Chapter 28

2.2K 98 25
                                    

Jaicy's POV

Napasigaw na lang ako nang biglang suntukin ni Ryu si Maximo.

"RYU!"

Parang wala itong narinig at tinilapid ang lalaki kaya bumagsak ito sa buhangin. Sinakyan n'ya ang kawawang lalaki at pinaulanan ng maraming suntok sa mukha. Natulala naman si Lei at parang hindi alam ang gagawin.

Nagmamadali akong bumaba ng jet ski at pinigilan s'ya.

"Ryu, tama na! Ano ba!" malakas na sigaw ko. Buong pwersa ko s'yang tinulak papalayo kay Maximo. Duguan na ang buong mukha n'ya. Jusko!

Buhay pa ba s'ya?

"Caballo loco," daing ng kawawang lalaki. Nakahandusay ito sa pangpang at puno ng sugat at pasa. Tutulungan ko sana itong tumayo nang biglang may humila sa braso ko.

Si Ryu.

"What the hell, man!" malakas na bulyaw ni Maximo sa katabi kong halos pumutok ang mga ugat sa sobrang galit. "Ano'ng problema mo?"

Humigpit ang hawak sa 'kin ni Ryu nang tumayo ito.

"Crees que no te puedo entender?" nanunuyang sagot ni Ryu. Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Marunong s'ya mag-espanyol?

Bakas ang gulat sa mukha ng dayuhan. Napaiwas pa ito ng tingin. Ano'ng sinasabi nila?

"Mira esa boca sucia tuya. Podría matarte la próxima vez."

Nakatatakot ang tono ng boses ni Ryu habang pinapakawalan ang mga salitang 'yon. Hindi nakaligtas sa mata ko ang dumaang takot sa mukha ni Maximo. Namutla ang morenong balat n'ya.

Walang paalam s'yang umalis at iika-ikang naglakad patungo sa malapit na lifeguard house.

Gulat akong napatingin sa lalaking mahigpit ang hawak sa 'kin ngayon. Halos magdugtong ang kilay n'ya sa sobrang kunot ng noo n'ya. Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Maximo kanina pero isa lang ang sigurado ako. Ginawa 'yon ni Ryu para ipagtanggol ako.

"Jaicy!" nag-aalalang tawag ni Prince. Kinuha n'ya ako mula kay Ryu. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Okay lang ako. Si Maximo baka kung napaano 'yon."

"Ano ba kasing nangyari, bro? Bakit naman bigla kang nanapak d'yan?" nagkakamot ng sentidong tanong ni Lei. Napatingin ako kay Ryu. Tahimik lang s'yang nakatingin sa 'min ni Prince at hindi sumasagot.

Napabuntong hininga na lang ako nang bigla s'yang maglakad palayo.

"He's so dead. I heard na may nakasuntukan din 'yan kagabi. Ano naman kayang dahilan ngayon?" naiiling na sabi ni Lei habang pinagmamasdan ang papalayong kapatid. Awtomatikong nanlaki ang mata ko sa narinig. Ako rin ang dahilan kung bakit s'ya nakipagsuntukan kagabi.

Paniguradong babatuhin nila kami ng maraming tanong oras na malaman nilang ako ang dahilan n'on. Sigurado rin akong magagalit si Prince dahil nagsinungaling ako sa kanya.

"I guess cancelled ang jet skiing natin. Balik na kayo sa hotel. Ako na'ng bahala dito," mahinang usal ni Lei at nakangusong pinagmasdan ang mga hindi nagamit na jet ski.

"Are you sure you're okay?"

Napatigil ako sa panonood ng TV dahil sa tanong n'ya. Nandito kami sa loob ng k'warto imbes na nagtatampisaw sa dagat. Sabi n'ya kasi ay sobrang init daw. Gusto ko sana magswimming pero ayaw ko naman s'yang iwan dito mag-isa.

"Oo naman. Nag-aalala lang ako kay Ryu," sagot ko. Mapakla s'yang ngumiti at sumubo ng popcorn.

"Close na kayo ni Ryu?" nakatitig sa TV na tanong n'ya.

"Oo naman. Dati pa naman kami close 'di ba?"

"Kita ko nga."

Tumaas ang dalawang kilay ko dahil sa tono ng boses n'ya. Para s'yang batang inagawan ng kendi.

"Nagseselos ka ba?" nagtatakang tanong ko.

"No."

Napangiti ako dahil sa inaakto n'ya. Ewan ko ba pero kinikilig ako. Ibig sabihin ba ng pagseselos n'ya ay mahal na mahal n'ya 'ko?

"I'm just worried. He always gets himself in trouble and ayaw kong masali ka sa mga gulong pinapasok n'ya."

Nawala ang ngiti ko sa sunod na sinabi n'ya. Parang bulang biglang nawala ang kilig sa katawan ko.

Hindi ko gusto ang tono ng salita n'ya. Hinuhusgahan ba n'ya si Ryu?

Wala sa sarili kong nababa ang hawak kong popcorn at tumayo. Ayoko muna s'yang makita. Naiinis ako sa hindi ko malamang dahilan. Bakit ba kasi kailangan pa n'yang sabihin kay Ryu 'yon? Ni hindi man lang n'ya inaalam ang dahilan kung bakit napapasok sa gulo ang kapatid n'ya.

He did it to protect me.

Proteksyon na hindi n'ya mabigay sa 'kin.

"Hey, where are you going?" nalilitong tanong n'ya. Hindi ako sumagot. Basta na lang akong naglakad palabas ng pinto. Bahala s'ya riyan.

Natagpuan ko ang sarili sa may pangpang at nakatingin kay Ryu. Hindi ko alam kung paano ko s'ya natagpuan dito. Parang may taling humihila sa 'kin palapit sa kanya. Ni hindi ko nga alam na dito ko pala s'ya natagpuan.

"Dumudugo ang kamay mo," puna ko. Napataas s'ya ng tingin sa 'kin. Bakas sa mukha n'ya ang gulat. Mukhang hindi n'ya inaasahan na lalapit ako sa kanya matapos ang pangyayari kanina.

Nakangiti akong umupo sa tabi n'ya. Para pa rin s'yang estatwang nakatingin sa 'kin.

"Salamat kanina. Hindi ko gusto ang ginawa mo kay Maximo pero alam kong ginawa mo 'yon para sa 'kin," mahinang saad ko.

Hindi s'ya umimik. Nakatitig pa rin s'ya sa 'kin. Tahimik kong pinagmasdan ang magandang view sa harapan namin. Napakaromantiko ng paglubog ng araw. Perpektong oras para ibigay sa kanya ang tanong na ito.

"Ryu, gusto mo ba 'ko?"

Sinalubong ko ang mapungay n'yang mga mata. Kitang kita ko ang paglaki ng itim ng mata n'ya dahil sa ginawa ko. Bumaba ang tingin n'ya sa nakatikom na labi ko.

"Will it change anything if I say yes?" mababang boses na sagot n'ya. Napaawang ang bibig ko sa sinabi n'ya.

May magbabago nga ba?

"Don't ask for an answer you can't take. You'll end up confusing yourself," blangkong saad n'ya.

Binalik n'ya ang tingin sa kulay kahel na kalangitan. Natahimik ako sa sinabi n'ya. Sagot na hindi ko kayang matanggap?

"Paano kung kaya ko?" Napatigil s'ya sa sinabi ko. "Paano kung kaya kong tanggapin ang sagot na ibibigay mo?" naghahamong tanong ko.

Diretso s'yang tumingin sa mga mata ko. Naghahalo ang mga emosyon sa mga mata n'ya. Hindi ko na s'ya mabasa. Napamaang ako nang bigla s'yang ngumisi.

"Then be my guest."

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon