Guardian Angel
Sat 13:56
Guardian Angel
happy weeksary, almost 2nd monthsary
of chatting only, not being my baby
hahahaha ayos ba? tagal kong pinag isipan yang rhyming
Sabi ko nga sabog na naman ako. Mababaliw na yata kasi ako sa mga gawain
But di naman ako nagchat para magrant so..
14:01
Guardian Angel
Since nalaman ko na ang epekto sayo ng affirmations na sinesend ko, tingin ko deserve mo na ring malaman ung para san ba talaga to at bakit kita chinat
Pero ayokong isipin mong napipilitan lang ako at labag sa loob kong tulungan ka ha. Ginusto ko rin talagang gawin yon kasi bukod sa bored ako minsan, wala lang haha nature ko na siguro yon
Just to be clear, di ako mabait. Minsan lang talaga tinatamaan ako ng ideya na gusto kong tumulong sa kahit sino
Wait lang pala busy ako. Maya ko na lang sasabihin
✓seen20:08
Guardian Angel
So ayun na nga may thesis kasi yung pamangkin ko at human behavior related ang topic nila tapos qualitative research.
Something bout power of words to an individual. Or yung effects of affirmation to people. Di ko alam yung saktong title pero parang ganon tapos nacurious ako kaya triny ko sayo
And actually, I had a friend before na insecure sa sarili and as far as I remember, di ko gaanong natulungan in terms of improving her self-love. I was glad that someone helped her tho.
Ya know, in the midst of thinking narealize ko kung gaano ka-powerful ng words. I want to use it for good para naman may ambag ako sa mundo djkFrancis
Pamangkin? Tita ka na?
Guardian Angel
✨ rich tita 💅 ✨ jk hahahaha di ako mayaman
Sa haba haba talaga ng paliwanag ko yon yung napansin mo?? Hanep
Francis
may thesis yung pamangkin mo sa grade school?
o matanda ka na kaya nasa college na yung pamangkin mo
Guardian Angel
Hindi. Limang taon lang ang tanda ko sa pamangkin ko
Francis
5 years old nabuntis yung mama niya?
Guardian Angel
Huh?
Francis
Sabi mo
Guardian Angel
Buang hindi hahahaha di ka pa ba nakakaencounter na halos magkasing edad lang yung magtita. Ako kasi yung pinakabunso sa henerasyon namin tas yung pinakamatanda kong pinsan lagpas twenty years yung tanda sakin
Bale nung nagkaanak siya nung twenty seven siya, 5 yrs old pa lang ako. Edi nakalaro ko pa yung pamangkin ko hanggang nung medyo tumanda kasi halos magkaedad lang kami
✓seen20:31
Guardian Angel
Sige intindihin mo muna. tulog na ko, maaga pa lakad ko bukas hahaha
Francis
gets ko na
bakit ako yung napili mo sa lahat ng taong pwedeng kausapin?
20:34
Francis
bonne nuit
french yan para sa good night
ttysol
YOU ARE READING
Forgotten (Spin-off)
Randomdaily dose of affirmation from a stranger... but with a twist. [I thought it was a fairytale spin-off] Date written: 08-07-22 Date published: 08/31/22 ‐ 09/05/22