3

4.3K 139 12
                                    


NAG-ANGAT ng ulo si Jared nang marinig ang malakas na tinig ng isang babae at ang mga yabag ng tumatakbong kabayo.

Napakunot ang noo niya nang makita ang mabilis na pagtakbo pababa ng burol ng magilas at malaking kabayo. Tumaas-baba sa saddle ang sakay nito. Ang maiksing blusa nito ay umaangat din, exposing her midriff. Ang buhok ay inililipad ng hangin palayo sa mukha nito.

On top of the runaway horse, the woman looked like a warrior. Sa ibang pagkakataon, he would be fascinated, both by the horse and its rider. It was like watching a scene in a movie, only it wasn't. Nakaramdam si Jared ng panganib para sa babae.

Nakikita niyang tila wala itong kontrol sa kabayo. Nauulinigan niya ang malakas nitong sigaw habang pinahihinto ang stallion.

"Ihuhulog ng kabayo ang babaeng iyon, boss!" bulalas ng isa sa mga tauhan niya.

Aw, shit.

Instinctively, tinakbo ni Jared ang Wrangler Jeep niyang nakaparada sa di-kalayuan. Wala siyang ideya kung paano pahihintuin ang isang runaway horse. Ni hindi siya marunong man lang mangabayo. All his life he lived in the city. Pero iisa ang nasa isip niyang gagawin. Sasalubungin niya ang mga ito sa kabilang direksiyon.

"WHOA, Thor!" sigaw ni Serena, umaasang maririnig siya ng thoroughbred. Subalit patuloy sa mabilis na pagtakbo ang hayop. Gusto nang sumabog ng dibdib niya sa malakas na balya ng hangin.

Hindi niya naiintindihan. Walang dahilan upang umalma nang ganoon ang kabayo. Ang alam niyang dahilan upang tumakbo nang ganito ang alinmang kabayo ay kung natakot. Takot na maaaring manggaling sa ahas, sa putok ng baril, o di kaya ay sa halinghing ng kapwa kabayo.

"Thor, please! Hoo... hoo!"

She clutched the reins tightly and held on for dear life. Kahit paano ay pilapilan ang tinatakbo ng kabayo. Wala na ang mga sanga at dahon ng mga punong tumatama sa mukha niya.

Her heart was pounding in her ears. Ang malamig na hangin ay tila bumabayo sa dibdib niya. Nagsisimula na siyang makadama ng takot.

Or was it hysteria?

Hindi siya dapat mag-panic. Kapag pahihintulutan niyang mangyari iyon ay baka tuluyan siyang mapahamak.

"Thor, please! Hoo!" muli niyang sigaw, her voice was trembling. Now she knew she was really scared.

Hanggang saan tatakbo ang kabayo? Paano kung ang patutunguhan nila ay ang burol sa kabilang dulo ng lupain? At kung tatalon siya sa kabayo ngayon, para na rin niyang tiniyak ang kapahamakan niya.

Ang lupaing tinatakbo ni Thor ay dating bahagi ng Hacienda Manzanares. Natitiyak niyang bagaman pilapilan ang lupang tinatakbo nila ay burol ang dulo ng kapatagang natatanaw niya na ang ibaba ay dalampasigan.

Hindi matarik ang burol, humigit-kumulang walong talampakan lang ang taas niyon. At buhanginan ang ibaba. Sa ibang pagkakataon, kaya niyang patalunin doon si Thor tulad ng ginagawa niya noong dalagita pa.

Pero hindi sa pagkakataong iyon na wala siyang kontrol sa hayop. Hindi sa sandaling iyon na natatakot ang kabayo sa kung ano mang dahilan. It was as if Thor was running for its very life.

Mahusay siyang mangabayo. Doce años siya nang magsimulang paturuang sumakay sa kabayo ni Edmundo Manzanares ilang buwan lamang matapos nitong pakasalan ang kanyang ina. Katunayan, nang matiyak ni Don Edmundo na mahusay na siyang mangabayo ay iniregalo nito sa kanya si Thor—na nang mga panahong iyon ay isang munting bisiro.

At alam niyang kahit na sinong mahusay na mangangabayo ay posibleng ihagis ng kabayo mula sa likuran nito, lalo sa ganitong sitwasyon.

And she could die!

Kristine Series 25 - Have You Looked Into My Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon