Chapter 21

2.2K 108 5
                                    

Jaicy's POV

Tinotoo ni Ryu ang sinabi n'ya kanina. Hindi na s'ya bumalik no'ng lumabas s'ya ng room. Naiwan ako sa tulog na si Prince.

Mahimbing pa rin ang tulog n'ya habang ako naman ay hindi mapakali sa tabi n'ya. Hindi ko maiwasang huwag mag-alala kay Ryu. He has plans? Saan? Kanino? May kilala ba s'ya dito?

Napasulyap ako sa malaking orasan. Alas dose.

Hindi talaga s'ya babalik dito?

Naiinis kong nakamot ang kilay ko. Bakit ba kasi ako hindi mapakali? Ano naman ngayon kung hindi s'ya dito matutulog? Nineteen na s'ya kaya kaya na n'ya ang sarili n'ya. Pero bakit gano'n? Bakit parang ang bigat ng dibdib ko?

"Asar..." mahinang bulong ko. Napatingin ako sa tulog na si Prince. Kahit siguro magkaroon pa ng lindol ay hindi s'ya magigising.

Dahan-dahan akong bumaba ng kama. Maingat ang bawat yapak ko habang inaabot ang duplicate key ng k'warto.

"Babalik ako agad," kausap ko sa tulog kong boyfriend. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at lumabas.

Parang naibsan ang bigat ng dibdib ko nang makalabas ako ng k'warto. Hindi ko rin alam kung ano bang iniisip ko at lumabas pa 'ko ng dis oras ng gabi. Hindi ko maintindihan pero parang nasasakal ako sa loob sa hindi malamang dahilan. Baka namamahay lang ako.

Maliwanag pa rin naman sa resort kahit na gabi na. Marami pa ring tao na kalimitan ay mga ka-edad ko lang din. Grupo sila kung dumaan sa harapan ko kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya. Halos lahat sila ay naka-swimwear samantalang ako ay naka-pajama.

"Witiwit!" sipol ng isang lalaki. Nagtataka akong napatingin sa kanya pati sa mga kasama n'yang biglang nagtawanan. Nakatingin silang lahat sa 'kin. Ano'ng nakatatawa?

Hindi ko na lang pinansin ang mga nakangisi nilang mukha at nilagpasan na lang sila. Parang mga tanga.

Namilog ang mga mata ko sa nakitang kasiyahan sa may pangpang. Ang daming tao. Dumagundong sa tainga ko ang malakas na musika. Halos lahat sila ay naka-swimwear at hindi alintana ang lamig ng simoy ng hangin.

Napatingin ako sa babaeng proud na sinasayaw ang seksing katawan n'ya sa dagat ng mga tao. Ang ganda n'ya.

"Drinks, ma'am?"

Napatingin ako sa isang lalaking lumapit sa 'kin. May dala s'yang tray kung saan nakalagay ang iba't ibang klase ng drinks. Tinitigan ko ang inaabot n'ya sa 'king baso. Kulay blue 'yon na may maliit na payong sa gilid.

"Libre ba 'to?" namimilog ang matang tanong ko sa kanya. Napatawa s'ya ng mahina.

"Yes, ma'am." Lumabas ang magkabilang dimples n'ya sa pisngi. Ngumiti rin ako at tinaggap ang inaabot n'yang baso. Agad din s'yang umalis at iniwan ako sa mga nagsasayawang mga tao.

Pinagmasdan ko ang hawak kong drinks. Inamoy ko muna ito bago tinikman. Agad umasim ang mukha ko sa kakaibang lasa ng inumin. Ramdam ko ang pagguhit nito sa lalamunan ko. Muntik pa 'kong maduwal.

"Party! Party!" malakas na sigawan ng mga tao habang sabay-sabay na sumasayaw sa tugtog ng musika.

Nilibot ko ang tingin ko sa lugar. May mga sulo na nakapalibot sa parteng ito ng resort. May maliit na stage sa gitna kung saan ko nakita 'yong magandang babae kanina. Sa gilid naman ay may mahahabang lamesa kung saan nakalagay ang mga pagkain.

Napaatras ako nang biglang bumuga ng apoy 'yong babaeng performer sa gitna ng crowd.

Ang galing!

Kahit masama ang lasa ng drinks na hawak ko ay muli ko itong ininom. Bahagya nang gumagalaw ang katawan ko dahil nakadadala ang paghataw ng mga tao. Halos lahat sila ay masayang nagsasayawan at nagsisigawan. Unti-unting kumurba ang ngiti sa mga labi ko.

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon