Day 34

10 1 5
                                    

Guardian Angel

Fri 06:08

Guardian Angel

Parang gets ko na ang yong pinahihiwatig

Kung bakit ikaw ay seen nang seen sa akin

Onti na lang maiisip ko na talaga

Ikaw sa akin ay may lihim nang pagtingin

O ayan dahil nahirapan ako sa rhyming, # of syllables na lang hahaha pangit pa rin

Ay shet panira. 12 syllables lang pala yung pangalawang linya epal

Kunwari na lang di mo napansin
✓seen

14:15

Guardian Angel

And di mo nga totally pinansin. So is it a sigh of relief or frustration? Nagseen ka na naman eh

So confirmed ba? ikaw ahh normal lang magkaron ng crush totoy pero hinay hinay lang baka mapasobra

16:07

Francis

ano na namang sinasabi mo?

17:19

Guardian Angel

Ano to hindi mo narinig kaya pinapaulit mo? Backread na lang besh

Francis

di ko pinapaulit. pinapapaliwanag ko kasi di ko naiintindihan yung punto mo

Guardian Angel

Kasi ganto yun, palagi mo akong sineseen. Meaning, palagi mo akong nakikita. Lagi kang tumitingin kaya i therefore conclude may pagtingin ka na sakin.

Idk kung bago pa sayo tong paliwanag kasi nabasa ko na tong joke pero ayun nga. Crush mo ako, confirmed

Francis

onti na lang iisipin kong may sapak ka na sa ulo. nagmemessage ka kaya malamang titingnan ko

Guardian Angel

Hahahahaha ikaw kasi ayaw mo magreply ayan tuloy nag isip pa ako ng rason. Tapos ngayong sasagot ka rin pala, pinahirapan mo pa ako

Francis

at san banda ka nahirapan?

Guardian Angel

Sa pagbibilang at pag iisip ng words. Ang hirap kaya

Francis

anak ng teteng akala ko sa paghahanap ng affirmation o paghihintay ng reply ko. weird mo

Guardian Angel

✨born to be weird✨

Speaking of affirmation, "I was born to do great things."

Start doing great things today! Or tomorrow, ikaw bahala

Franciss

And speaking of, balak kong maggeneral cleaning mamaya. sobrang kalat na ng kwarto ko ngayon ko lang napansin hahaha

Guardian Angel

Forgotten (Spin-off)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora