ng holen ang nakabukang bibig n'ya pero pinigilan ko ang sarili ko.

Malunok sana n'ya ang dila n'ya.

"Ouch!" daing n'ya nang hampasin ko ang braso n'ya. Umalis ako ng k'warto n'ya na pulang pula ang mukha.

Muntik pa akong atakihin nang magbukas rin ng pinto si Ryu. Ilang segundo rin s'yang nakatitig sa 'kin nang mapagpasyahan kong sabihin sa kan'ya ang bilin sa 'kin ni Mama.

"G—Gusto mong mamasyal?"

Palihim kong kinurot ang sarili nang mautal ako. Nakakahiya talaga ako!

Tumaas ang dalawang kilay n'ya sa sinabi ko. Saglit na katahimikan ang namagitan sa amin at unti-unti ko nang nahihinuha ang magiging sagot n'ya.

Malamang ay tatanggi—

"Okay."

Huh? Mali yata ang rinig ko.

"S—Sasama ka?"

"Yes."

"S—Sigurado ka?"

"I said fucking yes already," inis na sagot n'ya.

Nag-init ang mga pisngi ko. Masungit s'yang nag-iwas ng tingin at naunang bumaba ng hagdan.

Habang naiwan akong nakatulala sa pinto ng k'warto n'ya kung saan s'ya nakatayo kanina.

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon