Day 6

16 1 4
                                    

Guardian Angel

Fri 01:33

Francis

di ba obvious

Guardian Angel

Obvious. Tinitingnan ko lang kung magrereply ka hahaha

Madaling araw ka na naman matutulog

Francis

sabi sayo normal na sakin ang ganitong tulog. mas maaga pa nga kasi di pa ako inaantok

Guardian Angel

Wow sana lahat pwede mamili kung matutulog o hindi. Ako kasi hindi :")

Francis

bat ba di ka pa natutulog?

Guardian Angel

secret thingz haha

At dahil bagong araw na naman ngayon, may panibago akong positive affirmation para sayo

"I focus on what is truly essential." Ehem baka naman marealize mo to sa pagmumuni muni mo. Alam mo na, be productive kasi life is short

Tulog pag may oras at gising kapag may kailangang gawin

Francis

yun na nga life is short tapos di pa ako magiging masaya? asan ang hustisya

tsaka pake mo ba sa ginagawa ko

Guardian Angel

Because I care for you. Yiee charot haha

Francis

parang kakasabi mo lang kahapon na di moko crush

Guardian Angel

Di nga. Joke tawag dyan besh at ang joke di dapat sineseryoso

Francis

Ang pagkakaalam ko sa joke nakakatawa

Guardian Angel

Malay mo kaya di ka natawa kasi wala kang sense of humor. Basta ang alam ko sa joke biro lang at di dapat nakaka offend ng tao

Gusto mo real joke?
✓seen

01:46

Guardian Angel

Gege seen na naman

Still ill leave it here. Matawa ka sana lol

Anong hilig na kanta ng mummies?

Edi wrap music

HAHAHAHA #selfsupport

Sori sa pangungulit need ko lang ng pampatanggal ng stress

02:17

Francis

corny

im not into jokes

Guardian Angel

Ayyt sana sinabi mo agad. Pahiya tuloy ang lola mo ehe

Sabi ko nga focus na lang ako sa pagsend ng words of affirmation sayo. Baka yon may maitulong pa

Francis

di mo ako kailangang tulungan

Guardian Angel

Di nga. Kailangan lang kitang kausapin
✓seen

02:29

Guardian Angel

Gising ka pa?

02:41

Guardian Angel

Beshhh stay with me. Kung kelan naman ako aabutin ng alas tras saka kapag natulog agad

Sige tulog na pala. Basta maging productive ka bukas ah! Sabado pa naman. Baka mamaya maghapon kang tulog

03:20

Francis

lets see kung anong oras ako magigising. Di pa ako inaantok ngayon haha. ikaw?

mahinang nilalang tulog na agad

Forgotten (Spin-off)Where stories live. Discover now