Day 17

7 1 7
                                    

Guardian Angel

Tue 04:49

Guardian Angel

Slrrr nabusy ako kahapon kaya di na ako nakapagchat ulit

Yung napapansin na lang. May napapansin ka ba sa grandparents mo?

05:17

Francis

lagi silang may trabaho at lagi rin akong nasa kwarto

Guardian Angel

E di di kayo close?

Francis

close naman. Sila na kasama ko since elem

Guardian Angel

Ahh

Nakakalaro mo?

Francis

dati oo

Guardian Angel

Ngayon?

Francis

malamang di na. halata naman sigurong di sila maalam sa gadgets

Guardian Angel

Masaya naman ba sila?

Francis

oo. kita pa nga yung pustiso nila lagi, insecure ako hahaha

Guardian Angel

Bat ka naman maiinsecure?

Francis

ang daming sungki ng ngipin ko

Guardian Angel

Tingting din katawan ko at di sexy kahit matangkad pero masaya ako

Francis

magkaiba tayo

09:27

Guardian Angel

Alam ko

Love your flaws ika nga. Para wala na sila masabi tungkol sayo at kung may masabi man, wala ka nang pake ron

12:11

Francis

life lesson again. nabuburyo na ako

Guardian Angel

LAST na life lesson na HAHAHA

I heard it somewhere, about ulit sa lolo't lola. Ambilis mo kasing magsegway ng usapan hahaha

Francis

ano na naman yan

Guardian Angel

Sana malaman mo ang genuine happiness na di limitado sa technology

Like you know, di uso phone nong panahon ng lolot lola natin pero masaya sila. Kahit na wala silang picture, marami naman silang pabaong kwento na di nila nalilimutan hanggang ngayon. At bakas din sa mga mata ang emosyon habang kinukwento ang mga yon

Francis

then, pareho tayo ng henerasyon

Guardian Angel

Eh??

Francis

sabi mo lolot lola NATIN

paniguradong close ang age gap natin

Guardian Angel

Anak ka ng lolot lola mo 🤦‍♀️🤦‍♀️🤦‍♀️sa lahat ba naman ng sinabi ko yan pa ang napansin mo

Francis

hahaha what can i do? i keep on getting bored at our convo

lalo na sa life lessons mo

14:50

Guardian Angel

Sorry ha ang lakas kasi maka LOLA ng advice ko. O ano? Pareho pa ba tayo ng henerasyon?

16:07

Francis

oo. di ganyan ang pananalita ng lola ko. and i doubt may ibang lola pa na magka interes sakin

Guardian Angel

Alam mo ang talino mo. Dapat naging detective ka nalang

Francis

sus para yun lang

Guardian Angel

O kaya sagot ka puzzles para di mangalawang utak mo hahaha

Francis

gumagana rin naman utak ko sa laro

Guardian Angel

Or reading mystery genre book

Francis

im not into those things

Guardian Angel

O kahit anong activities bukod sa laro.

Francis

And speaking of activities, im thinking of trying to be a plantito hahaha. bumili na naman si lolo ng bagong plant seed

Guardian Angel

Nice nice maganda yon nakakalift ng spirit at energy

Di ko sinasabing pangit maglaro kasi ako rin naman naglalaro minsan. Pero iba kasi ang game addict, sobra sobra na yun

Francis

pano mo nalamang game addict ako?

maliban sa pamilya ko, mga kaklase (maybe), teachers, at psychologist ko lang ang nakakaalam tungkol don
✓seen

18:21

Francis

seenzoned na naman

ibig sabihin tama ako?

20:41

Guardian Angel

Martes na nga pala ngayon, nalate yung affirmation ko hahaha

"I do not need validation from others." Take note of this

In case di ka pa rin kuntento sa sarili mo
✓seen

Forgotten (Spin-off)Where stories live. Discover now