18

16.9K 204 195
                                    


"Kaya magpakabait ka sa akin." Inubos niya ang natitirang laman ng bote ng beer. "Madali para sa aking palitan ka ng mas bata."


Lumabi ito, bahagyang nagkaguhit ang insekyuridad sa mga mata. "Hindi mo magagawa iyon. Isa pa, kung ganyang marami na tayong pera, di magagawa ko nang gumasta nang husto sa pampaganda."


Hinagod niya ito ng tingin. Treinta y dos ang edad. Pero kahit paano'y hindi maipagkakailang maganda at may hubog ang katawan sa kabila ng may-katabaan. Puwede-pasar ang balat at may itinatago namang puti kapag nahubaran.


Noong kabataan ni Sonia ay sikat ito sa pinapasukang club. Pero hindi naman katandaan ang treinta y dos. Kung maaayusan ito'y tatalunin nito ang ilan sa mga bold star na nakikita niya sa television.


Higit sa lahat, mahusay magpaligaya ng lalaki si Sonia. Kahit kahoy na babad sa tubig ay mapagniningas nito.


Biglang kumunot ang noo niya at naningkit ang mga mata. Dinaklot ang blusa nito. "Nitong wala ako, sino ang dumidiskarte sa iyo?"


"W-wala!" tanggi nito. "At kung mayroon mang nagpapalipad-hangin diyan ay maiaalis mo ba iyon? Maganda naman ako, ah."


"Huwag kang magkakamaling pumatol sa iba, Sonia, patay ka sa akin!" Pabalya niyang binitiwan ito na kung hindi nakahawak sa mesa'y baka nahulog sa plastic na upuan.


"Alam mo namang hindi ko magagawa iyon, Cris. Ikaw lang ang mahal ko."Kahit paano ay alam niya iyon. Mahal siya nito at handang paglingkuran. Pero sino ang nakatitiyak? Halos isang buwan siyang wala. Tumayo siya at lumagok ng tubig at pagkatapos ay nagmumog at basta na lang ibinulwak sa lababo. Pagkatapos ay tumabo ng tubig sa plastic na drum, naghugas ng kamay at nilingon si Sonia.


"Tara sa kama." Pinahiran nito ng likod ng palad ang tumutulong tubig sa bibig."Hindi pa ako tapos kumain. Ang sarap ng ulam, eh..."


Umangat ang kilay niya at nilapitan ito, hinablot ang blusa. Napunit iyon at kumawala ang malusog na dibdib, tila sa isang inang bagong panganak na hindi pa nababawasan ang gatas.Iyon ang kahinaan niya. Hindi niya gusto ang babaeng may-kaliitan ang dibdib. Pumasok sa isip niya si Serena. Mas maganda, mas makinis ang mamula-mulang balat, mestiza, at seksi ang pang-upo, at kapag lumakad ay nag-iinit ang katauhan niya.


Pero walang sinabi si Serena kay Sonia pagdating sa dibdib. At tiyak niyang wala ring sinabi si Serena pagdating sa kama kompara kay Sonia.


Pero malinis at inosente si Serena. Hindi tulad ni Sonia na bago napunta sa kanya ay maraming lalaki na ang nagpakasawa rito. At si Serena ay sosyal, de-klase. Ang uri ng babaeng hindi niya kayang abutin. At kung pag-iinteresan pa niya ito ay masisirang lahat ang mga plano niya. Planong naudlot na sa pagdating ni Jared Atienza.


Ibinalik niya ang atensiyon kay Sonia at padaklot na dinama ang dibdib nito. Napasinghap nang malakas si Sonia, dala ng sakit at pagnanasa. Napangisi siya. Magkatugmang-magkatugma sila nito. Dinadala ng magaspang at masakit na pakikipagtalik sa kasukdulan si Sonia.


Ilang sandali pa ay umuga ang kapirasong silid sa pagniniig ng dalawa. Lumangitngit ang spring na kama. Walang pakialam kung marinig man ng mga kapitbahay ang malakas na ungol ni Sonia na tila hayop sa kabilugan ng buwan, o kung may mga bata mang naglalaro sa ibaba, o kung may naninilip man sa kanila sa maliliit na butas sa dingding.


MAKALIPAS ang mahigit sa kalahating oras ay tumayo na siya. Dinampot sa sahig ang mga nakakalat na damit at nagsimulang magbihis.


"Saan ka pupunta?" tanong ni Sonia, nakalatag sa kama ang hubad na katawan at dinadama ang sarili na tila ba kulang pa ang halos isang oras na makahayop na pagniniig.


"May lalakarin ako, Sonia. Isa pa'y kailangan kong umuwi sa bahay sa Quezon City ngayong gabi dahil kung hindi ay magtataka si Serena. Kasama ko silang dumating dito. Nagpababa lang ako sa Cubao."


Biglang tumalim ang mga mata nito. "Sinong Serena? Sinong sila?"


"Si Serena ay ang sinasabi ko sa iyong... stepsister ko. At kasama niya ang mapapangasawa niya. Isinama siya rito para mamili ng mga gagamitin sa kasal. Ikakasal sila sa susunod na linggo."Umaliwalas ang mukha ni Sonia. Napabangon ito at itinukod ang siko sa kama. "Bakit hindi mo ako ipakilala sa kanila, Cris? Sa stepsister mo. Asawa mo naman ako."


Natigilan siya. Sandaling napigil ang mga kamay niya sa pagtatali ng sintas ng rubber shoes. Nilingon niya ito, ni hindi ito nag-abalang takpan ang sarili. Kung siya ang masusunod ay gugugulin niya ang magdamag sa pakikipagtalik kay Sonia. Kay tagal din niyang walang babae. Pero sapat na muna ang nangyari kani-kanina.


"Saka na, Sonia," sagot niya at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ko sinabi kay Serena na nag-asawa ako. Huwag mo nang itanong kung bakit dahil may plano ako at makikinabang ka rin."Yumuko siya at walang damdaming hinagkan ito sa pisngi. Nalanghap niya rito ang amoy ng ulam nila kanina. She also smelled of stale beer and stale sex.


Muli ay pumasok sa isip niya si Serena. Laging mabango at malinis kahit na nasa bahay lang. Napahugot siya ng hininga at dumukot ng pera sa pitaka, limang daang piso. Inihagis iyon sa kama.


"O, panggastos mo, kasama na iyong sukli sa ulam kanina. Kung may oras ako'y babalik ako bago kami umuwi sa Marinduque."


Agad siyang tumalikod at humakbang patungo sa pinto bago pa makapagprotesta si Sonia. Hindi kailangang makilala ni Sonia si Serena. Baka masira lang ang plano niya, kahit na ba may-kahinaan ang utak nito. Ipinagpasalamat niyang hindi niya nasabi rito ang tunay niyang pangalan.


Isa pa'y wala siyang tiwala sa Jared Atienza na iyon. Hindi niya gustong magpakasal si Serena rito. Kung siya ang masusunod ay gusto niyang ipagbili ang mga ari-arian at pagkatapos ay magkanya-kanya na sila.


Kung tutuusin ay hindi sa mga ari-arian siya interesado dahil hindi naman madaling idispatsa iyon. Lalo at nakapangalan pa pala kay Serena. Gayunma'y bumangon ang galit niya nang malamang halos wala nang laman ang villa at may malaki pang pagkakautang sa bangko.


Nang umuwi siya sa Manzanares ay nakatuon ang interes niya sa kuwadro ni Juan Luna at sa mga alahas. Subalit nadismaya siya nang malamang naipagbili na ang Juan Luna painting. At nahalungkat na niya ang buong villa hanggang sa attic subalit wala siyang makitang mga alahas.Gusto niyang itanong kay Serena kung naipagbili na rin ba ang mga iyon. Hindi birong pera ang halaga ng mga alahas subalit hindi siya nakatitiyak kung alam ni Serena ang tungkol doon.


Putang...! Marahil ay naipagbili na rin ang mga iyon. Dahil kahit si Serena ay hindi niya kinakitaang nagsuot ng kahit na ano maliban doon sa maliit at mumurahing hikaw.Pero hindi bale. Titiyakin niyang sa kanya mauuwi ang lahat. At ang bahay at lupa sa Quezon City ay kailangang mapasakanya lang.


*******************Grabe naman malungkot ako pero bigla akong nag-init sa chapter na ito hahahaha . Grabe ang hot eh parang ako super duper extra hot chilimansi flavor char hahaha - Admin A ***************Baka mag-init kayo mga besh ahh, dahan - dahan lang sa pagbabasa hahaha ***************

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kristine Series 25 - Have You Looked Into My Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon