Day 67

9 1 3
                                    

Guardian Angel

Wed 18:34

Guardian Angel

Naaalala mo yung sinabi mong di ka magkakagusto sakin? Panindigan mo yun

Francis

things can change. mga gawi ko nga nagbago, yung gusto ko pa kaya? mas madali naman yatang magkagusto kaysa baguhin ang nakasanayan

Guardian Angel

O baka naman nagloloko ka lang din sa parteng yun?

Francis

ha? anong problema mo? masama ba gising mo kanina

o masama ang araw mo

Guardian Angel

Magiging prangka na ako kasi ayoko nang tumagal ang pag uusap natin

Nagtanong ako kay ange tungkol sayo kasi nag iingat lang ako bago magpakilala sa personal. Noong una di siya pumayag kasi private matter yun pero nung pinakita ko yung ibang convo natin at nalaman niyang gusto mokong makita sa personal, nagsabi siya ng ilang bagay tungkol sayo

Di niya idinetalye pero ang sabi mas lumala pa ang ugali mo. Dumating daw sa puntong pinagbabawalan ka magphone pero sinusuway mo kaya nagsumbong sila kay ange at nanghingi ng tulong

Francis

dahil kachat kita non. kailangang online ako lagi

Guardian Angel

Nanisi pa nga ang gago. Hayup kaya pala ang bilis mong magreply kahit akala ko busy ka sa ibat ibang gawain

Lalo rin daw bumaba school performance mo at nagiging lutang at bangag ka raw sa klase. Hanep ano bang pinaggagawa mo sa buhay mo?! Gaming? Pagbababad sa net? Ikabubuhay mo ba yan?!

Francis

im still alive atm

Guardian Angel

Buang dahil yun sa lolot lola mo

May nakikita akong ibang umaangat sa paglalaro at natututo sa internet pero mukhang iba yung sayo. Imbis na umayos ay lalo ka pang lumala

Umamin ka, lahat ba ng ipinagmamalaki mo saking activities na ginagawa mo kasinungalingan lang? Sinasabi mo lang yon para magpaimpress o para mauto ako?

Yung pagluluto mo

Francis

i dont cook

Guardian Angel

Pagmamaneho

Paglilinis mo ng bahay

Francis

may katulong kami

Guardian Angel

Pag aaral mo ng italian at french

Pagbabasa mo ng bibliya

Pakikipaghang out sa tropa mo

At lahat ng iba pang ipinagmamalaki mong dahilan kung bat ka na produktibo

Akala mo may nagbago sayo buhat noong nakilala ko. You are just the same immature boy i met a few months ago

Ay may nag iba pala sayo— naging sinungaling ka para maprotektahan yung paglalaro mo at pagiging adik sa internet

Francis

thats what you call hitting two birds in one stone. makikita kita sa personal kahit ginagawa ko pa rin ang mga bagay na gusto ko

Guardian Angel

Totoy di ganyan umiikot ang buhay. May mga bagay na hindi mo kayang kunin nang magkasabay, lalo na kapag kasunduan. It's either kailangan mong magsakripisyo o may kailangan kang bitawan

Francis

buhay ko to kaya ako ang may kontrol nito

galit ka na nyan? pinoproblema mo pa yan

Guardian Angel

Hindi. In fact nalulungkot ako

Francis

dahil niloko kita? akala ko ba di moko gusto

Guardian Angel

Hambog, hindi. Nalulungkot ako para sayo at di dahil sayo. Hanggat ganyan ang asal mo, mas lalo kang babaon imbes na babangon. Hindi sa pagiging pessimist pero yan ang nakikita ko sayo

Sakto kumakain ako ng yanyan. Para sakin yata to

Buti nalang nasabihan ako ng kaibigan ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Buti nalang nasabihan ako ng kaibigan ko. Akala ko kasi ako lang ang di mo kilala, mukhang ikaw pala ang mas di ko kilala

At dahil mukhang di ka madadala sa affirmation, wala na ring saysay na magsend ulit ako sayo

Francis

how about our deal. its not like im a criminal or something. gusto ko lang magpakilala

Guardian Angel

Ang lakas ng apog mong magtanong. Mismong ikaw nga di sumunod, ako pa kaya

And francis let me tell you this. Kung di ka magbabago ngayong shs, itaga mo sa bato mas mahihirapan kang pumasok sa kolehiyo o maghanap ng trabaho

And who knows, baka mga pamana lang sayo ng grandparents mo ang magkakaroon ka at wala kang maipundar para sa sarili mo at sa kanila

And who knows, baka mga pamana lang sayo ng grandparents mo ang magkakaroon ka at wala kang maipundar para sa sarili mo at sa kanila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Forgotten (Spin-off)Where stories live. Discover now