Guardian Angel
Mon 05:27
Guardian Angel
Whazzup im back
Words of affirmation for today:
You matter.
Not just solid, liquid, gas, and (plasma) state but you matter
Francis
sa lahat ng pwedeng isend bat yan pa?
affirmation i mean. marami namang ibang pwedeng pag usapan pero yan sinesend mo
Guardian Angel
Trip ko lang haha
But yoww gising ka na. Kelan ba kita madadatnan nang di ka agad nagrereply
Francis
2 araw pa lang buhat nong nagchat ka sakin
Guardian Angel
Sabagay hahahaha pero at least naka 2 times in a row ka na. Aga aga nagccp ka
Francis
ikaw din naman
Guardian Angel
Oo nga no hahahaha
Anyways, actually inspired ako sa friend ko. Mahilig yun magtweet ng psychological facts noon. At hilig ko ring basahin ang mga yun kaya ayan, thats words of affirmation for you
Francis
psychology?
Guardian Angel
Yep. Just random tweets
she already stopped doing it though
And speaking of affirmation, naisip ko lang na baka kailangan mo non
You know, teenage crisis so kailangan ng motivation
Francis
boring na. ttysol
Guardian Angel
Hala waittt
Bored ka ba sa pinag uusapan natin?
✓seen05:32
Guardian Angel
How bout me? Di mo ba huhulaan kung sino ako?
Francis
Talking to you is fine
but knowing who you are is a waste of time
Guardian Angel
Ay ang taray. Makata ka pala hahahaha
✓seen05:35
Guardian Angel
Ito na nga iibahin na yung topic
Anong paborito mong almusal?
Para san?
Francis
bat mo tinatanong?
Guardian Angel
Tmi hahaha. Malay mo maganda yung suggestion mo tapos maging fav ko na rin. Di pa naman ako mahilig mag almusal
Pasagot na lang haha eme wag ka sana mabored
Francis
marami
Pansit at pandesal
Champorado tuyo
Lugaw tokwa
O kaya tapsilog/ tosilog
Guardian Angel
Ohhh ang sososyal naman. ayaw mo longsilog o kaya bangusilog?
Francis
sakto lang
Guardian Angel
Sinong nagluluto almusal mo?
Francis
Cook namin
minsan bumibili lang sa tapat ng bahay
Guardian Angel
Ahh
So mahilig ka sa combo? Puro combo pagkain mo e walang isahan lang
Francis
depende
Guardian Angel
Gusto mo banana split? Saging at ice cream haha
Francis
fav ko rin yon
Guardian Angel
Weh fav daw pero nakalimutan banggitin
Francis
sabi mo almusal. dessert ang banana split
Guardian Angel
Oo nga pala. Sabi ko nga kulang lang ako sa kain ng almusal HAHAHA
ano almusal mo ngayon?
Francis
ewan ko pa
Guardian Angel
Asan ka ba?
Francis
kwarto
Guardian Angel
Tapos ka na maligo?
Francis
anong pake mo?
Guardian Angel
Nagtatanong lang ako pero bat parang galit ka? Bat parang kasalanan nang magtanong
Hahahaha joke
✓seen05:42
Guardian Angel
Ay wala na. Bored ka na naman
Anyways nagbibiro lang ako kanina kaya wag mo sanang masamain
Ttysol baka naliligo o kumakain ka na pala
✓seen
YOU ARE READING
Forgotten (Spin-off)
Randomdaily dose of affirmation from a stranger... but with a twist. [I thought it was a fairytale spin-off] Date written: 08-07-22 Date published: 08/31/22 ‐ 09/05/22