17

4.1K 110 6
                                    

"SAAN ka ba nanggaling? Bakit ngayon ka lang?" agad na salubong ng babae nang mapagbuksan siya ng pinto.


"Huwag kang magsisimulang magtungayaw, Sonia. Pagod ako sa biyahe," babala niya.Tuloy-tuloy siya sa maliit na sala na sa dalawang hakbang ay ang kusina na rin, at isa pa uling ikot ay ang pinakasilid na tinabingan lamang ng luma at kupas na kurtina. At ang kama, alam niya na bumubukol na ang mga spring at tumutusok na sa likod.


His nose flared. Papasok pa lang dito sa lugar na ito'y napasimangot na siya. Makitid ang iskinita na puno ng mga batang nanlilimahid at mga istambay sa kanto na nag-iinuman. Pakunwari niyang binati ang mga iyon at binigyan ng isandaang pisong pang-inom.


At habang sinusuyod ng tingin ang entresuwelo ay lalo nang gustong mag-init ng ulo niya. Biglang-bigla ay kinasuklaman niya ang kapaligirang iyon. Mas malaki pa ang servants' quarter sa villa ng mga Manzanares kaysa sa buong bahay na iyon. At di-hamak na mas magaganda ang kasangkapan sa loob ng servants' quarter kaysa sa kasangkapan sa bahay na iyon.


Pero hindi magtatagal at maisasaayos niya ang lahat. Nakatiim na tiniyak niya iyon sa sarili.Naupo siya sa lumang sofa na, tulad ng kama, ay nakaalsa na rin ang mga spring at ang napunit na leatherette ay tinapalan lamang ng rugby. Inihilig niya ang ulo sa sandalan. Si Sonia ay lumapit at tumalungko sa sahig, sa pagitan ng mga binti niya.


"Gusto mong alisin ko ang pagod mo?" Puno ng kahulugan ang mahinang tinig nito. Ibinaba ang zipper sa pantalon niya.


Isang patamad na ngisi ang pinakawalan niya. Tumaas ang kamay sa buhok nito at dinaklot iyon at itiningala ito.


"Iyan ang gusto ko sa iyo, Sonia. Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagbabago kahit lyebo tres ka na. Pero mamaya na iyan. Pakainin mo muna ako."


Nakangusong tumayo si Sonia at lumakad patungo sa kalan. "Noodles ang niluluto ko bago ka dumating."


"Noodles?" Napaangat ang likod niya mula sa sandalan. "Anak ng—!""Ano ba ang inaasahan mo?" sagot nito sa bahagyang padabog na tinig. Kumuha ng bandehado at nagsandok ng kanin. "Halos isang buwan kang hindi nagpapakita. Wala naman akong pera maliban doon sa iniwan mo sa aking tatlong daan. Saan ba naman aabot iyon? Inutang ko pa nga itong noodles sa tindahan!"


"Pesteng buhay ito. Sana'y hindi na lang ako umuwi rito! Kanin at noodles?" Tumayo ito at dinukot ang pitaka mula sa pantalon at kumuha ng isang libong piso at pahagis na inilapag sa center table. "Bumili ka ng matinong ulam sa kanto! Tatlong klase at ihagis mo sa kaning-baboy iyang noodles. Bumili ka rin ng beer at bayaran mo ang utang mo."


Nanlaki ang mga matang napatitig sa pera si Sonia. Pagkatapos ay nakangiti at pagahamang dinampot nito ang pera at nagmamadaling lumabas ng entresuwelo. Ilang hakbang lang ang tindahan at bilihan na rin ng ulam. Kaya ilang sandali pa'y nakabalik na ito at inihain ang tatlong klaseng ulam.


"Nanalo ka raw ba sa lotto sabi ni Aling Onang, at tatlong klaseng ulam ang binili ko?" Binuksan nito ang apat na bote ng beer.


Kinuha niya ang isa at ininom mula sa bote. "Kapag nagkataon ay... mas pa sa panalo sa lotto, Sonia," wika niya, walang pakialam kung umaapaw ang kanin sa bibig. Dito ay hindi niya kailangang magkunwari.


Hindi niya kailangang gumamit ng mga kubyertos at cloth napkin. Ang ipinagpapasalamat niya, sa mga pagkakataong nakakalimot siya sa harap nina Serena at Tiya Adel ay maiintindihan ng mga iyon na ito ang uri ng buhay niya sa nakalipas na mga taon. Gayunma'y hindi kailangang palabisan.


Sinalinan ni Sonia ng ulam ang pinggan niya. "Kuwentuhan mo naman ako, Cris. Saan ka ba nanggaling nitong nakaraang mga linggo?

"

Ngumisi siya, tinungga ang beer. "Natatandaan mo ba iyong sinabi ko sa iyong pamilya ko sa Marinduque?"


"Iyong pinuntahan mo?"Tumango siya. "Natagpuan ko na. Hindi nga lang tulad ng inaasahan ko ang kayamanan. Nakasangla ang buong kabuhayan namin sa bangko. At kung matutubos man, o kung maipagbili man, maghahati pa kami ng... ng stepsister ko sa halaga."


"Magkano?" excited nitong tanong.Nagkibit ito ng mga balikat. "Kung sakali'y baka mahigit sa isang milyon ang mapaparte ko—""Isang milyon!" Napatili si Sonia.


"Bukod pa sa bahay at lupa sa Quezon City. Iyong propiedad na iyon ay hindi nakasangla. Bago ako nagtuloy rito'y dumaan muna ako roon pero hindi ako pumasok. Tiningnan ko lang. Nakatayo ang bungalow sa humigit-kumulang apat na raang metro kuwadradong lupa at sa segunda klaseng subdivision...


"Sabi ni Serena ay may tatlong malalaking silid iyon at isang maliit na silid-tulugan ng katulong. Tantiya ko'y hindi bababa sa sampung milyon ang halaga niyon kung ipagbibili." At titiyakin niyang maipagbibili iyon!


Napahugot ng hininga si Sonia, nahinto sa pagkain at ibinaba ang nakataas na paa. "At... at may parte ka rin doon?"


"Ako lang ang dapat na magmamana niyon, kung tutuusin, Sonia, dahil ako ang... anak," namumuwalang sagot niya.


"Oh, Cris! Ibig mong sabihin ay mayaman na tayo?"




**********************Malungkot ako today kaya sad ako char hahaha - Admin A. Kumusta ang lahat? **********************

Kristine Series 25 - Have You Looked Into My Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon