Day 18

8 1 4
                                    

Guardian Angel

Wed 01:44

Guardian Angel

Gising ka pa? Time for a new affirmation

"I make time to take care of myself."

From pinterest again and again. Actually puro search lang yung affirmations na sinesend ko sayo. But of course pinipili ko yun base sa mga bagay bagay
✓seen

01:56

Guardian Angel

Uy nagseen ibig sabihin gising ka pa

Ano nang ginagawa mo?
✓seen

05:33

Guardian Angel

Anong oras ka natulog kagabi?

Este ka-madaling araw. Nagseen ka pa ulit sa last message ko pero di ka nagreply

Gising ka na ba?
✓seen

06:11

Guardian Angel

Owshh seen na naman. Inano ba kita? Bat ayaw mo na magreply?

Di ka na bored?

Di ka na gaanong naggagadgets?

Ay wait imposible yung huli kasi nagseseen ka pa sa message ko

06:25

Guardian Angel

Para naman tayong LQ tapos nanunuyo ako ng jowa hahaha walanjo

Besh reply ka besh. Di ko alam nasa isip mo since di tayo magkasama

12:47

Guardian Angel

Himala at di ka nagchat ngayong lunch break mo. Naglalaro na naman kayo ng tropa mo?
✓seen

22:34

Guardian Angel

What a busy day. Tuluy tuloy gawain ko kanina hanggang kanina. Ngayon na lang ulit ako nakapag ol.

Nagseen ka na naman pala. Anong trip mo at natripan mong di mamansin? Dahil ba hindi ako naghihint sa kung sino ko?

Alam nating dalawa na di importante yon sa ngayon. Ang mas importante ay ikaw at yung habit mo
✓seen

Forgotten (Spin-off)Where stories live. Discover now