Day 450

22 1 7
                                    

A year later...

"Normal lang 'yan sa mag-asawa. Wala akong asawa maski jowa pero 'yan din ang madalas na nababalitaan ko sa ibang magkasintahan," sambit ni Angela at tinapik-tapik ang balikat ni Eloisa na nasa tabi niya. "Ang payo ko lang sana ay dapat 'di niyo pinaabot ng isang araw ang away niyo. Ayan tuloy nahihirapan kang umuwi ng bahay ngayon."

Wala pang isang taong kasal sina River at Eloisa, at ngayon, humihingi ng payo si Eloisa kay Angela dahil sa naging away nilang dalawa.

"Oo, dito muna ako tatambay kasama ang mga pasyente kaysa makita ang ilog na 'yun," may halong birong sagot nito at inayos ang suot na puting uniporme.

"But seriously, dahil sa kapitbahay kaya kayo nag-away? I mean, ano bang ginawa ng kapitbahay niyo at masyado yata siyang nakaapekto sa inyo?" usisa ni Angela at umupo na sa upuang nasa tapat ni Eloisa. Ngayon ay may lamesa nang nasa pagitan nilang dalawa.

"Nagka-karaoke kasi kagabi yung kapitbahay kaya ang ingay-ingay. Sinabihan ko siyang puntahan sila para makiusap na tumigil na kasi madaling araw na pero sabi niya hayaan ko na raw. Isang araw lang naman daw kasi. Isang araw lang daw pero noong pangatlong gabi na nilang nagka-karaoke. Anak ng siopao, pa'no naman akong 'di makatulog tapos may trabaho kinabukasan? Tsaka panigurado 'di lang kami ang naiistorbo nila kundi pati iba pang kapitbahay. Mga perwisyo, ampotchi!"

"Bakit 'di na lang ikaw ang makiusap?"

"Siya ang lalaki at siya ang katropa ng mga 'yon," inis pa nitong saad at naghilot ng sentido.

Natatawang tumango si Angela at inilagay ang kanang braso sa lamesa. "Mapapamura ka na lang talaga minsan sa bait ng asawa mo sa ibang tao pero 'di sa'yo."

"Talaga. Kagigil!"

"Pero thankful ka pa rin naman sa asawa mo, 'di ba?" paniniguro ni Angela at ipinatong ang baba sa kaliwang palad.

"Syempre nagpapasalamat pa rin ako."

"'Di ka nagsisisi?"

"Hindi. Blessed ako na siya ang naging asawa ko pero naiimbyerna talaga ako kagabi pa hanggang ngayon," usal ni Eloisa at nag-make face.

Day off ngayon ni Angela sa trabaho kaya binisita niya si Eloisa sa clinic- isang bagay na madalas niyang ginagawa. Nag-update sila ng buhay tungkol sa isa't isa at nag-usap pati tungkol sa mga chismis na pwedeng pagkwentuhan.

Nagdaldalan pa silang dalawa hanggang sa may kumatok ng tatlong beses sa pinto bago bumukas.

Bumungad sa kanila ang isang matangkad at medyo mapayat na lalaking nakapang-kolehiyong uniporme. Naka-clean cut ang buhok nito, moreno, at makinis ang kutis, pati malinis ang mukha.

"Uy, Francis!" masiglang pagbati ni Eloisa at sinenyasan itong lumapit. "Anong sadya mo rito? Ang tagal mong 'di nakabisita!"

"Francis?" usisa ni Angela kay Eloisa at saglit na sinulyapan ang binata.

"Good afternoon po, Mrs. Mojico. May mga ikukwento lang po sana ako pati ilang tanong," sambit nito nang hindi pinapansin ang tanong ni Angela.

"Sure, sure." Tumayo si Eloisa at bumaling kay Angela. "Excuse me lang, Ange. Mukhang may bisita ako ngayong araw."

Forgotten (Spin-off)Where stories live. Discover now