Day 52

8 1 4
                                    

Guardian Angel

Tue 11:45

Guardian Angel

Musta na francis? Huling balita mo sakin sabi mo busy ka sa crossword puzzle pati yung sa upuan. Tas nagchachat ka rin ng italian/french phrases. I guess nag aaral ka pa rin non

so proud of you besh *sending hugs and hearts*

12:05

Francis

credits to you natuto ako sa mga gawaing bahay

15:58

Guardian Angel

hala uy wag mo ako bigyan ng credits kasi di kita tinuruan  ng mga gawaing bahay haha. Sinuportahan lang kitang maging productive at masaya na akong unti unti mo yong nagagawa

16:06

Francis

deserve mo pa rin ng credits. who knows na ang bagay na kinaadikan ko ang makakatulong sakin na magbago. but ofc with the help of a person, you. mas nakatulong sakin yung internet world buhat noong nagchat ka sakin

Guardian Angel

Aww nakakataba ng puso beshhh. And yep, it is always a person, di lang sarili mo.  Tama nga yung sinasabi nilang no man is an island. At minsan, di mo talaga kailangan ng doktor, kailangan mo lang ng emphathic friend/family na maaasahan

Francis

agree

Guardian Angel

I guess this works for you, "There is nothing I am not able to overcome." Naoovercome mo na yung cyber addiction mo

Franciss

yep

Guardian Angel

💖

Francis

bagal mong magreply tas yan lang pala sagot mo

Guardian Angel

Busy pa rin ako haha

Francis

ah okkk

so kailan talaga pwede magkita? kung classmate o schoolmate kita, pwede siguro tayong magmeet kapag lunchbreak. ano sa tingin mo

Guardian Angel

Sinisingit mo talaga yan lagi no? Hahahaha

Idk pa pero soonest siguro. Depende sa sched ko

Francis

ano ba sched mo
✓seen

16:48

Francis

pansin kong private ka talagang tao

kung ayaw mong magsabi ng tungkol sayo, pwede pasabi na lang sakin kung bakit ka nag initiate na ichat ako at bakit ako mismo ang pinili mo

at bat guardian angel ang pangalan ng dummy accounr mo. di ka naman siguro maysakit na may taning na ang buhay di ba

ps ireremind pang kita sa deal natin

and ireremind ko lang din na ang laki ng pinagbago ko dahil sayo.  natutuwa na sakin kamo sina lolo at lola haha thank youu

can we really meet

Forgotten (Spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon